*Ami's POV* Para akong hindi humihinga pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng isang restaurant. Ngayon kasi ipapakilala ni Achilles yung kung sino man. Ewan ko ba pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Why are we here, papa?" tanong ni Athena. TInanggal ko ang suot kong seat belt. Simple lang ang suot ko. Tapos mugto pa yung mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi. Sobrang hassle. "Secret baby" tsaka siya tumingin sa akin at tumitig sa akin ng matagal "Bakit ganyan ang mata mo?" Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin din sa kanya, pinikit-pikit ko lang yung mata ko "Nakagat ng ipis kagabi" Tsk! Ano bang rason kay Anastacia! Huminga ako ng malalim "Wag mo na lang pansinin ito" Kumunot ang noo ni Achilles "Hindi papansinin? Eh paano kung sabihin nun na pinapaiyak kita? Tsk" umiling ito at