#HGDChapter25 Temporary Nothing is permanent. Be it things or people. Bata pa lang ako ay isiniksik ko na sa utak ko 'yon. Sanay na akong maiwan. Ilang tao na ba ang lumisan sa buhay ko simula no'ng bata pa ako. Hindi ko na mabilang. Kahit umaasa akong gigising pa si Nico, hindi ko inaalis sa utak ko na baka darating iyong panahon na susuko na siya at iiwan din ako. Sanay na ako sa sakit na 'yon. Pero ang sakit na 'yon nararamdaman ko lang 'yon para sa mga taong mahalaga para sa akin. Kaya hindi ko maunawaan ang sarili ko ngayon. Kung bakit ramdam ko ang pagtusok nang maliliit na karayom sa puso ko. Kung bakit nanginginig ang mga kamay ko. Kung bakit ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Sino ba sa akin ang lalaking 'yon? Ano naman kung umalis siya at para kong tangang iniwanan