" Gabi-gabi na siyang lasing, ah! " komento ni Manang Carina habang sinusundan namin ng tingin si Xander na papunta sa aming kwarto. Napatingin lang ako kay Manang Carina na nasa bungad ng kusina na may hawak na isang basong tubig. Lumapit siya sa akin, " Kinausap mo na ba ang asawa mo kung bakit siya nagkakaganyan? " tanong pa niya sa akin. Napailing na lang ako bilang sagot sa kanya. " Bakit? Baka may dinadala ang asawa mo na hindi mo alam, Alhea. " " Sinubukan ko na po siyang kausapin pero parang wala siyang balak na magsabi sa akin, " sabi ko kay Manang Carina. " Subukan mo pa rin, Alhea. Sa buhay mag-asawa, kailangan niyong solusyonan na dalawa kung meron mang problema. Kailangan niyong harapin kung may pagsubok na darating at kailangan niyong pag-usapan kung may hindi pa