#HGDCh10 Nicolai Kulang ang salitang nagulat ako para mailarawan ang reaksyon ko nang makita si Hurricane Helios na nasa pinto ng kuwarto ni Nico. Nahihirapang tumayo ako at kinuha ang saklay ko para makalapit sa kanya. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay nagtagpo ang tingin namin. Ngumisi siya at kinamot ang noo niya bago pinulot ang nalaglag niyang mga plastic na naglalaman ng mga pagkain sa. "Ate, anong nangyari sa 'yo? Naka-confine ka rito? Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Jade sa akin na dumating na pala. "Simpleng aksidente lang sa trabaho, b-bukas ay makakalabas na rin naman ako," saad ko at hindi na sinabi ang muntik ko nang pagkamatay dahil sa sunog sa tinitirhan ko. Tumikhim si Hurricane kaya nabaling sa kanya ang atensyon ni Jad