#HGDChapter23 Jealousy "How much do you love him?" "Thine!" Nang marinig ang sigaw mula sa likod ko ay doon ko iniwas ang tingin kay Hurricane. Napabuga ako ng hangin pagkababa ko dahil pakiramdam ko huminto ang paghinga ko sa tanong niya. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang tanong na 'yon. Hindi ko rin magawang basahin ang emosyon niya nang tanungin niya 'yon. We made a deal, you won't fall- Pumikit ako at iwinaglit sa isip ko dahil napakalabong mangyari 'yon. High and mighty Hurricane Helios won't fall for someone like me. Never. Inihanda ko ang isang ngiti at sinalubong si Sister Belle nang mahigpit na yakap. "Thine! Mas lalo ka yatang gumanda!" kitang-kita ang kasiyahan sa mga matang saad ni Sister. Pero naglaho ang ngiting iyon nang mapunta ang tingin sa katabi ko.