*Ami's POV* Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pero parang hindi nga din ako nakatulog dahil pinapakiramdaman ko kung papasok sa kwarto si Achilles. Mabuti na lang at wala. Kahit kasi i-lock ko ay makakapasok pa din siya. Yup, magkahiwalay kami ng kwarto at hindi ko hahayaan na may mangyari sa amin dahil lang sa galit siya. No way. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Ito ang unang araw ko bilang Mrs. Montevera. kung ibang circumstances siguro baka excited at kinikilig ako dahil ako na ang asawa ng taong matagal ko ng mahal pero kakaiba kasi ito dahil hindi niya ako mahal at iyon ang dapat itatak ko sa utak ko. Naligo ako at nagbihis ng isang puting t-shirt at maong shorts. Gusto kong pumunta sa bahay namin at makapagpaalam kila Mommy baka sakaling maabutan ko pa s