*Ami's Pov" Maria Athena Chandria S. Montevera. Yan ang pangalan ng anak ko na hawak-hawak ko ngayon sa kamay ko. Hindi ako makapaniwala na I delivered her safe. Nasa trabaho ako kanina nang biglang nanigas ang tiyan ko at pumutok ang water bag ko. Sinabayan ng atake ng asthma. Akala ko mamamatay na ako. Si Mommy ang tinawagan ko kaagad dahil siya ang kasama ko dito sa Scotland. Yes, nasa Scotland ako. Pitong buwan na ako wala sa Pilipinas at halos ikamatay ko ang unang dalawang buwan na wala si Achilles sa tabi ko. Umalis ako dahil naroon na si Trixie at ang anak nila na si Iverson. "Trixie" Kumabog ang dibdib ko at parang may magnet ang paa ko at hindi ako pinapalakad. Nakatingin lang sa akin si Trixie. May hawak siyang sanggol at may dala siyang bag. Anong gusto niya? Bumalin