*Ami's POV* Para akong naitirik na kandila nang makita ko si Achilles kasama si Athena. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Andami kong tanong. Bakit kilala ni Athena si Achilles, eh hindi ko naman sinasabi sa kanya ang tungkol kay Achilles, oo matalino ang anak ko pero.. Ikalawa, bakit nandito siya? Paano niya nalaman na nandito ako? Ikatlo, ano pa bang gusto niya? Hindi pa ba siya masaya kay Trixie? "A..anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "I'm here to get what is really mine" kampanteng sagot niya tsaka siya naglakad papalapit sa akin habang karga-karga si Athena "Tinago mo ang anak ko, Anastacia. Tinakbuhan mo ko. Sinabi ko sa iyo noon na wag mo akong iiwan pero iniwan mo ako" sabi niya pero may bahagi ng pagsasalita niya na kababakasan ng lungkot. Bakit lungkot? Ewan. B