*Ami's POV* Nagising na lang ako pagkatapos kong humiga at umiyak ng umiyak. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako. Bumangon ako at nakaramdam ng lamig sa paligid ko. Napansin ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Alam ko hindi ako naglagay nito. Huminga ako ng malalim at inisip ang mga nangyari kanina. Siguro nga dapat na humingi ako ng tawad paulit-ulit kay Achilles. Malaki nga naman talaga yung kasalanan ko sa kanya. Itinago ko si Athena, umalis ako kaagad ng walang paliwanag man lang. Lahat mali. Bumangon na ako at inayos ko na ang sarili ko. Napansin ko din na wala na ang mga luggage na dala namin kanina. Pumasok ako sa closet, naroon at nakasabit na yung mga damit ko. Pumatak na naman ang luha s amga mata ko. Ano ba naman itong nagawa ko? Minahal na ako tapos n