#HGDChapter19 Drew "THAT would be 5000 pesos, Ma'am." Wala sa sariling inabot ko ang card ni Hurricane sa cashier at inabot ang damit na binili ko para sa babae niya. Mapait akong ngumiti habang pinagmamasdan ang hawak na paper bag. Bigla yatang sumama ang pakiramdam ko ngayong araw na 'to. Mabigat ang mga hakbang na bumalik ako ng unit ni Hurricane. Pipindutin ko pa lang ang doorbell nang bumukas na iyon at iluwa ang dalawa. Napalunok ako nang makitang polo ni Hurricane ang suot nung babae. Parehas na blanko ang tingin nila sa akin. Tumikhim ako at iaabot na sana ang paper bag nang iwasiwas ni Hurricane ang kamay niya. "Masyado kang matagal, sa 'yo na 'yan o kung ayaw mo itapon mo." Argh! Bakit tunog bitter 'tong hayop na 'to? G na G Ser?! Pero sa isip ko lang iyon naibulalas at n