#HGDChapter24 Left "HINDI ka ba uuwi?" tanong ko kay Hurricane nang lumubog na ang araw ay nandito pa rin siya sa ampunan. Mula sa pagsulyap sa mga batang pinapapasok na nila Sister mula sa paglalaro ay binalingan niya ako. "Magkasama tayong pumunta rito, magkasama rin tayong aalis," nakahalukipkip niyang sagot at kunot ang noong pinagmasdan si Drew na karga-karga ang pinakabatang alaga nila Sister—si Arnold. "Nandiyan si Drew—" "Gusto mo talagang pagselosin ako, ano?" Napanganga ako sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasasabi mo?! Kanina ka pa ah!" "Kanina ka pa rin walang ginawa kung hindi magpa-cute diyan sa Venturina na 'yan." Napapadyak ako sa frustration ko kay Hurricane. Para siyang bata! "Kababata ko si Drew! Hindi ako nagpapa-cute sa kanya, matagal kaming hindi nagkita kaya