ANG ARAW ito na yata ang pinakamatagal sa buong buhay ko. Pakiramdam ko ay may kung sinong demonyo ang nakabitin sa kamay ng orasan upang pabagalin nito ang segundo. Alam kong walang kwenta ang sinasabi ko pero mas walang kwenta 'tong dalawang nagpakilalang pulis na pinosasan pati ako kahit sinabi ko ng ako ang tumawag sa kanila at isa lamang akong saksi!
Hindi naman nila kami kailangang posasan, right? Hindi naman ako mukhang tatakbo e, baka 'tong lalaki sa gilid ko, pwede pa. Well, kidding aside, sabi nga nila, we are innocent until proven guilty, and without any warrant of arrest, hindi nila kami pwedeng basta na lang damputin nang labag sa aming kalooban, right?
"Please! Exclude me in this narrati- wait! Saan niyo kami dadalhin?!" asik ko nang itulak nila kami palabas ng rooftop.
Habang panay ang pagpupumiglas ko ay tahimik lamang ang lalaking nakita ko. Ni hindi nga ito umapela nang posasan kami, para bang inaasahan na niya ang lahat, o, tinatago lang niya ang takot? Kung gano'n nga, he's doing it well.
Bumuntonghininga ako at pinakalma ang sarili.
"Detention," simpleng sagot ng pulis na walang buhok. Nilingon niya pa ako at pinanlakihan pa ng mga mata. "Mananatili muna kayo ro'n hanggang oras niyo na para kwestyunin. Hinihintay pa namin ang masyadong pa-espesyal naming back-up from BIP kaya behave muna kayo, ha?" dagdag pa niya nang tuluyan kaming makarating sa second floor kung saan may isang bakanteng room na dating storage room.
Sa tono ng boses nito nang sabihin niya 'yon ay para bang ibunuhos niya na sa taong tinutukoy niyang back-up ang lahat ng sama ng loob sa mundo.
"Officer, gaano po ka-espesyal ang back-up niyo?"
Umusok yata ang ilong niya sa narinig, halos magsalubong na ang kilay na bumaling sa nangahas magtanong.
"Shut up!" singhal niya sa lalaking nasa gilid ko. Nilongon ko rin siya. Sisipol-sipol pa siyang umiwas ng tingin kaya hindi ko napigilan ang sariling mapangiti.
Mula rito sa hallway ay naririnig ko na ang ingay mula sa ibaba kaya naman agad kong pinilig ang ulo ko at sinilip ang ibaba. I laughed upon the sight of the policemen battling over curious students trying to get into the crime scene. In the pool of agitated students, I saw Sashie slouching her back on the chair while maybe, narrating what she witnessed to the officer.
"Pasok!"
My shoulders raised as the policeman slammed the door close, hearing a clicking sound which means, we're locked! What now?!
Napalingon ako sa kasama kong lalaki matapos nitong sumalampak sa sahig at deretsong tiningnan ako sa mga mata. He slightly opened his mouth for a word, but he chose not to speak. He sighed and diverted his gaze on the ceiling.
"Tinulak mo ba siya?" pagbasag ko sa katahimikan.
Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa mismong harapan niya't pinagmasdan kung may magbabago sa ekspresyon niya, ngunit wala.
Malamig ang mga tinging pinukol niya sa akin, ngunit kitang-kita ko kung paanong dumilim ang tingin niya nang may muling pumatak na dugo mula sa ulo niya. Hindi ba 'to mauubusan ng dugo? Kanina pa 'to ah?
"Hindi," he simply answered.
"Kung gano'n, what were you doing at the rooftop?" I fired again, "If it weren't you, then who pushed him if only the two of you were there?"
He narrowed his eyes on me as he stretched his lips into a smirk.
My brows knitted.
"Why would I tell you? Abogado ba kita?" he asked, chuckling.
What?! Napaawang ang bibig ko at halos lumuwa na rin ang mga mata ko sa inasta niya. Kailangan ko pa bang maging abogado para makausap ang taong 'to?!
"Fine! I'll assume, you killed him, then?!" I burst out and tried to stand up, but I failed. "And in that case, kailangan kong makalabas dito at matanggal itong posas na ito bago mo pa ako patayin upang patahimiki -- gotyah!" bulalas ko matapos mahagip ng paningin ko ang ilang piraso ng hair clips sa sahig. How convenient.
Binuhat ko ang sarili upang tumayo ngunit hindi ko magawa. Bakit ba kasi sa likod pa pinosasan e? I heard him cleared his throat but I never mind, huwag lang talaga siya tatawa at sasabihing mataba ako, magwawala talaga ako!
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at muling binuhos ang lakas upang makatayo, and I did!
Nang makuha ko ang mga hair clip ay lumayo ako sa kanya at sinandal ang likod sa pader. Mula sa likod, ay pilit kong sinipat ang maliit na keyhole sa posas at masinsinang kinalikot iyon. Ilang ulit pang nahulog o naputol ang hair clip bago tuluyang kumawala ang ngiti sa aking labi.
Ngingisi-ngising pinakita ko sa kasama ko ang posas saka inihagis iyon sa direksyon niya.
"You need my help?~" I pouted my lips as I showed him the hair clip.
"Oh?~ Hindi mo nga pala ako aboga-"
"Help me, please," he said, and plastered a genuine smile.
Mas lalong lumawak ang mga ngiti kong dahan-dahang lumapit sa kanya at bahagyang yumuko upang hawakan ang sugat niya ngunit bago ko 'yon magawa ay bigla niyang iniwas ang mukha at sininghalan ako.
"Umayos ka nga, tinitingnan lang e ~," wika ko, forcing him to face me. Sinipat ko ang dumurugong sugat, at saka kinapa ang aking bulsa.
Nilabas ko ang maliit na alcohol, at ang paborito kong pink na panyo. Tinanggal ko rin ang suot kong necktie, at bumuntonghininga saka sinuot ang aking specialized reading glasses - this glasses was made by my half brother residing in India.
I looked at his wound.
"Zoom in," I commanded as the lens zoom in like a microscope. He named this item SMART Glasses 'cause it's smart, well nevermind.
Wala naman talaga akong pakialam kung maubusan ng dugo itong taong 'to e, pero kargo de konsensya ko pa rin kung wala akong gagawin kahit alam kong may magagawa ako.
"Oh, hindi naman malalim at wala namang nadaling ugat. Hmm, hindi ka naman siguro takot sa alcohol 'no?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na ini-spray-an ang sugat niya. Pinunasan ng panyo, bago muling tinapal ang panyo at itinali sa ulo niya ang necktie para hindi mahulog ang panyo.
"Nicely done! Although you still need to be check by our school nurse."
Umupo ako sa harapan niya at pinagmasdan ang mukha niya. Hindi siya kumikibo, nakatingin lang din siya sa akin.
"Turn it off." The only downside of this awesome glasses is it's making me feel dizzy after a minute it's on.
I sighed.
"Tinulak mo nga siya?"
He flinched.
"Hindi ko nga siya tinulak. I tried to save him, but he chose to jump all by himself!" kunot ang noong sagot niya, "Hindi ka maniniwala? He committed suicide, and I can prove it," desididong wika niya.
Natahimik ako at hindi na sumagot pa. Maingat kong tinanggal ang pagkakaposas sa kanya pagkatapos ay agad akong dumistansya nang tumayo siya at salatin ang noo niya.
Tumalikod ako at sunod na kinalikot ang seradura ng pinto ngunit hindi iyon naging madali lalo na at tuluyan ng bumigay ang hair clip at naputol na. I heaved a deep breath.
I was about to look for another hair clips to lock pick when a hand holding an ID inserted it between the door and the doorway, and swooped it like an ATM. He glanced at me before opening the door and leaving me in awe.
You know, I don't demand a thank you, but could you please don't look at me like I am a cockroach?
Ugh.
Ilang segundo pa lang nang makalabas ang lalaki ay siya namang pagpasok ng dalawang tao. Isang babaeng naka-ponytail ang mahabang buhok, at isang lalaking halos hindi na makakita dahil sa suot na sumbrero. Sa gitna nila ay ang kalalabas lang na lalaki.
My heart skipped a bit.
They eyed me a questioning look before the woman glared at me. Detective Clarkson laughed, scratching his head.
"Oho! Little Sinaya is that you? And who's this guy, your love-" He was shut down by a tapped on his shoulder by the woman, her wife, Mrs. Clarkson.
Nakilala ko si Mrs. Clarkson, maybe a year ago? May nangyari ring krimen noon dito sa school, a year ago involving five victims, and I was there as a witness....
I sighed.
"Detective Clarkson, you're incharged of the crime scene and the victim, while I will question this two," Mrs. Clarkson informed, glancing at her grinning husband.
"Oho! Roger that, D. I. Clarkson!" he responded before running away. Nang tuluyang mawala sa paningin namin si Detective Clarkson ay tumikhim si Mrs. Clarkson.
"I am Detective Inspector Everly Clarkson from BIP detective agency. Nandito kami para imbestigahan ang nangyaring pagkamatay ni-" She paused and glanced at the folder she's holding, "Jefferson Aguirre, grade 11 from STEM department. I am hoping for your full cooperation," she finished, staring at us.
Ginaya niya kami patungo muli sa bakanteng room. Lumabas siya saglit at pagbalik niya ay may bitbit na siyang tatlong monobloc chair.
"Batid kong alam niyo na kung bakit kayo narito. 4:45 PM, we received a call from a student here that a crime happened. The victim, Jefferson Aguirre fell off of the fifth storey building resulting to his immediate death. His estimated time of death, 4:30 to 4:40 PM. Ngayon, gusto kong malaman kung nasaan kayo ng mga oras na iyon? At bakit kayong dalawa ay nasa rooftop kung saan nahulog ang biktima?"
"You first, Sinaya Saez," anunsyo nito kaya wala sa sariling tumayo ako.
Breathe.
"4:30 PM nang matapos ang klase, sinamahan ko ang classmate kong si Sashie papunta rito sa building para ipasa ang mga test papers pero hindi ako tumuloy...kaya bumalik na ko para umuwi. Palabas na ko sa gate no'n pero may narinig akong sigaw galing dito kaya tumakbo ako at doon ko nga po nakita si Sashie. Umiiyak siyang tinuro sa akin ang biktima na nahulog daw. Pagkatapos ay, nagmadali akong umakyat, sinabihan ko rin ang teachers, at nang makarating ako sa rooftop, naabutan ko po siya," salaysay ko at itinuro ang lalaki sa gilid ko.
Bumaling ako kay Mrs. Clarkson na matiim na nakatingin sa akin. Tumango-tango siya at nagsuat sa kanyang hawak na folder.
"Bakit ka umakyat sa rooftop?"
Yumuko ako, "Naisip ko na baka nasa rooftop pa ang tumulak sa kanya o may naiwang mga item doon na pwedeng makatulong sa kaso."
"Playing detective huh?" Narinig ko ang sarkastikong tawa niya kaya napatunghay ako. "What if naabutan mo nga ang killer, anong gagawin mo kung may weapon siya? Eh 'di instant game over na? Isipin mo muna ang possible outcomes, 'kay?"
I nodded.
"What about you? Mukhang marami kang kailangan ipaliwanag, huh? Let's hear it, Zander Cardama, right?"
Tumikhim si Zander saka tumayo kaya siya namang pag-upo ko. Huminga siya nang malalim at pumikit. Pagmulat ng mga mata niya muli siyang tumikhim.
"I...I tried to help him. We were in the same class at matatawag kong magkaibigan kami. Hindi siya pumasok sa last subject namin kaya nagpaalam akong gagamit ng cr pero ang totoo ay pumunta ako rito, sa rooftop dahil dito siya madalas tumambay," usal niya at biglang tumawa, "May record na kasi 'yon ng attempts kaya halos itali ko na 'yon sa tabi ko. I thought, I could still save him, but this time... I f*****g failed! Naging agresibo siya at hinampas ako ng dala niyang baseball bat," pagkukwento niya. Nilahad niya sa ginang ang ilang galos sa braso niya.
"Sinalag ko ang paghataw niya kaya ang noo ko ang tinamaan imbes na ang panga o ilong ko."
Muli siyang nagpakawala nang malalim na hininga na para bang mahirap para sa kanya ang sabihin ang mga nangyari.
"He cried, and for the first time, humingi siya ng tawad bago nakatingin sa aking nagpatihulog."
Kinuyom niya ang mga kamao at kinagat-kagat ang labi. Ilang beses siyang napalunok bago tumingala sa kisame.
"Hey. Men do cry, you know," bulong ko.
"May makakapagpatunay ba ng mga sinabi mo?" Mrs. Clarkson asked.
Umiling si Zander.
"No. Pero pwede niyong tanungin ang mga kaklase ko, pati ang adviser namin tungkol sa mga attempt niya at ang palagi kong pagpigil sa kanya. Kung gusto ko siyang patayin sana hindi ko na siya pinigilan sa unang attempt niya, tama? At wala akong rason para patayin siya, we're like siblings," pag-amin pa niya.
Ilang saglit natahimik ang paligid bago umalingawngaw ang ringtone mula sa cellphone na nasa bulsa ni Mrs. Clarkson.
She excused herself at lumabas. Nanatili kaming tahimik habang hinihintay bumalik si Mrs. Clarkson.
Zander must have felt guilty of being unable to save his friend. Habang buhay mo ng dadalhin ang nangyaring 'yon na para bang sumpa.
I'm well familiar of that feeling....
Makalipas ang halos sampung minutong katahimikan ay bumukas ang pinto at niluwa niyon si Mrs. Clarkson.
Maririnig ang palatak ng takong niya sa sahig habang papalapit siya sa kinauupuan namin. Hawak niya pa rin ang folder niya, at isang sealer bag na may lamang gusot-gusot na papel na hindi ko naman mababasa ang nakasulat.
Death threat? Suicide note?
Alin man sa dalawa sigurado akong mahalaga ang grand item na ito sa kaso ni Jefferson.
Naningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin si Zander. Hindi naman ako ang tinitingnan ni Mrs. Clarkson ay parang natutunaw ako at gustong kumawala ng puso ko.
"Zander Cardama, would you mind explaining this to us?" she asked him, waving the paper inside the safe plastic.
Is this it, is it?
***