Chapter 22

1992 Words

#HGDChapter22 Vangelista "Thine!" rinig ko ang pagtawag sa akin ni Drew pero binilisan ko ang pagtakbo at agad na pumasok sa restroom. Patuloy pa rin sa pag-iyak na pumasok ako sa bakanteng cubicle. Ito lang ang lugar na alam kong hindi nila puwedeng pasukin. Nanghihinang napaupo ako at tinakpan ang mukha ko. Huminga ako nang malalim. Paulit-ulit para pakalmahin ang sarili ko. Sa wakas ay huminto ang luha ko. Baradong-barado ang ilong na kumuha ako ng tissue at suminga ro'n. Pinagmasdan ko ang palad kong ginamit na panghampas ng folder sa ulo ni Hurricane. Napangiwi ako at gusto ko na lang lamunin ako ng inidorong kinauupuan ko. Pinahiya ko siya! Nakakahiya ako! Pero hindi pa rin mawala ang sama ng loob ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa blazer na suot-suot at tinawagan si Sister Bell

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD