*Ami's POV* Please fasten your seatlbelts, we're about to land. Ikinabit ko muna ang seatbelt ni Athena bago ang sarili ko. Huminga ako ng malalim, pabalik na kami ng Pilipinas at hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Andami ko pa ding tanong. Ang mga magulang ko, hindi man lang pumalag ng sabihin ni Achilles na isasama na niya ako pabalik. "Mommy, ayoko" para na naman akong bata na nagmamakaawa na wag ibigay ng mga magulang ko kay Achilles. Dejavu. Nangyari na ito sa akin tapos mauulit na naman ba? Ano?! This time, MISTRESS na talaga ako. "Kaya ko naman buhayin si Athena, Mom. Kaya kong magtrabaho for her. Maayos naman ang buhay namin dito eh. Ayoko po" humawak ako sa braso ni Mommy. Nasa may bandang kitchen kami ng bahay. Pagkatapos kasi ng nangyari sa hotel ay pinagbihis