CHAPTER 04: PALACIO LA CARDAMA
MY BROWS knitted upon reading the text message I received from Zander early in the morning. I don't remember giving him my contact number, but my hunch, no, I'm sure of it, that he got my number from doing that.
Now, I wonder, why?
May kailangan akong sabihin sayo, magkita tayo.
Hindi ko na dapat papansin pa ang text niya ngunit dala na rin siguro ng kuryosidad ay namalayan ko na lang ang sarili kong nahugasan na ang pinagkainan at patungo na sa palikuran para maligo.
Huwebes ngayon at walang pasok kaming mga ABM students, ngunit sa pagkakaalam ko, tuwing Monday walang pasok ang mga STEM students kaya gaano ba kaimportante ang sasabihin niya para hindi siya pumasok sa klase nila? Hindi ba makakahintay 'yon ng bukas?
"Hello, Zander? Location?" bungad na tanong ko matapos siyang tumawag. Inipit ko sa pagitan ng tainga at balikat ko ang cellphone habang nakaharap ako sa salamin at namimili ng isusuot.
"Location? In five minutes lumabas ka sa bahay niyo, susunduin kita," he answered hanging it up
before I could utter a word.
Tulad ng sinabi niya ay lumabas ako sa aming bahay makalipas ang limang minuto. Mabuti na lang at maagang umalis ang tatay ko kaya hindi ako nahirapang magpaalam kay Manang Sally.
"Good morning!" bati niya habang ang mga mata nito ay napukol sa suot ko pagkatapos ay nakangiting tiningnan din ang suot niya. Hinubad niya ang kulay pulang helmet at bumaba sa kanyang motorsiklo.
"Wear a match!" he joked, giggling like a toddler.
"Standard practice. When you don't know what to wear, wear a white shirt and pants, paired it with a sneakers," I commented.
"Hey, I've been wondering since day one, why're your arms wrapped by bandages?" he asked, like a kid, innocently asking for a candy.
Looking at my bandaged arms, I smiled. "Scars of betrayal, I guess," I confessed, "Well then, give it back." Nilahad ko ang palad sa harapan niya. Tiningnan niya lang iyon nang puno ng pagtataka.
"Ang alin? Binalik ko na ang necktie mo ah? 'Yong panyo ba?" Tumawa siya na parang demonyo, "Hindi ko na ibabalik 'yon."
I rolled my eyes, "Oh~? You thought I wouldn't noticed, huh?"
"Back there, when you were fixing my necktie, you were engrossed by it, right? Like, it was some kind of an important task you seek to accomplish. In order to brush off of the awkward atmosphere, rather than stopping you, I subdued and just stared at you. You anticipated my movements like any other women you ought to trick. When you thought, you've finally caught me into thinking, "man, this sure is romantic, I can't take my eyes off of him, kyah!" You, swiftly moved your hand and took my ID, leaving nothing but the lace. It was truly, magnificent, if the woman is not me," I told him, like how those storytellers narrate a fairytale story.
Saglit nawala ang kulay sa kanyang mukha ngunit agad din siyang nakabawi at mas tumawa pa habang nakatakip sa bibig ang mga kamay. Ilang segundo rin siya sa ganoong posisyon bago niya kinurot ang sarili upang pigilan ang kanyang nakakakulo ng dugong pagtawa.
"Just as I thought. You're a proper highschool detective, aren't you? Sadly, iniwan ko sa bahay ang ID mo, so.... Wala akong ibang intensyon, okay? Naisip ko lang na subukan ka, kung may epekto ba sa 'yo ang charm ko, o kung anong magiging reaksyon mo kung bigla na lang akong lumapit sa 'yo na hindi mo gaano kakilala. Mag-ba-blush ka ba? Itutulak ako palayo? But none of it happened, you're too damn calm, and that's when I came to realized, you're the one!" Tinuro niya ako habang ngingisi-ngisi.
"What?!" bulalas ko, "Why are you even here anyway?"
Nawala ang kaninang maaliwalas niyang mukha at napalitan ng maalimuom na ekspresyon. Binuka niya ang bibig ngunit mas pinili niyang tumahimik na lang at talikuran ako. Kunot-noong pinagmasdan ko siyang magpalakad-lakad sa harapan ko.
I really had no idea what his motive by putting up a show, what I know is that, he's dangerous.
I sighed.
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na hindi 'yong para kang kiti-kiti r'yan," usal ko at hinablot ang braso niya, "Speak now."
He nodded. He then knelt on the ground and pulled the golden ring I gave him and said,
"Will you be my girlfriend?"
"Huh?!?" Napaawang ang bibig ko at kulang na lang ay lumundag ang mga mata ko palabas sa kinalalagyan nito. Napasapo ako sa noo at iiling-iling na tinapunan ng tingin ang nakaluhod na si Zander.
"Enlighten me please, if you won't I'll assume you've gone insane and said something stupid," sabi ko at hinila siya patayo.
He heaved a deep breath, and locked his eyes on me. Sinulyapan niya ang oras sa kanyang relo dahilan upang mapasapo siya sa noo at salubong ang mga kilay na tinapunan ako ng tingin. Kapansin-pansin din ang pamumuo ng pawis sa kanyang mukha.
"I'll explain later, will you be my girlfriend?" Muli siyang lumuhod at nilabas ang singsing. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa singsing.
I took a deep breath, closing my eyes. Think logically, Sinaya.
"I'll accept your proposal as a political relationship," I muttered, letting a sigh.
He must have a reason pulling this stunt.
Saglit siyang ngumiti bago inabot ang kaliwang kamay ko at sinuot sa ring finger ko ang aking singsing. Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko baka nahimatay na siya sa kilig, ngunit, ikinalulungkot ko, he proposed to Sinaya Saez, and right now, I felt like puking.
"Thank you, Ayang,"
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang takbo ang utak ni Zander Cardama. Para siyang maze, may iba't ibang mukha, tipong maaari kang hilahin sa kung saang direksiyon kung hindi ka mag-iingat. Is he a friend or a foe?
For now, he's my boyfriend, right? Ugh. Well, atleast nabawi ko ang singsing ko, 'kay~?
"MALAYO pa ba tayo?"
Nilingon niya ako mula sa side mirror. "Malapit na."
After that awkward proposal, he enlightened me about the matter. Ayon sa kanya, ngayon daw ang araw ng engagement party niya sa anak na babae ng kaibigan ng nanay niya. Hindi niya kilala at lalong hindi niya gusto ang plano ng mga magulang niya kaya sinabi niyang may girlfriend na siya at ipakikilala niya na ngayon. So, that's what he meant by saying, I'm the one.
Now, we're heading in his grandmother's residence using Zander's motorcycle. It is a private property owned by his family located in Calamba, Laguna.
It's been twenty-minutes since we departed from our house, but it could extend to more minutes because of the heavy traffic.
"Sa tingin mo magugustuhan ako ng pamilya mo? It's not like I care though, just asking," muling sambit ko habang nakangisi.
Paano kung hindi nila ako magustuhan, tama? Isa lamang akong ordinaryong mamamayan, paano kung isa palang heredera ang nakatakdang ipakasal sa kanya? Paano kung pahirapan nila ako dahil isa lamang akong dukha? Paano kung gagamitin nila ang kasal para palawakin pa ang kanilang mga pag-aari?
Ugh. Right, wala ako sa teleserye.
"Nagustuhan nga kita, sila pa kaya?" Bigla akong nasamid sa narinig.
"Now, I ain't buying that. Malayo pa ba?"
"We're here," he replied, "Welcome to Palacio La Cardama," he gestured, throwing both his arms in the air.
Sinalubong kami ng malaking arko kung saan naka-imprenta ang, Palacio La Cardama. Ginala ko ang paningin habang hinuhubad ang suot kong helmet at tumambad sa akin ang malawak na bukiring pinaliligiran ng mga baging ng halaman at bulaklak. Sa 'di kalayuan naman ay ang kwadra ng iba't ibang farm animals tulad ng baboy, kalabaw at kambing. Ugh, typical farm.
Ilang hectares kaya 'to? Gaano naman kaya kalaki ang palasyo ng lola ni Zander?
"Dito po, Sir," wika ng matandang lalaking lumapit sa amin. Ginaya niya kami papasok at ilang saglit lang ay natanaw ko na ang nag-iisang bahay na nakatayo sa malawak na lupaing ito. Isang malaking bahay na kulay asul at puti.
Sa bukana ng malawak na palasyo, nakatayo ang apat na taong sigurado akong ang pamilya ni Zander. Hindi tulad ng suot ko, lahat sila ay nakasuot ng pormal na kasuotan.
Zander's grandmother must be the woman in wheelchair. She's been giving me her joyous smiles. On the other hand, the woman behind her, must be Zander's mom, has been glaring at me from head to toe. Normal lang naman 'yon sa mga magulang lalo na kung ang pinakamamahal mong anak na lalaki ay may dalang babae, right?
Gano'n din ang tinging binibigay sa akin ng kanyang asawa na agaw pansin ang malaking peklat nito sa kaliwang mata na tila hiniwa ng kung anong matalas na bagay. Matagal ko ring pinagmasdan ang kanyang kaliwang mata hanggang sa nakumpirma kong peke o artuficial na kanyang mata. Ano kayang nangyari sa kanya? Got into a fight? An accident?
I adverted my gazes toward the young boy hiding behind his father. He must be Zander's younger brother though I don't see any resemblance. Perhaps he inherited his grandmother's features.
"Magandang hapon po." Yumuko ako at ginawaran sila ng matamis na ngiti. Zander leaned closer and grabbed my waist, leaving me in total embarassment.
Why did I ever agreed to his proposal anyway? Right, I desire his skills.
"This is Sinaya Saez, my girlfriend," he introduced, he gestured his hand toward them, "And, Ayang, this is my family, Granny Felicia my grandmother, Silvester, my dad, Wilma, my mother, and that kid is my brother," pakilala niya naman sa kanila.
"Nice to meet you po," I said.
Mr. Silvester coughed multiple times, while his wife, Mrs. Wilma seemed to be in between confusion and shock. Napatakip pa siya sa bibig habang pinagmamasdan ako.
"Ha! Ha! Alejandro's daughter, am I right?" Mr. Silvester exclaimed, "It must be faith! Your dad and I used to be workmates!"
"WHOAA?! One year na kayo?" Lola Felicia blurted out, "Bakit ngayon mo lang pinakilala sa amin ang 'yong nobya, apo?" Bumaling siya kay Zander na payapang nilalantakan ang letchon.
I plastered an awkward smile.
Narito na kami ngayon sa kanilang hapag-kainan. Sa dami ng nakahaing pagkain dito, aakalain mong piyesta. Ganito siguro kapag maraming pera 'no?
Gusto ko sanang sulitin ang pagkakataon at busugin ang sarili ngunit masyadong madaldal ang lola at tatay ni Zander. Kung hindi pa titigil ang dalawang 'to sa pagtatanong tungkol sa relasyon namin, baka maputol na ang pisi ng pasensya ko at kalimutan ang kasunduan namin ni Zander.
"We decided to keep it a secret until we graduate, but it backfired to us knowing you, Zander's family been cooking his engagement with some other woman."
Tumikhim bigla si Mrs. Wilma at nilingon ako.
"Not to ruin the mood but, I am against your relationship. You're a decent woman, but I am against your relationship with my son. Lalo pa at nakumpirma kong ikaw 'yong estudyanteng nawala sa sarili at hinihinalang pumatay sa limang kaklase niya at pinalabas na suicide ang nangyari sa tulong ng kanyang pulis na am---"
"WILMA! ENOUGH!" Mr. Silvester's voice roared like thunder, leaving everyone stunned.
"M-Ma! What are you talking about?" Zander asked, astound. Nilingon niya ako na para bang hinihingi rin ang opinyon ko.
Natahimik ang kaninang maganang hapag. Lahat sila ay tila mga agilang binabantayan ang bawat kilos ko.
I balled my fists, lowering my head as I prompt myself not to explode. Ilang beses ko na bang narinig ang mga salitang 'yan? Kung iniisip ng iba na ako nga ang gumawa ng bagay na 'yon, ha, huwag kayong mag-alala, 'yon din ang nasa isip ko, before. It's different now, 'cause I am one trillion percent sure, it's murder, and the murderer is not me, and that's what I need to unleash.
I smiled.
"Well, that's what rumors paint me, I'm used to it," sarkastikong sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
Mrs. Wilma laughed histerically, clapping her hands. "You heard that, Zander? 'Yan ba ang babaeng pinagyayabang mong ipakilala sa amin? Walang modo!!"
I sighed, tilting my head in amusement.
"Oh~ Says the pompous woman who ruined the engagement party of her beloved son," I retorted, "Wala po akong ginagawang masama, wala rin po akong pinapatay, kaya kung maniniwala kayo sa mga haka-hakang naririnig niyo kasya sa proseso ng sinagawang imbestigasyon, well, that's a pity. You're loosing a valuable daughter-in-law with that judgement," pahabol ko pa bago mahinhing tumayo at yumuko sa harapan nila. A tear dropped on the floor, followed by few more droplets.
"Thank you, and good bye," wika ko bago tuluyang talikuran sila at tahakin ang daan palabas sa kanilang Palacio La Cardama.
Narinig ko pa ang boses ni Zander na tinatawag ang pangalan ko, maging ang mumunting atungal ng nakababatang kapatid niya matapos sunod-sunod na umalingawngaw ang mga nababasag na pinggan sa loob.
"Hmm? Sumobra ba ako?" I uttered to myself as I covered my face in astonishment.
***