*Ami's POV*
Para ako biglang natauhan nang maramdam ko ang labi ni Achilles sa akin. Ang tagal kong inisip kung anong klaseng labi ang mayroon siya. Gusto kong siya ang first kiss ko at nangyari nga ngayon, pero ang gusto kong first kiss ay romantc at hindi ganito. HINDI!
Agad ko siyang tinulak at binigyan ng sampal na kinagulat lalo ng mga tao sa loob ng simbahan. Agad kong hinila ang kapatid at pinsan kong nakatingin sa amin na halata ding nagulat.
"Ate" tawag sa akin ni Isha pero hindi ko siya nilingon dumiretso ako ng lakad pero naramdaman ko ulit ang isang braso na pumigil sa akin at alam ko kung kaninong braso iyon. Agad akong hinarap ni Achilles sa kanya.
Nakatitig ang mga mata niya sa akin. Si Apple at Isha naman ay napaatras sa takot. Nakita ko ang mga tao na bumubulong.
"Ano ba problema mo!" tanong ko sa kanya. Itinulak ko pa siya para matauhan kasi mukhang nawawala sa katinuan ang isnag ito.
"Sinampal mo ko" halos hindi bumuka ang labi niya habang sinasabi niya iyon.
"Alam ko! At dapat lang sa iyo yun"
Hinila niya ako palapit sa kanya, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. "Hindi ako si Trixie at kahit kailan hindi ako magiging siya"
"Magkaibigan kayo"
"OO! Pero hindi ako ang nang-iwan sa iyo"
Narinig ko ang mas lalong lumakas na bulungan ng mga tao. Samantala mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na paghawak ni Achilles sa akin, kung akala niya matatakot ako sa kanya, ibahin niya ako.
"You are my wife" mariin niyang sabi. Grabe, ang sarap pakinggan ng ganoong salita kung sana totoo lang ang lahat ng iyon at hindi dahil nagagalit lang siya sa akin.
"No and will never be!" binigay ko ang buo kong lakas upang maitulak siya. Mukhang nagulantang naman siya sa ginawa ko sa kanya. Kaya nakalayo sa kanya. Binalingan ko si Apple at Isha "Uuwi na tayo" mariin kong sabi sa kanila at dahil mukhang nahihintakutan sila ay agad silang sumunod sa akin papasok sa loob ng sasakyan.
"Kuya Mando, alis na tayo" agad namang pinaandar ni Kuya Mando ang sasakyan. Umupo ako sa may bandang bintana at sinulyapan si Achilles, nakatayo siya doon at nakatingin lang sa sasakyan namin na papaalis.
Huminga ako ng malalim at pinakawalan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hinawakan ni Apple ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya at inakbayan ko siya
"This will be a secret, ate" ngumiti si Apple sa akin. Inakbayan ko siya at yumakap naman siya sa akin.
Nagagalit siya sa akin dahil kaibigan ko si Trixie, nagagalit siya dahil alam ko na mahal pa ni Trixie si Enrique pero hindi niya pinakinbggan kung anuman yung side ko. Pinunasan ko ang luha sa mata ko tsaka ko kinuha ang cellphone ko at tinext si Trixie.
Nagagalit siya dahil akala niya niloko ko siya. What have you done, Trixie Johanna! Napaka-selfish mo! Kung sana alam mo ang nangyayari ngayon! Sana kinausap mo siya bago ka nagdesisyon ng padalos-dalos! Nakasakit ka!
Pinatay ko ang cellphone ko at iniligay sa kaloob-looban ng bag ko. Simula bukas magpapalit na ako ng number para hindi na ako masundan ng dapat masundan.
"Pero ate, paano kung sundan ka ni Kuya Troy" tanong sa akin ni Isha mukhang kahit siya din ay naguguluhan sa pangyayari "Gusto mo, ate, sabihin ko na lang kila Tita na ayusin na lang ang papers mo papuntang Australia para hindi ka na niya guluhin?"
natahimik ako. Sa totoo lang, iniisip ko din ang option na iyon. Paano kaya kung sumama na lang ako kila Mommy na magpunta ng Australia para hindi niya ako magulo? Pero teka, bakit ko siya tatakasan eh hindi ko naman kasalanan kung bakit umayaw si Trixie sa kasal nila. Ang tanging alam ko lang is, mahal pa din ni Trixie si ENrique at kung aalis ako dito ay iisipin ni Achilles na may kasalanan nga ako.
"Hindi. Kaya ko"
Tumingin ang dalawa sa akin at marahang tumango. Ayokong palipasin ang araw na ito na wala akong ginagawa at kahit anong mangyari ay hindi ako matatakot kay Achilles.
**
Pagdating namin sa bahay ay nagtaka ako dahil may mga sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin. May bisita ba kami? Bumaba kami. Si Apple ay pupungas-pungas pa, samantalang ako ay halos hindi makatulog s anangyari.
Humawak sa akin si Apple nang makita kami ng gwardiya ay agad niya kaming pinagb ukas ng pintuan. Si Inigo ay nasa may pintuan kasama si Darren, seryoso ang tingin nila. Si Inigo ay naka-suit pa halatang kakagaling lang sa trabaho
"Ate" tawag niya sa akin.
"Bakit?"
"May bisita ka"
"Ako?" taka kong tanong. Tumango siya, naunang pumasok si Inigo at Darren samantalang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Si Isha ang sumunod kila Inigo pagkatapos ay ako. Wala namang tao sa mismong tanggapan ng bisita pero nakakarinig ako ng kalansing sa may bandang dining area at doon kami pumunta pero bigla akong nanlamig at kinilabutan nang makita ko kung sino ang naroon.
"Anastacia, halika dito" nang mapansin ako ni daddy. Kapag tinawag niya akong Anastacia, ibig sabihin ay seryoso siya sa gusto niyang sabihin sa akin kaya kinabahan agad ako. Humalik ako kay daddy at mommy pero hindi ko pa din tinitignan ang bisita dahil alam kong nakatitig sila sa akin. Yumuko lang ako.
"P..po?" tanong ko kay Daddy. Kay Daddy lang ako nakatingin pero nakikita ng peripheral view ko na nakatingin siya sa akin. galit ang mata at nakangisi.
"Maupo ka muna"
Uupo sana ako s atabi ni daddy pero nauna na si Apple doon kaya doon sa bakanteng upuan ng Impakto ako naupo.
Huminga ako nang malalim at kinontrol ang sarili ko.
"Bakit po, Daddy?"
"Well" umpisa ni daddy bago lumingon kay mommy. Tumango si mommy at nagsalita
"Troy Achilles Montevera, siya daw ang asawa mo, Anastacia. Paano nangyari ito?" tanong ni Mommy sa akn. Agad akong lumingon kay Achilles, seryoso ang mukha niya at iniangat niya ang daliri niya na may wedding ring nila ni Trixie "Akala ko ba ay si Trixie ang magiging asawa niya"
"Mommy, magpapaliwanag po ako" umpisa ko pero agad sumabat si Impakto
"Ma'am, tumakbo po siya sa Simbahan at iniwan po ako doon. Even my Mom and Dad saw it." bumaling ito sa mga magulang niya at sa mga kapatid niya na kasama niya.
"Hindi kita tatakbuhan kasi hindi naman ako ang papakasalan mo--"
"Hija, you are far better than Trixie, si Trixie ang umiwan sa anak namin noon at ngayon ay ikaw sa kanya" malungkot na mukha ng mommy ni Achilles. Teka..teka, naguguluhan na ako ah. Ano ba talaga ang nangyayari? Anong klaseng pagpapaikot ang ginagawa ng taong ito.
"Hindi ka namin pinalaki ng ganyan, Anastacia. Hindi mo siya dapat iniiwan" matigas na sagot ni daddy
"Pero daddy!" alma ko. Kasi hindi ko naman alam kung anong klaseng pagpapatkabo ang ginawa ng taong ito. Lumingon ako kay isha na mukhang wala ding magagawa. Ito kasi ang natutunan namin, hindi ka pwedeng sumabat lalo na at matanda ang nagsasalita unless hinihingi ang opinyon mo. Umiling na lang si Isha at yumuko. Bumaling ako kay inigo, mukhang galit siya pero kanino?
"It's a surprise wedding for you, baby. Pero iniwan mo ako dahil akal mo si Trixie ang papakasalan ko"
"Ano! Teka nababaliw ka na ba? Achilles, si Trixie ang papaksalan mo at hindi ako. Ano ba ito? Niloloko mo ang lahat ng taong nandito" padabog akong tumayo. Bastos na kung bastos pero ayoko nang ginagawa ng hayop na ito sa akin. Bakit siya sa akin ang gumaganti? Ako ba ang may ksalanan kung bakit siya iniwan! Ako ba?
"Tigilan mo na ito, Achilles. Hindi na ito nakakatuwa." agad akong tumayo at tumakbo papasok s akwarto ko. Hinubad ko ang suot kong sapatos at tinanggal ang suot kong mga alahas. Dumapa ako sa kama at tinalukbong ang unan sa mukha ko. Hindi ko dpat maranasan ang lahat ng ito dahil lang sa kaibigan ako ni Trixie.
Bakit ko kailangan maranasan ito dahil lang ba nagmahal ako? Dahil lang ba naging kaibigan ko si Trixie. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Nang biglang lumundo ang bahagi ng kama ko. Naamoy ko ang pamilyar na pabango na iyon at bigla akong kinabahan, tinanggal ko ang unan sa mukha ko at napabalikwas ako ng bangon. Nakita ko siyang nakaupo sa kama ko at nakatingin sa akin. Hinubad niya ang coat niya at hinagis iyon sa kabilang panig ng kwarto ko, niluwagan din niya ang tie niya at inangat ang kamay sa akin.
"Akin ka na, Anastacia. Ikaw na ang asawa ko. Ikaw ang magiging kapalit ni Trixie sa lahat ng panloloko na ginawa niya sa akin" dumikit siya sa akin at idiniin ang noo niya sa akin.
"Hindi ka na makakatakas sa akin"
Itinulak ko siya ng malakas at binigyan siya ng sampal "Wala kang karapatan na paglaruan ako. Wala kang karapatan na sabihin sa akin na ako ang kapalit ni Trixie dahil wala akong kasalanan sa iyo. Hinding-hindi ako magiging iyo dahil walang nagmamay-ari sa akin. Hindi ikaw! Hayop ka! Wala akong ginawa sa iyo na masama para ganituhin mo ako." ngumisi ako at pinunasan ang mga luha sa mata ko "Dinala mo pa talaga ang buong Pamilya mo dito at kinausap ang Pamilya ko para sabihin na asawa mo ko. Tsaka anong sabi mo, surpresa? Kasal isnag surpresa? Leche ka! Hinding-hindi magiging surpresa iyon! Dahil alam kong hindi ako ang babaeng gusto mo!" tinulak ko siya ng malakas pero mukhang hindi siya natinag.
Tumingin siya ng masama sa akin at matagal mula sa bulsa ng pantalon niya ay knuha niya ang singsing ni Trixie at pilit na isinuot sa daliri ko iyon. "Kapag hindi ikaw ang naging asawa ko, mawawala sa buhay mo si Trixie, literal na mawawala siya. You love her right? Then be the sacrificial lamb or else aalisin ko ang lahat ng importanteng tao sa buhay mo" madiin niyang sabi.
Sund-sunod na bumagsak ang mga luha ko. Ano bang nangyayari? Ano bang kasalanan ko? Pinaghahampas ko siya sa dibdib at hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa likod ko, agad niya akong hinila palapit sa kanya. Napahiga kaming dalawa at ako ang nasa ibabaw niya, nanlaki ang mata ko, hinaplos niya ang mukha ko
"I never want to see you crying" mahina niyang sabi.
"Fvck you" sagot ko sa kanya. Ngumisi lang siya at agad na hinila ang mukha ko papalapit sa kanya, hinalikan niya sa labi. Hindi magaan, rough ang naging naging halik niya sa akin. Halos durugin na niya ang labi ko at malasahan ko ang dugo.
Pagkatapos ng isang makapugtong-hininga na halik ay lumayo siya sa akin at hinila ako patayo "I'll bring you in our own home, Mrs. Montevera. But first,. let me introduce you to my family" wala akong nagawa nang hilahin niya ako at punasan ang luha sa mata ko. Kinuha niya ang coat niya at inayos niya ang sarili, siya na din mismo ang nag-ayos sa sarili ko. Iniangat niya ang mukha ko s akanya at dinampian niya ako ng halik sa labi.
"You are my baby now, no one else owns you but me. And if ever na magkaroon ako nang kaagaw sa iyo I'll make sure that they'll meet San Pedro, soon" ngumisi ito at pinaghugpong ang kamay namin.
Ang sarap pakinggan nang mga sinabi niya kung sana totoo ang lahat ng iyon pero alam kong hinding-hindi magiging totoo ang pag-papanggap na iyon. At panakip butas lng ako sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
BUmaba kami sa Dining Area at nakita kong dumako ang tingin nila sa amin. "Okay na po kami" nakangiting deklara ni Achilles sa kanila. Nag-iwas ako ng tingin para hindi bumagsak ulit ang luha sa mata ko.
"Baby" tawag sa akin ni Achilles. Pero hindi ako tumingin, tinawag niya ulit ako at naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa akin.
Tinignan ko siya nang masama tsaka niya niluwagan iyon "I want you to meet formally my Family. Mr and Mrs Demetri Montevera of the Montevera D.M Industry." tinuro niya ang mga magulang niya, hindi ko kilala ang mag ito poero naririnig ko ang pangalan nila " my eldest borther, Persues Gabriel, the CEO of Montevera Construction..." lumapit ako at nakipag-shake hands sa kanila para wala na ding masabi ang impaktong ito. "..and I think you know this guy, Dare Theseus.." si Theseus ang hottest celebrity ng panahon na ito ngayon at halos lahat ng tao ay gustong-gusto siya "..Tristan Ganymede, he's still studying as a Lawyer and he is currently enrolled in Harvard University and lastly our Princess, our 15 years old baby, Carmela Aphrodite. And you are now welcome to our Family" ngumisi siya s aakin.
At alam kong ito na ang simula nang paghihirap ng buhay ko...