Chapter 2

1465 Words
#HGDCh2 First Meeting "CALI stop crying! We're going inside, you'll see your Mom and Dad so let's clean you up--" Pinigilan kong matawa nang makita ang tila natataeng ekspresyon sa mukha ng guwapong pakay ko. He's dashingly handsome with his suit and all but he looks so frustrated with a kid. Kung sinuswerte ka nga naman oh. "Need help?" paglapit ko sa kanilang dalawa. Agad siyang lumingon sa akin pati na rin ang batang biglang nanahimik nang makita ako. Iba talaga kagandahan mo, Thine. Natulala na sa 'yo ang dalawa oh... Bago pa ko maging bato sa pagtitig niya ay tuluyan akong lumapit sa bata at walang kime ko siyang kinarga. "Hey baby, what's wrong?" tanong ko dahil mukhang di nakakaintindi ng tagalog 'tong bata. Amoy sossy. Kumunot ang noo ko nang may maamoy na hindi maganda. Kinumpirma ko iyon nang silipin ko ang suot-suot niyang diaper. "Ay pucha--ang ibig kong sabihin alam ko na bakit siya umiiyak..." pagbaling ko sa lalaking nag-uumpisa na namang mataranta nang makitang nag-iiyak na naman ang batang karga ko. "What's wrong with her?" "Tumae siya..." "She's what?" "Tumae...nagpoopoo ba, eto naman may pagkabingi. Kelangan ko pang englishin?" naiirita ko nang saad sa kanya. Nagtatagalog ako. English nang english. Sarap konyatan 'eh. "May diaper ba siya diyan?" pagtukoy ko sa nakita kong baby bag sa bench. "I think so?" "Ah...meron naman pala. Marunong ka naman sigurong magpalit?" Tila mas umaayon sa akin ang tadhana nang ngumiwi siya senyales na wala siyang alam sa paglilinis sa bata. "Hala nako kelangan niya nang magpalit at magkakarushes siya nasaan mama niya?" pananaranta ko pa sa kanya lalo. "She's busy!" Ayan na naman ang natatae niyang ekspresyon. Laughtrip, kingama. "Fine, I'll help." Oha. English speaking ma men. "You're willing to help?" "Siyempre boss may bayad..." pagngisi ko sa kanya. "Fine, I'll pay you, now let's go." Maglalakad na sana siya paalis nang muli akong magsalita. "Ay hindi pera..." Kahit kelangan ko ng pera, imposible namang mabigyan mo ko ng 200 kiyaw sa pagpapalit lang ng diaper. "What do you want then?!" "Ikaw..." Ngumisi ako nang makita na tila kinilabutan siya sa sinabi ko. Siya naman talaga ang kailangan ko. Rather, ang pagkamahal-mahal niyang pirma. Kinindatan ko siya nang hindi siya magsalita. May pagmamadali ang kilos kong tinahak ang daan papunta sa restroom ng hotel. "Akin na 'yang bag," nguso ko sa nakasukbit sa kanya nang makarating kami sa restroom. "Hindi ka puwede sa loob..." Binagsak ko ang bag ko sa paanan niya. "Ayan bag ko don't worry hindi ako kidnapper..." saad ko bago kami pumasok ng bata sa loob ng restroom. Agad-agad kong kinuha sa bag ang kailangan ng bata. Madali para sa aking linisin siya dahil hindi ito ang unang beses na naghawak ako ng bata. Just last year, isang baby sitter ang pinasok kong trabaho. Nilalaro at kinakantahan ko siya hanggang sa natapos ko na siyang palitan. Kinuha ko ang pacifier sa bag niya nang makita napupuno na ng laway ang kamay niya sa pagsupsop niya roon. "Ang cute-cute mo!" panggigil ko at hindi napigilang halikan ang kamay ng bata. Paglabas namin ay bumungad sa akin si Hurricane Helios kasama ang isang babae. Saglit akong nabatubalani sa hitsura niya. Hanep, ang ganda. "Baby, come here...did you miss Mommy?" pagbaling niya sa amin at mabilis namang nagpakarga ang hawak kong bata sa Mommy niya pala. "Oh who are you?" tanong niya sa akin. "Thine po..." nasabi ko na lang dahil mangha pa rin ako sa hitsura niya. "She saved me from your 'nice' daughter!" inis na saad ni Hurricane sa napagtanto kong Ate niya pala. "We'll go inside. The party's about to start...Thanks again, Thine." saad ng Ate niya matapos pagtawanan ang kapatid niyang mukhang hindi pa rin makamove-on sa pag-babysit sa pamangkin niya. "No problem po..." Susunod na sana ang lalake nang mabilis ko siyang pigilan. "Hep hep, may deal tayo Mister... a deal is a deal." "What do you want? Sorry to say this Miss but you're not my type." hambog niyang saad sa akin. Asa ka naman. Iba rin ang type ko malayong-malayo sa 'yo. "Gago! Hindi rin kita type 'no, assumerong 'to." Pinigilan kong hawakan ang baba niya at isara ang bibig niya nang mapanganga siya sa sinabi ko. First time niya yatang makarinig ng mura galing sa isang 'magandang' babae. Tumikhim ako at inilahad sa kanya ang kanan kong kamay. "I'm Amaranthine Renesmee Costas. I have a proposal for you, Hurricane Helios." "Y-You know me?" Tila nahintakutan niyang saad. Dahil nangangalay na ang kamay ko ay ako na mismo ang kumuha sa kamay niya para i-handshake ko. Mabilis niyang hinila ang kamay niya at napaatras sa akin. "Chill, hindi naman ako sindikato na nangunguha ng mga mayayamang katulad mo. Masyado kong pretty para maging ganoon ano!" Ilalabas ko na sana ang mahiwagang envelope sa bag ko pero naisipan kong hindi ito ang tamang lugar para mapilit ko siyang pumirma. Hello, restroom. "Look Miss, I really don't know you and I did make a deal with you but I really have to go." Maglalakad na naman sana siya palayo nang mabilis kong nahawakan ang laylayan ng suit niya. "Just give me thirty minutes! No more, no less!" Inalis ko ang kamay ko at napabuntong-hininga naman siya. "Sino ka ba talaga?! What do you need from me?!" Sasagot na sana ko nang tumunog ang mamahalin niyang cellphone. "I really got to go. You can wait for me or you can just see me some other time!" Napapadyak ang paa ko nang mabilis siyang naglakad paalis. Pero napahinto ako sa pagmamaktol nang maalala ang sinabi niya. Hintayin ko raw siya. Puwes kahit umulan o umaraw man. Maghihintay ako. Ngayon. Hindi bukas o kung anong araw pa. Now. NABILANG ko na kung ilang sasakyan ang dumaan paakyat sa hotel na inalisan ko dahil masama na ang tingin sa akin ng guard. Naubos ko na rin ang isang pack na palagi kong baon na dragon seed at butong pakwan. Nag-uumpisa na rin akong lamukin dahil papadilim na ang langit. Nandito ako sa gilid ng kalsada at parang timawa na namamalimos. Ilang oras na ang nakalipas. Wala pa rin siya. Pero laban lang! Walang susuko. Ngayon lang ang day-off ko. Mamayang alas dose ay may raket na naman ako kaya it's now or never. Tumayo ako dahil namimintig na ang binti ko sa ngalay. Kiber kung pagtinginan ng mga dumadaang sasakyan, nag-stretching ako. Pinapaikot ko ang bewang ko nang masilaw ako sa headlight na tumapat sa akin. Hindi pa nakuntento ay binusinaan pa ako. Napanganga ako nang masilayan ang kotse na nasa harap ko. Wow. Bumukas ang pinto non at pinigilan kong mapanganga nang makita kung paano umangat iyon. "Hop in!" sabi ng lalakeng nasa loob na walang iba kung hindi ang hinihintay ko. Makakasakay ako sa isang kotse na tanging sa internet ko lang nakikita. Palalagpasin ko pa ba? Mabilis sa alas-kuwatrong pumasok ako at hangang-hanga na pinagmasdan ang interior ng kotse. "Lamborghini Aventador S...wow, yaman natin Ser ah." Tumataginting na mahigit six hundred million ang kotseng sinasakyan ko ngayon. Amazing. "Nice. Maalam ka sa kotse?" "Medyo. Hilig ng boyfriend ko 'eh. Nahawa na rin ako." saad ko at inilabas ang cellphone ko at nag-selfie sa loob ng kotse. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang amusement sa mga mata niya nang saglit niya akong sulyapan mula sa pagmamaneho. Ang mga ganitong pagkakataon di dapat pinapalampas. Selfie lang kiber kung may audience. "So, may boyfriend ka na?" Ngumiti ako at tumango. "Sa ganda ko ba namang 'to, siyempre meron!" "And where is that boyfriend of yours at hinahayaan niya ang girlfriend niyang papakin ng lamok sa gilid ng kalsada?" Ibinaba ko ang cellphone ko at ipinasok iyon. Tila naglaho ang excitement ko katanungan niya. "Tulog siya..." "Tulog?" Tumango ako at ibinaling ang tingin sa labas. "Tulog siya pero soon magigising na rin siya. Onting panahon na lang..." Binalingan ko siya at iniba ang paksa bago pa siya muling magtanong. "Boss, pa-expi naman ng open top car!" Natawa siya pero napapalakpak ako nang may pindutin siya at unti-unting bumukas ang roof ng kotse. Ikinaway ko ang mga kamay ko at dinama ang malakas na hangin. "You're Amaranthine right?" "Thine na lang boss!" Umiling siya. "Nah. Amaranthine sounds good. You're interesting, Miss Amaranthine Renesmee Costas." Nagkibit-balikat ako at hindi na nagkomento. Bahala siya sa trip niya. Basta ako ie-enjoy ko ang sandaling ito. A ride with his dream car. Sulit ang ilang oras kong paghihintay. Pero mas magiging sulit ang araw na ito kung papayag siya sa Deal na iaalok ko sa kanya. Sana, dahil malaking tulong ang perang makukuha ko kung sakali... TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD