#HGDChapter20 Don't Ano bang problema niya? Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan si Hurricane na masama ang tingin kay Drew. Ibinaling niya ang tingin sa akin at nagsalubong ang kilay niya nang hagurin ng tingin ang ayos ko. Napalunok ako nang mapagtantong long sleeve polo ni Drew ang suot-suot ko na halos umabot sa tuhod ko. Nawala sa isip kong magpalit sa kakamadali na makaalis kanina. Pero kung ano mang iniisip niya ay mali iyon dahil nilinaw ni Drew na hindi siya ang nagpalit sa akin kung hindi si Manang na nataong nilinis ang apartment niya. Nanghuhusga ang tingin niya at ang talim ng tingin niya ay nakakailang. Hindi ko alam kung dahil sa lagnat ko kaya nakaramdam ako nang pag-iinit sa buong katawan ko partikular sa mukha ko. Nakabibingi rin ang kabog ng puso ko. Naputol ang ti