THE SIN
SOMEONE'S POINT OF VIEW
It all started as a normal game of truth or dare between club members...but...peril must have joined them...
Five lifeless bodies are found, there is a witness, and a suspect...but, aren't they missing something?
What is it? Ah! An evidence! Too bad, for them, then.
Ah. It's fun. Look at those idiots freaking out!
"Case closed."
"It was suicide?!"
"Why? How? Impossible!"
"That was...her, right?"
"Are you up for the job?"
"Yes, thank you for trusting me."
"This is a problem. Finish your job."
"But..."
"So, it's you."
"I'm sorry! Believe me! Please!"
"You traitor!"
"Sin..."
Who to trust, when you can't even trust yourself?
You seek for the truth, but wait, are you telling me the truth?
We are all in a chain of tangled liabilities,
And your all so precious assets were long depreciated!
Oh, should I help you file your bankruptcy report?
Can I guarantee that your trust, will be mine to exploit?
This is the story of Detective Sin, and the Liabilities of Tangled Strings!
***
CHAPTER ZERO : THE LOST AND FOUND
November 03, 2021.
I AM NERVOUS.
Huminga ako nang malalim, bahagyang inayos ang buhok ko at kumaway sa babaeng papalapit sa kinatatayuan ko.
“G-Good morning, Mrs. Clarkson,” I uttered.
Ngumiti siya, iyong ngiting parang pinilit niya lang ibuka ang bibig niya at ipakita ang maputi niyang ngipin. Tulad nang ngiting pinakita niya sa akin ilang buwan na ang nakararaan, nang tanungin niya ako:
“So, gusto mo bang kumita kahit nasa bahay ka lang, o kahit nasa school ka pa? Wala kang susunding schedules, hawak mo oras mo, pero kikita ka pa rin. Wanna join our agency?”
Akala ko kasi scam lang, 'yon bang masyadong ‘too good to be true’. Hindi ko kasi alam na isa siya sa kanila. Akala ko, gusto niya lang akong kunin as sidekick sa sarili nilang agency ng asawa niya matapos niyang malamang naghahanap ako ng part-time job.
Hindi nga pumasok sa isip ko na makakapasok ako sa agency na 'yon as client, makapasok pa kaya as one of them?
“Bakit? You do have motives, right? I mean, kung talagang kailangan mo ng employee, you should just hired someone with a professional backg---”
“Don't be anxious now. You should be proud that I chose you, despite being a complete green,” she muttered, glancing at the heights of a building ahead of us.
Pinagmasdan ko rin ang matayog na gusali sa harapan namin. Mayroon itong dalawampung palapag, at bawat palapag ay nahahati sa apat na silid. Sa bukana nito ay ang malaking estatwa ng lalaking walang mukha, nakalahad ang isang kamay nito na animo'y humihingi ng pera habang may hawak naman ang isang kamay ng watergun, na literal na binaril kami nang tumayo kami sa harapan nito.
“Welcome to BIP Agency, Miss Saez,” muling wika niya at inabot sa akin ang kahon ng tissue, “Apologies, that's our resident inventor's stupid ideas.”
Nilabas niya ang isang maliit na kulay asul na ID at pinatong iyon sa nakalahad na palad ng estatwa.
“Woah,” tanging lumabas sa bibig ko matapos bumukas ang palad nito at may maliit na buton ang lumabas. Pinindot iyon ni Mrs. Clarkson na naghudyat upang unti-unting mahati sa dalawa ang estatwa at bumungad sa amin ang madilim na lagusan patungo sa underground.
“That building, is our agency, a decoy, and underneath, is our headquarter,” she informed, as we stepped inside, and was bound to bust our butts.
It wasn't what I anticipated! Hindi siya hagdan kung hindi isang napakahabang slide! Paikot-ikot at halos mapulupot na ang bituka ko! Tumagal iyon ng halos dalawang minuto bago kami sumubsob sa malamig at matigas na sahig.
Halakhakan ang sumalubong sa amin. Limang tao ang agad na nakita ko, kabilang na si Detective Emerson na asawa ni Mrs. Clarkson. Tinulungan nila kaming tumayo, at parehong inabutan ng isang supot, kung saan, doon tuluyang sumabog ang lahat ng kinain ko. Anong klaseng detective agency 'tong napasukan ko? May free rides? Ugh.
“So, how was it? Panay ang reklamo mong nakakapagod umakyat-panaog sa hagdan, kaya, rise and shine! Our beloved boss financed this extreme reconstruction!” bulalas ng isang lalaking siguro ay nasa late 20's ang edad.
“You're pleased, huh, Detective Vince?” Mrs. Clarkson retorted, “By the way, this is —”
“Sinaya Saez,” I continued, “Please to meet you.”
“Oh?! That girl from Libero High! Hey detectives, are we screwed?”
I SHOULD'VE asked the same thing, am I screwed?
Narito kami ngayon sa opisina ni Detective Inspector Everly Clarkson. Simple at malinis ang kanyang silid, maliban na lang siguro sa kanyang palad na kulay silver dahil sa pinturang nasa doorknob kanina nang binuksan niya ang pinto.
“That was it?” nakaawang bibig na tanong ko. Tumango lamang si Mrs. Clarkson at nilabas ang parehong asul na ID na may larawan at pangalan ko, “Welcome to our detective agency, Sinaya. And your first mission? Well, study hard, and be a good model student in your class.”
“Seryoso?” I was expecting some gruesome combat training, or investigative simulations, but, wow.
She smiled, “Yes. At 'yang card na iyan, hindi mo pwedeng basta na lang ibalandra, it 'cause your life, you know. This will give you the privileges as an investigator, but, this will not deny the fact that you are a student, and a minor that shouldn't be meddling to an actual scene. Well, as long as a BIP detective back you up, you shouldn't worry, I guess?”
Tumayo siya at inabot ang kamay upang makipagkamay ngunit nanlaki ang mga mata ko matapos niyang wisikan ng alcohol ang palad na may pintura at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
“Goodluck,” she muttered as I stared at my stained hand, “Gusto mo bang ihatid na kita? Hindi naman maganda na mahuli ka sa simula ng second semester niyo.”
“Hindi na po. Maaga pa naman kaya malabong mahuli ako sa klase.”
SINABI KO 'YAN, ngunit nawala sa isip ko na sa traffic nga pala ay may forever. I completely missed the first period, and barely made it to the second period! Sa huli ay ginisa ako, pagkatapos ay sinabon pa ng adviser namin nang makarating sa kanya ang nangyari. Nahuli lang naman ako, kasalanan ko bang traffic? Hindi ko rin naman sila sinisi, kaya bakit ko kailangang mapiga ng mga guro? At higit sa lahat, bakit kailangang ako ang mag-tally ng scores ng buong section namin para sa mga pre-test! Matatanggap ko kung sa first and second subject lang, pero, lahat?! Pre-test lang naman, bakit kailangan pang i-tally?! Kasalanan 'to ni Sashie!
I sighed.
“Anong klaseng mukha 'yan, ew.”
Salubong ang kilay na nag-angat ako ng tingin sa limang babaeng pumasok, “Alam mo ba ang mukha ng isang api? Tandaan niyo, babangon ako! Babang--”
“Yep. Bangon na, uwi na tayo, Sin,” she severed, looking at me with a smile, “Oya? Ah! Muntik ko ng makalimutan! Pinarusahan ka nga pala!”
“Hush, Jessica. Huwag kayong maingay, kailangan niyang mag-concentrate sa pagbabakod!” tuya pa ni Maecee.
I rolled my eyes. “Bakit nga kayo nandito? I informed you guys na wala munang club meeting dahil may pinapagawa pa sakin, right? Don't tell me, pumunta pa talaga kayo rito para guluhin ako? Or, may case?! May case, right?! What is? Murder? Homici--” Pinitik ni Serene ang noo ko at tumawa.
“Idiot. Murder ka riyan. Remember, Lost and Found po, ang club natin, hindi Detective Club. But, well, narito talaga kami para manggulo, so,” Serene revealed, taking an empty bottle from her bag.
“Tara! Tara! Spin the bottle, ang matatapatan kailangan gawin ang dare!”
“Huwag kang kill joy, Sinaya, ilang araw rin tayong hindi nagkita-kita e, upo na, aba. Ano gusto mo buhatin pa kita?”
“FINE! Fine! Gagawin ko na, okay? Sasampalin ko lang si Sashie, tama?” Tumayo ako at pinanlakihan sila ng mata. Hindi sila nagpatinag at mas lalo pang tumawa, muntik pa ngang mamatay si Jessica matapos malunok ang candy niya sa katatawa e. Nangiti ako at nagpaalam.
“With video dapat, ha?”
“Yikes! Ano kayang magiging reaksyon ni Sashie?”
Ngayon, saang lupalop ko naman hahanapin ang aking target na si Sashie? Sigurado ba silang narito pa 'yon? Sa canteen daw, okay.
Kailangan ko pang kuhanan ng video, hmm~ssle naman.
“Oh?” Bumuka ang bibig ko at lihim na nangiti matapos agad na mahagip ng paningin ko si Sashie na panay ang paghawi sa buhok habang tila asong nakangiti sa isang lalaki. Hindi ko matukoy kung sino ang lalaking 'yon dahil nasa second floor pa lang ako, ngunit base sa jersey niya, ay malamang basketball player 'yon.
Nilabas ko na ang aking cellphone nang tuluyan akong makababa, dahan-dahan akong lumakad patungo sa kinatatayuan ni Sashie, at nang humarap siya sa akin ay agad siyang sinalubong ng palad ko. Napapilig siya sa kanan, nanlalaki ang mga mata, ilang segundong natulala, at nang lingunin niya ako, ay, sorry, nasa malayo na ako.
“Pasensya na Sashie, trabaho lang na may konting personalan!” sigaw ko habang kinakaway-kaway ang cellphone.
“Woah! Sorry!”
“s**t,” wika ng lalaking nabunggo ko at hindi na nga pinulot ang nahulog kong cellphone, tinapakan pa ng loko! Siniringan ko siya't balak sanang kwestyunin siya ngunit natigilan ako nang mapansin ang pangangatal ng mga tuhod niya. Sinubukan kong sipatin ang mukha nito ngunit nauna niya akong tinulak at nilagpasan.
“Anong problema mo, hoy!?”
I sighed.
Nagkibitbalikat ako at tinakbo ang tatlong palapag, nang makarating ako sa pintuan ng aming clubroom, hinabol ko ang hininga at dahan-dahang binuksan ang pinto.
“Hey, hindi niyo naman ako tinaguan 'no? Wala namang manggugulat diyan, ha--”
Nahulog ang hawak ko, maging ang puso ko. Umagos na yata pati dugo sa katawan ko palabas matapos tumambad sa harapan ko ang limang miyembro ng Lost and Found club. Limang katawan ang nakabitin sa kisame at wala ng buhay. Makalat ang silid, may ilang mga papel pang lumiliyab pa, at ilang pirasong silyang tila binalibat kaya nagkawasak-wasak.
“Who did this?” I asked, and the next thing I knew, I've felt my back hitting the floor, as my vision turn into blur, I dialed my father's number.
“D-Dad...they killed them.”
***
Limang estudyante ang natagpuang
wala ng buhay sa loob ng kanilang silid, samantalang ang kasama nilang isa
pang estudyante ay hindi pa rin nahahanap. Isang linggo matapos ang nangyari ay dineklara itong suicide. Tapos na ba ang kaso, o tinapos na ang kaso?
(written by Dario Dantes, published under Libero High Journals)
status: lost
***