CHAPTER THREE: ZANDER CARDAMA

2264 Words
CHAPTER 03: ZANDER CARDAMA DEATH THREAT? SUICIDE NOTE? These are the possibilites linking Jefferson Aguirre's death. It could also be a parallel to Zander's existence at the crime scene. “Zander Cardama, would you mind explaining this to us?” It echoed like a bullet hitting it's prey. Kung may biglang maghulog ng karayom dito ay aalingawngaw iyon sa katahimikang bumabalot dito sa silid. What's my bet? Although Zander's alibi seems plausible, he could've been lying to us the whole time, taking advantage of the fact that no one can testify against him, and no one can justify his alibi. Kung titingnan ang mga nangyari, Jefferson fell facing upwards, he could be pushed by someone, though if someone, rather Zander really pushed him, Jefferson could have showed a face as a sign of shock, but no. Nang makita ko siya, at kuhanan ng pictures, walang bakas ng takot o pagkagulat sa mukha ni Jefferson, wala ring senyales ng panlalaban. He's in total peace. In addition, though it may seem nonsense, but, Jefferson is wet. I mean, his uniform is kind of, like wet, it's either his sweat or, from the bottled water I saw at the rooftop. Well, it could be a bluff that Zander schemed, since he seemed to be the kind of guy to have something up his sleeves. You know, a cold blooded puppeteer pulling his strings. “Which is it?” I blurted out, breaking the silence. Nakaawang ang bibig na nilingon nila ako pareho. Mrs. Clarkson raised her left brow and gave me a, “Seriously?” look on her face. “I mean, which is it? A suicide note or a death threat? Neither the two will change the fact that right about now, my father is waiting at home with a hanger in his hand,” paliwanag ko na siya namang pagbunghalit ng tawa ni Mrs. Clarkson. “Seriously now? Hindi ba ikaw rin naman ang dahilan kung bakit ka narito at wala ka pa ngayon sa bahay niyo?” Indeed. She sighed. “Well, this is a suicide note left by the victim, Jefferson. You know what does it mean, right? It's case closed. Usually, I wouldn't let you know what's written here for this is already classified an evidence, hence being mentioned here, I'd like to hear your thoughts about it.” Binigay niya kay Zander ang papel. His hands were trembling as his eyes focused on what's written on it. Case closed, then? Honestly, I wanted to know what's written on it. Gusto kong malaman kung bakit niya nagawang isuko ang lahat at tumakas, maybe tumakas is an understatement. For them, for us, suicide might be our best salvation, ignoring the fact that people considered it as a sin. Well, hindi ko naman sinasabing, “Come on, are you tired of everything? Let's give up and die!” Gusto ko lang malaman kung bakit iyon lang ang pumasok sa isip niya, at gaano kabigat ang rason niya para gawin 'yon? “The suicide note was found crumpled in a trash bin at the rooftop. It was confirmed to be his handwritten, no other fingerprints found beside his. Lumalabas na ang nag-udyok sa kanyang tapusin ang buhay ay ang napanood niya sa kanyang cellphone. It was a video forwarded by his friend and we cannot gave you the leeway to watch it, understand?” pagbibigay-alam ni Mrs. Clarkson. “Family problem?” I asked, she simply nodded. “I...I...I'm sorry and thank you, for considering me as your hero, though it would be better if I could save you.” THAT WAS his last words before we were released by Mrs. Clarkson. Heading downstairs, I could hear him sobbing, trying to hide it by walking passed me. Nang makababa kami sa ground floor ay inaalis na ang katawan ni Jefferson, habang may iilan na lang natitirang estudyante, kabilang na roon si Sashie kaya nilapitan ko siya at ginawaran siya nang pilit na ngiti. Magsasalita na sana ako nang mapapilig ang mukha ko sa kaliwa matapos lumagitik ang palad niya sa pisngi ko. Para akong nakuryente, tumagos pa yata hanggang bone marrow ang impact. “Oh s**t,” bulong ni Zander na nasa likuran ko lang. Agad kong hinawakan ang pisnging simampal niya at tiningnan nang kunot ang noo at nanlalaking mga mata. “What was that for?!” Sininghalan niya ako habang papalapit sa akin. Pinagkrus niya ang mga braso at tinapunan ako ng tingin na para bang isa akong hampaslupa. “Inutusan ako ni President Dario na sampalin ka kapag nakita kita para raw matauhan ka, bakit may angal ka?” Tinalikuran niya ako at tatawa-tawang naglakad palayo na para bang may sobrang nakakatuwang pangyayari sa buhay niya. “Huh?! That sleazebag!!” asik ko at tuluyan ng nagpaalam kina Mrs. Clarkson. I swear, kapag nakita ko ang lalaking 'yon, hindi ako titigil hanggat hindi namamaga ang mukha niya, at kung malaman ko lang talaga na palusot lang 'yon ni Sashie para hindi ko siya gantihan, magsisisi siya! “Why are you following me, though?” I snapped back to reality and saw myself tailing Zander. He's probably heading at the clinic to check his wound. “Am I? Gusto kong patingnan sa nurse ang pisngi ko, baka may namuong dugo sa lakas ng sampal ni Sashie,” palusot ko at patay malisyang nagpatuloy sa pagsunod sa kanya. Half a lie. Actually, I wanna ask him something, and, for my sake, I want to retrieve my necktie from him! Wala pa akong spare necktie dahil out of stock pa sila! Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa muntik na siyang matumba nang isang lalaki ang bumangga sa kanya. Napataas ang kilay ako habang sinusundan ng tingin ang nakabangga kay Zander. “Anong problema mo?!” tanong ko nang hiklatin niya ang braso ko palayo, “Dario, anong problema mo?” pag-uulit ko at hinila ang braso ko. Tiningnan niya ako bago nilingon kung nasaan nakatayo at nakatingin sa amin si Zander. Muli niya kong tinitigan na para bang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya ngunit agad napawi nang ngumiti siya na halos umabot na sa tainga. “Gusto kong sabihin mo sa papa mo na hindi ako hanapan ng nawawalang bata, okay? Kailan pa ako naging babysitter mo ha, my love~?” Huh? Huh? Oh no. “Nasa bahay na si Daddy? Akala ko may duty siya ngayon?” “Akala mo lang 'yon! Hurry up while thinking of a better excuse kung bakit ka na-late ng uwi, good luck!” bilin ni Dario at pinagtulakan na ako palabas ng gate. DARIO IS A SCUMBAG. Halos makipag-unahan na ako sa mga aso sa pagtakbo pauwi sa amin dahil ang buong akala ko ay naghihintay na si Daddy at handa na akong sermunan ngunit ang nadatnan ko ay si Manang Sally na pinagagalitan si Sherlock. May dalawang rason kung bakit iyon ginawa ni Dario. Una, selos. Pangalawa, trip lang niya. Kung alin sa dalawa, wala na akong pakialam pa dahil tapos na naman ano pa bang magagawa ko? Gantihan siya? No way. Sigurado rin akong isusumbong ako no'n sa tatay ko at sa huli ako lang din ang mapapasama. Sumbungero 'yon e. Who's Dario in my life anyway? Ah, my childhood friend who blatantly expressing his love on me. Yes, a childhood friend who gained the trust of my father in no time. “Coffee for you, my lady~.” Inabot niya sa akin ang isang pirasong candy na ang flavor ay black coffee. I rolled my eyes. “Thank you.” Pero kahit na masarap suntukin ang mukha ng taong 'to, hindi ko magawa. He's efficient. “Maaga ka yata ngayon? 3 PM pa first class mo ah?” He grinned at me. “Nandito ako para tulungan kang linisin ang basura mo,” sambit niya habang pinagmamasdan ang itinayo kong tent para sa club recruitment. Right. Miyerkules ngayon, at sinabi ko nga pala sa kanya na hindi ko na kailangan ng tent dahil plano kong mag-room-to-room na lang. “Talaga?! Thanks, Dario~!” Pilit akong tumalon at hinila siya para yakapin dahilan para mawalan siya ng balanse at ngingiti-ngiting pinagmasdan ako. “Small thing~,” he replied, freeing himself from my arms, “Turning on your charm, huh? Heh!” Inayos niya ang polo habang hindi pa rin napapawi ang ngiti. Napangisi ako. “Oh~ Small thing, don't sweat it,” I said, “So, mauna na ako, ha? May 30 minutes break lang ako kaya susulitin ko na rin 'to para mag-recruit! Bye-Bye~.” Bumalik ako sa pinanggalingan ko kanina; senior high department o mas kilala nila bilang El Heneral Building. Bitbit ang mga flyers ay inakyat ko ang bawat palapag at pumasok sa bawat kwarto para mag-recruit. Ngunit tulad ng dati, hindi naging madali dahil sa mga kumakalat na rumor tungkol sa akin pero hindi naman ako umaasa na maraming sasali sa club, I only need atleast five. From my class, may dalawa na akong siguradong member pero hanggat maaari ayoko silang tanggapin, personal reasons. Huminga ako nang malalim at kumatok sa huling room dito sa sixth floor na tinatawag ng ibang strands na curse floor, dahil kapag tumapak ka sa hagdanan pa lang ay mapapamura ka na sa alingasaw ng cr nila pati ang tambak ng basura na sasalubong agad sayo. “May I speak with your preside--” Hindi man lang ako pinatapos at sinarado agad ang pinto? How dare... Mariin kong pinikit ang mga mata at marahang hinimas ang aking sintido. Huminga ako nang malalim at muling kumatok. Ilang sandali lang ay narinig ko na lang ang pag-lock ng pinto dahilan upang tumaas ang kilay ko. “Hey, five minutes is all I need! Gusto kong makausap ang president niyo, STEM2! O ilabas niyo na lang si Zander Cardama!” Ayon sa adviser nila na nakausap ko kanina bago ako mag-room-to-room ay matitigas talaga ang ulo nila pero nakikinig naman daw sila. So, nasaan na 'yong parteng nakikinig sila? “Absent si Zander umalis ka na!” sigaw ng kung sinong babae sa loob. I sighed. Sinuot ko ang aking smart glasses at yumuko upang masilip nang maayos ang keyhole ng pinto. “Turn on, zoom in,” I commanded as it zoomed the inside of the room. Mula sa maliit na butas ay nakikita ko ang ilang estudyanteng nakaupo sa unahan, at ang isang pamilyar na lalaking nakatayo sa harapan nila. “Zander Cardama, alam kong nasa loob ka!” sigaw ko at pinagmasdan kung paanong unti-unting kumilos si Zander at naglakad patungo sa pintuan. Tumindig ako nang tuwid at sinalubong ang makulimlim nitong mga tingin, matatakot na sana ako kaso nakita ko ang panyo kong kulay pink na nakabenda sa noo niya, pinigilan ko na lang mapangiti. “What?” kunot-noong tanong niya, “Oh, wait,” he added and pulled something from his pocket. My eyes glittered as he showed me a familiar royal blue necktie. Kukunin ko na sana iyon ngunit natigilan ako nang lumapit siya bigla at isuot sa aking ang necktie. Halos manindig ang balahibo ko matapos niyang hawiin ang buhok ko. Gusto ko siyang pigilan ngunit mas ninais kong hayaan siya para sa sarili niyang ikasasaya. Nanatili ang tingin ko sa kanyang mga mata habang siya ay abala sa ginagawa. Nang matapos siya ay dagli akong dumistansya at bumuntonghininga. I gazed at him, chuckling. “Was that supposed to be romantic?” I blurted out, grinning. “Well, nevermind. I want you to join my detective club.” He sighed. “Bakit ako?” Tinanong ko rin ang sarili ko niyan. Bakit nga ba ikaw? According to my research, Zander Cardama studied martial arts, expert to hand-to-hand combat. He excel in his class, and yesterday, he speak himself calmly which I will need if, I would, accept the two student from my class. “I desire you... your combat skills!” I proclaimed which made his face wrinkled. Matagal siyang nakatingin lang sa akin bago siya umiling. “No. Pwede ka ng umalis, baka mahuli ka pa sa klase mo,” pagbibigay-alam niya saka ngumiti. “Sure kang ayaw mo?” “Kung sasali ba ako, babayaran mo ako?” Nilahad niya ang mga palad habang tila trumpong pinagagalaw ang kanyang ulo. Saan na napunta ang Zander na ang seryosong nakasama ko kahapon sa interrogation? Sarkastiko akong tumawa, pinagkrus ang mga braso at tumango-tango. Hmm so that's how is it? “Wala akong pera but I could offer you my ring made of gold, regalo 'to ni Daddy, pwede mo 'tong ibenta.” Hinubad ko ang regalong singsing ni Daddy at inabot iyon sa kanya. Kung seryoso siyang kailangan nga ng pera, mas mahal ang singsing na 'to kaysa sa weekly allowance ko. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa singsing. Ilang beses pa siyang lumunok bago malawak ang ngiting kinuha sa palad ko ang singsing at agad na binulsa. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang tinapik-tapik iyon. Sa ekpresyon niya ngayon, hindi ko mabasa kung seryoso ba siya, o sarkastiko lamang. “Thank you,” he muttered, “Huwag kang mag-alala, hindi kita tatakbuhan, Ayang.” Kumurba ang ngiti sa labi ko, ngunit hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko. Regalo sa 'kin 'yon ni Daddy, kapag napansin niyang wala na sa akin ang singsing, tatanggapin kaya ako ni Dario sa bahay nila kapag tinakwil ako ng tatay ko? I sighed. “Uh, that's a deal then? Kailangan ko ng bumalik sa room namin,” paalam ko at tuluyan ng nagpaalam sa iniingat-ingatan kong singsing. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD