CHAPTER ONE : HER RETURN

2066 Words
TANGHALING tapat, busog na busog ang aking mga mata sa dami ng mga estudyante, maging ang mga tainga ko ay busog na busog din sa naglipanang mga bubuyog. Isang linggo pa lang magmula nang magsimula ang klase ngunit masasala mo na agad kung anong uri ng estudyante ang masasalubong mo. It's the usual ground zero filled with juniors with their usual jitteries, and seniors with their tenacious ability to persuade their lowerclassmen in joining their respective clubs. Naningkit ang mga mata ko nang may tatlong estudyanteng huminto sa harapan ng booth para sa club ko. Lalapitan ko na sana sila ngunit natigilan ako sa narinig at kuyom ang mga kamaong pinagmasdan sila. "Nakita mo?" "Woah. Akala ko fake news lang, nakabalik na nga talaga siya." "But you knew about the rumors, right? I can't help but be a little wary of her." I deliberately cough as I popped in front of them. "Come now! Talking behind her back? Bakit hindi niyo sabihin 'yan sa kanya mismo? Teka, sino ba 'yung pinag-uusapan niyo?" "Oh, Sin!" "'Kay~. Kilala niyo nga talaga ako, 'no?" sarkastikong tanong ko. Stuffed into their ground, they gave me a wicked smile. Ngumiti rin ako habang mariing pinagmamasdan ang tatlong babaeng nasa harapan ko. My eyes squinted, letting my lips stretched into a smirk. "Oh? Where are you going? Nandito na nga rin lang kayo sa booth ko, why don't you join my club, in that case, you could go try to prove if the rumors were true about her, who knows, you might end up being the greatest high school detective if that happens," mungkahi kong punong-puno ng sarkasmo. Tila hindi makapaniwala ang mga mukha nila at nagkatinginan pa sila bago magkapanabay na kumaripas ng takbo. Are you for real?! Napahagikhik ako habang pinagmamasdan ang papalayo nilang pigura. "Malaman ko lang kung sinong nagpakalat ng rumors tungkol sa akin, mapa---" "Oh my my~. Kakalabas mo pa lang galing sa house arrest, but look at you, tinatakot mo na agad mga juniors? That ain't right, my lady~," a familiar voice uttered as I felt a pressence from my side. It wasn't the kind of pressence that will shiver your bones, rather a pressence that would make your mood darken (although, it probably only works on me?). Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig at sumalubong sa akin ang malawak niyang ngiti't tila kumikinang nitong mga mata. Lumakad siya palapit sa akin at tangkang yayakapin ako ngunit agad kong nahampas ang mga braso niya dahilan upang ngumuso siya at paikot-ikutin ang mga mata nito. Hindi pa rin nagbabagago ang lalaking ito. Kung ang ibang lalaki ay halos ipakita na ang dibdib nila dahil dalawa o tatlong botones ang nakabukas sa kanilang polo, si Dario ay hanggang leeg, botones ay sarado. Idagdag pa ang buhok nitong animo'y inararo ng kalabaw sa sobrang gulo. Mapupungay rin naman ang mga mata niya, noon. Pero ngayon? Daig pa niya ang panda sa laki ng eyebags niya. "Parang yakap lang naman, don't tell me hindi ka pa rin kumbinsidong yakap lang?" he joked, embracing himself. I really hate this guy, him and his stupid gestures, though, I won't deny that I miss him, to the point that I want to pulverize his face. "Never mind the hug part, but, what the heck? Kailan pa lumabo ang mga mata mo para magsalamin ka? Fashion statement ba 'yan? At, 'yang, nasa braso mo? Ganyan na ba ang uso sa rehas? Mummy ka, girl?" My face scrumpled. His smile faded. "How's your first day of class after a whole semester of your absence? I thought forever ka ng naka-house arrest ah!" Mas lalo akong napangiwi. "I was homeschooled, not on a house arrest," sambit ko nang may halong diin, "And here I thought I'd received a warm welcome, instead, the rumors!!" Pumasok ako sa loob ng booth ko, napansin ko ring sumunod siya habang sinisipat-sipat ang laman nitong maliit at maalimuom na booth. Nilingon ko siya. Tumawa lamang siya at agad ding napalitan ng mapait na ngiti. Kinuha niya ang nakapatong na mga papel sa lamesa at mariing tinitigan. Those were flyers and membership form for my newly established investigation club. Akala ko mabilis lang akong makakahanap ng members, pero dahil sa mga rumors na 'yon, halos lagpas-lagpasan lang ako o pagbulungan. If it weren't for that purpose, I wouldn't waste any second for this club recruitment. Guess, I'd let it be, and continue the search tomorrow. Napabuntonghininga ako nang umupo sa upuan na nasa tabi ng mesa. "Oh? Wala ka pa ring members?" He looked at me, "Bakit ka pa ba bumalik? After what happened, bakit kailangan mo pang bumalik? For what?" Tiningnan ko siya sa mga mata, ngunit hindi rin nagtagal ay ako rin ang unang umiwas ng tingin. Please stop. "You need to move on, you can't magically revive the dead, or change everything to satisfy yourse--" Stop it. "Speaking of rumors, I heard you're the new Student Council President? Congrats, Dario," pag-iiba ko sa usapan. He suddenly flipped his switch and fixed his necktie, run his fingers through his hair, before smirking at me. "Really~ thanks, Sin," sambit niya, "If you need any special treatments, well, I won't give you!" He stucked his tongue. What a single-celled idiot. "Tapos ka na? Pwede ka ng umalis sa harapan ko, marami pa kong gagawin, hindi mo naman ako tutulungan 'di ba?" Ngumuso siya at tumalikod ngunit agad ding nilingon ako't matalim akong tiningnan. Bigla na lang lumundag ang puso ko at napailing. "Pero seryoso ako, please move on, don't waste your future over your slaughtered past." Tumango lamang ako at bumuntong hininga nang tuluyan itong mawala sa paningin ko. Slaughtered past? LUMIPAS ang dalawang oras hanggang sa tuluyan ng tumunog ang bell, hudyat ng pagtatapos ng klase, at ni isa ay walang sumali sa club ko. What a waste. Nanatili ako sa silid namin habang pinanonood ang pag-uunahan ng mga kaklase ko para maunang makalabas. Hindi pa rin mga nagbabago ang mga 'to. Wala namang zombies na humahabol sa kanila, so why hurry? "Hoy! Tumabi nga kayo ihahatid ko pa 'tong test papers sa faculty! Usod me!" Sinundan ko ng tingin ang sumigaw na babae. Mahinhin at puno ng tiwala sa sariling naglakad siya sa unahan at namimilantik ang mga daliring tinulak-tulak ang mga nakaharang sa pintuan. Pagkatapos ay nilingon niya kami, no, nilingon niya ako at pinaikot-ikot ang mga mata saka hinawi ang mahaba nitong buhok. Kung ibang pagkakataon siguro ay pinatulan ko na ang babaeng 'to, pero hindi ko rin napigilan ang sariling matawa sa asal niya. I aroused from my seat as I walked toward her direction. "Hellcome back, Sinaya," she said, watlzing toward the doorway. "You haven't changed at all, Sashie! Hindi mo man lang ba ako na-miss?" sambit ko habang nakasunod sa kanya. Narinig ko naman ang maarteng pagtawa niya. Hindi siya huminto o lumingon pero sigurado akong umiikot na ang eyeballs niya sa inis. She hate me so much after all. Kailan ko ba huling narinig ang nakaka-iritang pagtawa niya? Months ago? "Heck no! Why're you even here? Hindi ka ba aware na lahat sila ay iniisip na may saltik ka? Suspicion's still on you! Wala ka ng business dito, Sinaya. For your own sake! Move on!" Napahinto ako matapos marinig 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Was I mad? No. Hurt? I don't know. But, my body was too astound to even move. Bakit nga ba ako bumalik pa? Move on? How can I move on if everyone here's pushing me back? Nagkamali ako, siguro nga. Pero hindi ko maitatama ang lahat kung tatakasan ko lang ito! Hindi ko kayang kalimutan ang pangyayaring kahit ako ay hindi ko gaanong naaalala! "Damn," I uttered as I step backwards. Sashie shrugged her shoulders before turning her back on me. Naglakad siya patungo sa El Mayor Department (This is the building where being used by the teachers, and other staffs, habang ilang dipa sa kanan nito ay El Gobernador na siya namang ginagamit for club and organizations.) Unti-unti akong tumalikod upang pigilan ang sariling gumawa ng eksena. Mabibigat ang mga hakbang ko't malalim ang binibitawang paghinga hanggang sa makarating ako sa gate kung saan may iilan pang mga nagkalat na estudyante. "Gusto ko na lang umuwi at matulo---" "AHHHH...!?!" Agad akong napabaling sa likuran ko nang marinig ang palahaw na iyon. Hindi ko magawang humakbang palabas nang muling may sumigaw. Hindi ako pwedeng magkamali. "AHHHH?!" Wala na akong sinayang na segundo at agad na kumaripas ng takbo patungo sa kung saan nagmumula ang mga sigaw. Habang papalapit ako ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko, para rin akong nanlalamig kahit na tirik pa ang araw. "Sashie? W-What was that?!" tanging lumabas sa bibig ko nang makarating sa harapan ng El Mayor. "Ah!" Sashie screamed, covering her mouth. Tumalikod siya at nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo palapit sa akin at isinubsob ang mukha sa balikat ko. I don't know how to comfort someone so I instinctively patted her back. "S-Sinaya 'yong l-lalaki nahulog..." she mumbled. Doon ko lang napansin ang paligid ko. Sa harapan ng El Mayor ay nakabulagta ang isang lalaking estudyante. Nakatihaya ito at nakabaling sa direksyon namin ang kanyang ulo. His eyes were opened as if he could still saw us. Blood starting to spread through the ground. "D-Dead..." usal ko habang mariing pinipikit ang aking mga mata. Calm down, don't let it swallow you. I glanced at Sashie. Tinulak ko siya palayo sa akin saka hinawakan ang dalawang balikat nito. Tiningnan ko siya nang puno ng pang-unawa. "Calm down. Deep breaths, Sashie," I hushed, patting her shoulders. "But...but..." "Sashie, call the police. At habang wala pa sila, huwag mong hahayaang may lumapit dito, got it? I'll inform the teachers," marahang sambit ko. She nodded and like the usual Sashie that I know, she darted me a death glare. "Don't assume we'll be friends after this!" sigaw niya sa akin at tinulak pa ako. Giggling, I ran toward the building. Huminto ako sa tapat ng bangkay at nilabas ang aking cellphone upang kuhanan ng pictures ang bangkay. Alam kong hindi dapat ako narito, but can't help it. I am a self-proclaimed detective after all. Matapos ang ilang segundong pagkuha ng pictures ay tumuloy na ako sa building. Habang paakyat ako ay nakasalubong ko si Sir Alfred kaya sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari. "W-WHAT?! WHERE?!" bulalas ni Sir Alfred. Nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ako. "Don't let the students come near the crime scene, Sir!" sigaw ko habang paakyat na sa susunod na palapag. Habang paakyat sa hagdanan ay inilabas ko ang cellphone ko at agad tinawagan ang numero ng ni Mrs. Clarkson. "I'll wait for you. Thank you po," usal ko matapos kong i-report ang nangyari. Matapos ng aming pag-uusap ay siya rin namang pagkarating ko sa pintuan ng rooftop. Hinabol ko pa ang aking hininga bago tuluyang buksan ang pinto at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nakaupo sa dulo ng rooftop. Dumurugo ang noo niya at pilit na pinatitigil gamit ang kanyang mga kamay. Tila nasorpresa pa siya nang tuluyang mapansin ang presensya ko at mapukol sa akin ang kanyang mga mata. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay para bang nababasa niya ang iniisip ko. Good for you. Ginala ko ang paningin sa paligid. Sa tabi niya ay isang bote ng tubig na nangangalahati na lang ang laman, isang cellphone at isang baseball bat na may bakas pa ng dugo. My eyes widened. Could this be a murder case and this guy... Napalunok ako at tangkang lalapitan siya nang halos tumilapon ako sa biglang pagbukas ng pinto ng rooftop at dalawang lalaki ang pumasok. "Itaas ang kamay!" sigaw ng lalaking walang buhok at wala ring kilay. Dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay ko habang iniiwasang tingnan ang lalaking walang buhok at kilay. I looked at the guy who's head was bleeding. He didn't move an inch and remained sitting while his eyes fixated on mine. Isang ngisi ang kumawala sa labi ko nang lapitan siya ng isa at hilahin ito patayo ngunit agad ding nawala ang ngisi sa labi ko matapos akong hawakan din ng lalaking walang kilay. "Hey hey hey." Sinubukan kong pumiglas ngunit masyado siyang malakas. Nangungunot ang noo kong bumaling sa lalaking may hawak sa akin. "What are you doi---?!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD