*Ami's POV*
Tumingin sa akin ang lahat matapos ipakilala ni Achilles ang Pamnilya niya. Sa totoo lang ay hindi ko nga siya dapat ipakilala dahil kasinungalingan lang ang lahat nang nangyayari.
Tumikhim si Daddy at bumalik ang atensyon ko, nakita kong siya na ang tumayo at lumapit kay Achilles
"Welcome to the Family, son" kinamayan ni Daddy si Achilles at gusto kong maiyak dahil hindi ko gusto ang nangyayari. Kung sana totoo ang lahat at hindi na lang kasinungalingan pero ginagawa lang niya ito para gumanti sa akin na hindi naman dapat!
Tumayo na din si Mommy at humalik kay Achilles, nag-iwas ako ng tingin. Kung pwede sana lumubog na ako ngayon sa kinatatayuan ko.
Sumunod si Inigo at Darren, si Apple ay kumaway lang pati si Isha kasi alam nila ang nangyari. Matapos nun ay umupo na kaming lahat at nagsimula na sila kumain habang nagkukwentuhan samantalang ako ay tahimik lang dahil para pa din ako wala sa isipan sa nangyayari. Nakakaloko kasi eh.
Sobrang nakakaloko. Huminga ako nang malalim, ano kaya ang pwede kong gawin para malayo sa taong ito. Oo, mahal ko siya...NOON at NGAYON pero mukhang napapalitan ng galit ang nararamdaman ko sa kanya.
Matapos ang hapunan ay nagpaalam na ang mga Magulang ni AChilles na aalis, tumayo na din si Achilles at akala ko ay iiwan na niya ako.
"Let's go" yaya niya sa akin. Tinignan ko siya nang mabuti. Seryoso ba talaga ang isang ito? Sasama ako sa kanya tapos ano? Umiling ako at lumapit sa mga magulang ko. Yumakap ako kay Mommy
"Mommy, ayoko" bulong ko kay Mommy. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Mommy sa akin. Hinarap niya ako sa kanya at hinalikan sa noo
"You are my eldest and you know the difference between right and wrong, aren't you?" ngumiti si Mommy at tumingin kay Daddy "Kakausapin ko lang ang panganay natin ah" hinatak ako ni Mommy papunta sa favorite spot niya sa bahay, ang lanai.
Umupo kami at siya ay tumabi sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko "Alam ko ang nangyari, anak. Nagtext si Isabelle sa akin at sinabi ang nangyari. Hindi ko din alam kung bakit pumayag ang Daddy mo pero nakikita ko naman na makakaya mo yan. Tignan mo lang, anak. Tignan mo kung bakit ikaw ang kailangan magbayad sa ginawa ng kaibigan mo." hinaplos ni Mommy ang mukha ko "Babalik na kami ng Australia, bukas. Mas napaaga dahil kailangan na ng Daddy mo na bumalik sa trabaho at kailangan na ni Apple at Darren na bumalik sa eskwela, si Inigo ay kailangan na din mag-focus sa trabaho niya doon."
"Anak kung hindi mo makakaya ang ginagawa niya kahit anong oras, tawagan mo lang ako at ipapasundo kita dito sa Pilipinas. Sa ngayon ay intindihin mo si Troy, siguro napahiya siya at kahit ayokong ikaw ang magbayad, kinakailangan mong sumunod muna dahil alam kong.." tinuro ni Mommy ang dibdib ko "..mahal niyan ang lalaking iyon at kahit nagagalit ka ngayon meron pa din parte na gustong pakinggan ang dapat mong gawin"
"Pero Mommy--"
"Shh. Sumama ka na sa kanya ngayon, anak. Gusto kong mapanatag na iiwan kita sa kanya dahil inaangkin ka niyang asawa. Di ba, mahal mo siya?" ngumiti nang nakakaloko si mommy bago niya ako hilahin at yakapin "Mahal na mahal ka namin, anak. At kapag nahirapan ka na tumawag ka lang at aalisin kita sa paghihirap na yan" humalik si Mommy sa akin bago niya ako hinila patayo at pinunasan ang luha sa mga mata ko
"I love you, ate. But you need to do this for a while" tsaka niya ako hinila papasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Daddy doon at Achiles na nag-uusap. Wala na ang mga kapatid ko at si Isha. "Okay na siya" ngumiti si Mommy bago ako hinatid sa kampon ng kasamaan. Hinawakan naman kaagad ni Achilles ang kamay ko.
"Ingatan mo ang anak ko, Montevera" matatag na sabi ni Daddy
"Yes, Sir" sabi naman ni Achilles sa kanya.
"Baby?" tawag ni Daddy sa akin. Bumitaw ako kay Achilles at yumakap kay Daddy. Hinalikan naman ni Daddy ang ulo ko "I love you and I'm sorry" humarap ako kay Daddy. Ibig sabihin alam niya ang dahilan, tumulo ulit ang luha sa mga mata ko "No, don't cry. I don't want to see you crying. I want you to be brave.
Tumango na lang ako sa sinabi ni Daddy at lumapit kay Achilles, naramdaman ko ulit ang kamay niya sa kamay ko.
"We will go, Ma'am, Sir"
Tumango si Daddy at Mommy. Wala na akong nagawa nang hilahin na niya ako papalabas ng bahay. Wala na yung mga sasakyan sa harap ng bahay yung sasakyan na lang niya ang natira, pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako. Ganun din siya.
Walang akong kibo nang umandar ang sasakyan. Nakatanaw lang ako sa labas nang magsalita siya.
"Dapat makita ni Trixie na hindi ako naapektuhan sa pag-iwan niya sa akin"
Tumingin ako sa kanya at nag-taas ako ng kilay. "Hindi naapektuhan?" ulit ko sa kanya tsaka ako tumawa ng pagak "Yan ba ang hindi naapektuhan? Gumaganti ka sa akin? Sa tingin mo ba may pakielam pa sa akin ang isang iyon? Gusto mo siyang masaktan? Edi siya dapat ang sinaktan mo at hindi ako? Wala akong kinalaman sa relasyon niyong dalawa tapos ako ang gagantihan mo! Wala ka bang utak?!" kailangan mailabas ko ang galit ko at sama ng loob dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa akin kapag pinigil ko ang galit ko.
Napakawalang kwenta ng rason niya. Sobra 'Gusto mong makita niya na hindi ka naapektuhan pero kailangan mo pang manggamit ng tao" gusto kong suntukin ang mukha niya sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha at ang rason ay sobrang babaw.
"You're the friend and I know that she'll back if she hear this"
"G@go. Hindi na babalik iyon. Alam mo tama lang na iniwan ka niya dahil ganyan ka pala gumalaw. Walang diskarte, manggagamit ka! USER!" bigla niyang prineno ang sasakyan. Mabuti na lang naka-seat belt ako kundi humampas ang ulo ko sa lakas ng preno niya. 'Papatayin mo ba ako? Ay wait.. re-phrase, papatayin mo ba ako ulit?"
Humarap siya sa akin at halatang-haata na galit na galit siya pero hindi na ako natatakot. Subukan niya akong saktan at iiwan ko siya. "Saktan mo ko at hindi ako mangingimi na iwan ka dito. Wala na akong pakielam kahit patayin mo si Trixie dahil siya nga walang pakielam sa akin eh" sabi ko tsaka ako umayos ng upo pero naramdaman ko yung mahigpit na paghawak niya sa braso ko kaya napaharap ako sa kanya
"You'll pay for this" mariin niyang sabi.
"Ano ba! Puro 'you'll pay' Pvnyeta! Hindi pa ba pagbabayad ang ginagawa ko? Wala ka bang utak! Hanggang kailan ako magbabayad?" hinatak ko ang braso ko sa kanya.
Narinig ko ang marahas niyang paghinga. Alam kong talo siya dahil walang nakakatalo sa akin sa ganitong salitaan. Alam ko at nararamdaman ko na lumalabas ang isang version ko na ayokong nakikita ng iba. Hindi ako kahit kailan naging submissive, isa akong Dominant. Gusto kong nasusunod ako pero dahil may ilang tao na umiiwas sa akin dahil sa pagiging dominant ay itinago ko ang version ko an iyon at nakinig sa gustong sabihin ng tao.
Nagsimula ulit niyang paandarin ang sasakyan at hindi na siya nagsalita. Kahit ako ay hindi na din nagsalita. Hindi ko na nga din alam kung nasaan kami basta ang alam ko dadalhin niya ako sa magiging impeyrno ko.
Pumasok ang sasakyan sa isang exclusive subdvision at alam kong hindi sila dito nakatira dahil alam ko ang bahay nila. Alam ko ang lugar na ito. Kasama niya ako nang binili niya ang lupa na ito noon para kay Trixie. Hindi na lang ako umimik.
Huminto kami sa isang magandang bahay at natatandaan ko pa yung panahon na nakita ko ito noon. Gustong-gusto ko itong bahay na ito dahil eto yung perfect picture ng drwam house ko.
Glass house pero one way lang at ang maganda is kakaiba siya sa lahat ng bahay. Pinatayo niya ang bahay na ito at ako mismo ang nag-isip nang magiging disenyo, inilagay ko ang dream house ko dahil wala namang pangarap na bahay si trixie. kasama din ako noong binili ang mga furnitures.
Bumusina lang siya at bumukas na ang gate nang bahay. malawak ang garden dahil pangarap ni trxiie ang magagandang party na sa bahay lang at gustong-gusto niya na may fountain ang bahay. Iyon ang natatandaan ko kaya sinabi ko iyon kay Achilles. Pero hindi ko akala na magiging bahay ko din ito. Funny fate.
Hindi na ako naghintay na pagbuksan niya ako ng pintuan. Ako na ang kusang lumabas at inintay siya para makapasok sa bahay.
Nang tumabi na siya sa akin ay lumayo ako ng bahagya pero muli niya ulit akong hinatak at hinapit. Tumama ang katawan ko sa katawan niya. Tinapatan ko ang pagtitig niya sa akin.
"Ikaw na ang may-ari nang bahay na ito. If you want to renovate some parts, you may. Lahat nang akin ay IYO, basta AKIN ka lang" anito tsaka ako hinalikan sa labi. Isang magaan hindi katulad ng mga halik niya sa akin.
Grabe ang daming pangyayari ngayong araw. Masarap sana pakinggana ng sinabi niya kung ako talaga ang mahal niya pero alam kong hindibng-hindi ako ang ititibok ng puso niya dahil para sa kanya ay walang papalit kay Trixie., Sa babaeng mahal niya. Kahit ako ay hindi ko mapapantayan ski Trixie sa kanya.
**