Chapter 9

2047 Words
#HGDCh9 Hurricane "IS she going to be okay?" Tiningnan lang ako ng doktor na gumagamot sa balikat ko. Humarang siya sa harap ko kaya nawala sa paningin ko si Amaranthine na wala pa ring malay. Bakit hindi pa rin siya gising?! "Sir, huwag ka pong malikot please para po magamot ko--" "Just hurry up! Put those goddamn cream and then put some bandage! You're too slow--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ang paghampas ng kung ano sa ulo ko. "You brute! You're talking to someone older than you, show some respect Cane," Lumingon ako at napangiwi nang makita si Light na masama ang tingin sa akin. "What the hell are you doing here?! How did you even know that I'm here--ouch!" sigaw ko nang pingutin niya naman ang tenga ko. Goddamn it! Ang tingin niya pa rin ay ako pa rin ang bata niyang kapatid! "Light!" Binitiwan niya ako at parang walang nangyari na nginitian niya ang doktor na tumitingin sa akin. "Continue doc, sorry for disturbing you," saad niya na napangiwi nang makita ang tinamo kong second-degree burn sa balikat ko at maging sa braso ko. Hindi ko na siya pinansin at muling binalingan si Amaranthine na nilalagyan na ng oxygen. Pero nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti nilang hawiin ang partisyon na kurtina papasara. Bakit nila tinatakpan? Hindi ako mapakali at kung wala lang ang amazona kong kapatid ay hindi ko hihintayin na matapos ang mabagal na paggagamot sa akin. "Thank you for treating my brother, Doc...what will you say Cane to Doc?" tila bata ang kinakausap na turan niya sa akin. "Thank you," napipilitang saad ko sa doktor na kiming ngumiti--mukhang nabighani sa kapatid ko. Habang nagbibilin siya kay Light ng reseta ay mabilis akong tumayo at hinawi ko ang kurtina para makita si Amaranthine. Nagulat ang mga naroroon at maging ako nang makita na hindi suot ni Amaranthine ang pang-itaas niya maliban sa brassiere na tumatakip sa dibdib niya. "Sir, bawal po kayo rito." saad ng Nurse at pinalabas ako bago muling isara ang kurtina. Is she okay? Oh Gahd. Why am I even worrying about her? Heto nga't napahamak ako dahil sa kanya. Why did she even have to go to her house? Para lang sa isang bag, isinugal niya ang buhay niya! Ano rin bang pumasok sa isip ko para kunin siya bilang temporary assistant ko? Dahil ba sa ilang gabing hindi siya nawala sa isip ko? Dahil ba sa mga panaginip kong nandoon siya habang inaangkin ko? She's not even my type! Malayong-layo siya sa mga babaeng nagpapainit ng gabi ko. She's beautiful though...Sinfully beautiful. Her doe eyes made her look innocent and vulnerable. Her luscious lips that makes me wonder how soft it is. No, I don't like her...I just find her attractive, that's all. But it doesn't mean that I like her. I hired her because she's interesting...Naiiba sa mga babaeng nakilala ko. Na-curious ako sa kanya. I wanted to have some fun, nakakasawa na rin ang routine ko sa buhay. She's something new, a breath of fresh air. I smirked satisfied with my reasoning why I let her enter my life. "Nababaliw ka na ba? Don't tell me naapektuhan ng usok 'yang utak mo?" Hindi ko pinansin si Light na mukhang kanina pa ako kinakausap pero hindi rumerehistro sa utak ko ang mga sinasabi niya. Nagtungo ako sa kama at pinagmasdan ang kinaroroonan ni Amaranthine. "Mygad, could you please wear your undershirt Hurricane?!" I growled when he throw my shirt in my face. Isinuot ko iyon at napangiwi ako nang sumakit ang balikat ko, "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" "Well, I'm here because while I'm having some alone time with my husband, Yaya shouted saying you're in a local tv news carrying a woman like a hero! What the hell are you doing in that place? How did you get involved in this fire--" I heavily sighed and massage my temple that made her stopped talking. Finally. "I was just worried about you, Cane. As years goes by, I feel like you're drifting away from us, palayo ka nang palayo...I'm still your sister. Hindi ko hinihingi na i-update mo ko sa palaging nangyayari sa buhay mo pero kapag may ganitong sitwasyon, 'wag mo naman hayaan na sa ibang tao pa namin malaman," Hinila ko si Light paupo sa tabi ko. "Mula nang maging ina ka na, masyado ka nang nagiging ma-drama," pang-aasar ko sa kanya. "Seryoso kasi! Pasalamat ka na sa europe sila Daddy kung hindi lagot ka kay Mommy," "I'm fine, ikaw na nga rin ang nagsabi matagal akong mamamatay dahil masama akong damo, where the hell did you even learned that?" Tumawa siya, "Kanino pa 'eh di kay Mommy. So tell me, what really happened? Who's that woman?" nguso niya sa tinitingnan ko pa rin pala na kinaroroonan ni Amaranthine. Inaantay na bumukas ang kurtina. "My personal assistant," maikli kong tugon. "Your assistant?! Where is Geoff?" "He's on paternity leave. She'll be my temporary assistant," "And she's a woman? Akala ko ba ayaw mo na babae ang personal assistant mo dahil hindi maka-resist sa kaguwapuhan mo at dahil isa kang mapagbigay na boss, pinapatulan mo." Ngumisi ako at hindi siya sinagot. "I don't like that smirk! What game are you playing now, Hurricane?" seryoso na ang boses niyang tanong. Hindi ko siya sinagot at mabilis akong lumapit kay Amaranthine nang hawiin na ang kurtina at makita kong kinakausap na siya ng doktor. Umuubo siya nang makalapit ako sa kanila kaya ibinalik ang oxygen mask niya. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako. Mamaya ka sa akin, troublemaker! "How is she?" tanong ko sa doktor na tumingin sa kanya. "She's okay now, she suffered a second degree burn in her left leg. Masyado ring maga ang paa niya pero base sa x-ray ay hindi pa naman kailangang sementuhin. She also suffered smoke inhalation that's why we need to monitor her condition. Mukhang may asthma rin ang pasyente kaya siya nahirapang huminga, reason why she probably lose her consciousness. Process her admission first para maipanik na siya sa taas." "I'll process her admission, may id ka ba niya?" tapik sa akin ng kapatid ko. "Or should we call her family?" "H-Hindi na po kailangan. Okay lang po ako--" Ibinalik ko ang oxygen mask na tinanggal niya kahit na kita kong nahihirapan pa rin siyang huminga. "You're okay? Goddamn it, you can't even breath properly and you're telling us that you're fine? What the hell are you thinking woman? You risked your life--our lives just because of this bag?!" pagsipa ko sa bag na nasa lapag na hindi niya mabitiwan kanina. "Cane! You're scaring her," binalingan niya si Amaranthine na napayuko at hindi ako matingnan. "I'm her sister, do you want me to contact your family?" Umiling siya at nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya. "W-Wala po ako non," "I-I see, then where's your ID? I'll process your admission," Nasa mga mata niya pa rin ang pagtutol pero hindi na siya nakaimik nang kunin ko ang bag na pinoprotektahan niya kanina at kalkalin nang hindi humihingi ng permiso sa kanya. Dalawang folder ang laman ng bag at isang sobre na naglalaman ng pera. Money? So this is what she's after? Money again? She risked her life just for a few thousands... Pabalabag kong ibinagsak iyon at kinuha ang wallet na nakapa ko. Binuklat ko iyon pero natigilan ako nang makita ang larawan na nandoon. Ngiting-ngiti siya sa larawan habang may nakayakap na lalaki sa likod niya. Damn, he's not even handsome. Mukhang totoy. Hindi ko napigilang umismid at ibigay kay Light ang ID ng babaeng pasaway. Hindi ko pinansin ang kakaibang tingin sa akin ni Light at padabog na ibinaba ang mahiwagang bag ni Amaranthine. "Maiwan ko muna kayo," "S-Sorry--" "Stop talking and just wear that goddamn mask," Umubo siya at muling isinuot iyon, mukhang maraming gustong sabihin sa akin pero mas piniling manahimik na lang. *** "WHY is she so familiar...I think I already saw her before." kunot ang noong saad ni Light habang nagmamaneho. It's past 9 o'clock in the evening. Nang masigurong ayos na si Amaranthine ay nagpasya na akong iwanan siya. I need a freaking shower. Kahit nang umalis kami ay may pagputol pa rin sa mga mata niya lalo pa't sa isang private room siya ipinasok ng kapatid ko. Pero pinanatili kong masama ang tingin ko sa kanya para hindi na siya makapagprotesta pa. "You did..." "Oh I remember now, siya iyong nasa party na tinulungan ka sa pagpapalit ng diaper ni Cali?" "Yeah..." Saglit siyang nanahimik at pipikit na sana ako nang muli siyang magsalita. "How did she become your assistant? Nag-apply ba siya?" "No, it's a long story Light. Maybe some other time..." saad ko nang mapansin na malapit na kami sa condo ko. Umismid siya, "Kailan naman kaya iyang some other time mo?" Ngumiti ako nang sa wakas ay nakarating na kami sa tapat ng condo ko. "How about Calis' birthday?" Sumimangot siya. "That's four months from now, can you just tell me now?" "I'm tired. I want to rest at baka hinahanap ka na rin ni Cali at ng asawa mo. Thank you for your big help, ate..." Bababa na sana ako nang pigilan niya ako. "Cane, that woman don't play with her. I don't want you to get hurt...seems like she's already in a relationship." Natigilan ako sa sinabi niya at naalala na naman ang larawan sa wallet ni Amaranthine. "I won't get hurt, Light...not again." Ngumiti ako sa kanya bago bumaba. Hinintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok sa condo. Napapikit ako matapos kong malinis ang katawan. Gusto ko mang magbabad ay hindi ko magawa dahil sa mga natamo kong paso. Where the hell is her boyfriend? Siya dapat ang may mga ganito at hindi ako. What an irresponsible man. Dumapa ako sa kama at pumikit pero ang imahe ni Amaranthine ang nakikita ko. Her gorgeous face and seductive body. Napasabunot ako sa buhok ko nang hindi ako dapuan ng antok kahit na pagod ang katawan ko. Tumayo ako at napagpasyahang magpalit ng damit. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagmamaneho pabalik sa hospital. Bitbit ang mga binili kong pagkain sa drive-thru ay nagtungo ako sa kuwarto ni Amaranthine. Iiwanan ko lang ang mga pagkain na 'to pagkatapos ay uuwi na rin ako. I'm not her boyfriend para ako ang magbantay sa kanya. Baka nga natawagan niya na ang boyfriend niya at nandoon na iyon. Natigilan ako sa naisip ko pero kasabay nang pagbubukas ng elevator ay nakita ko si Amaranthine na dumaan habang nakasaklay. I was about to call her pero nakapasok na siya sa kabilang elevator. Saan siya pupunta? Tiningnan ko kung saan hihinto ang elevator at kahit hindi ako nakasisigurong siya lang ang nandoon ay pumasok ako sa binabaan kong elevator at pinindot ang seventh floor. Pribado rin ang mga silid sa hinintuan kong floor at sa dulo ng hallway ay nakita ko siyang pumasok sa isang silid. May kuryosidad akong sumunod sa kanya at dahil hindi tuluyang naipinid ang pinto ay nasilip ko siya sa loob. "Hi hon, did you miss me?" Tumawa siya habang hinahaplos ang lalaking natutulog sa kama. Iyong lalaking nakayakap sa kanya sa litrato sa wallet niya. "Kung nandito ka lang, malamang pinagalitan mo ako...pero okay naman ako hon. Kilala mo ko, may agimat yata ako," Patuloy niyang pagkausap pero nanatiling nakapikit ang lalaki at wala pa ring kagalaw-galaw. "I promise hon, I'll save you--we'll save you...magigising ka rin." "And where is that boyfriend of yours at hinahayaan niya ang girlfriend niyang papakin ng lamok sa gilid ng kalsada?" "Tulog siya..." "Tulog?" "Tulog siya pero soon magigising na rin siya. Onting panahon na lang..." Ito ba ang ibig sabihin niyang tulog ang boyfriend niya? "Sino ka?" Dahil sa pagkagulat sa boses na nagsalita mula sa likod ko ay nabitawan ko ang dala-dala kong mga pagkain. Lumingon sa kinaroroonan ko si Amaranthine at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Oh f*ck! What am I doing here? I should've just gone to my bed! TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD