bc

The Wife's Revenge

book_age18+
38.2K
FOLLOW
183.5K
READ
goodgirl
CEO
twisted
bxg
city
office/work place
betrayal
lies
like
intro-logo
Blurb

Warning: Read at your own Risk!!!

Rated SPG ALERT! may mga eksena sa kwentong ito na hindiangkop sa mga may edad na 18 pababa!!

Anim na taon ang lumipas, nagpakilala si Alhea bilang Althea para balikan ang kanyang asawa!

Nagmahal ng lubusan.

Ibinigay ang lahat sa kanyang asawa.

Pero dahil sa mga nangyari sa nakaraan sa kanyang pamilya, siya ang nagdurusa!

Ito ang kwento ni Alhea, isang inosente at mabait na babaeng pinakasalan ni Alexander, ang kauna-unahang lalaking nakabihag sa kanyang puso.

Sa kanilang pagsasama, may mga lihim na mabubunyag. Sa lihim na ito, magdurusa ang buhay ni Alhea.

Dahil sa isang pangyayari, malalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay niya pero

sa hindi inaasahan, nabuhay siya.

Makakakilala siya ng isang taong tutulong sa kanya.

Isang taong magiging instrumento para makaganti sa kanyang asawa.

Ano kaya ang mangyayari sa muli nilang pagkikita?

"Humanda ka sa akin, Alexander! Matitikman mo ang ganti ng iyong asawa!"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Bakit ganito? Ang akala ko, kapag nagmahal ka sa isang tao ay purong saya na ang mararamdaman mo. Ang akala ko, noong makilala at naging kasintahan ko siya ay magiging masaya na ako pero hindi, hindi pala iyong totoo! Sadya ngang totoo ang sinasabi nila na ang pag-ibig ay napakamisteryo. Hindi mo alam kung ito ba ay totoo o hindi, hindi natin alam kung magtatagal ba ito o hindi, at hindi natin alam kung ang taong minahal natin ay mamahalin din tayo ng gaya ng nararamdaman natin! Hindi ko na kaya pang tagalan ang lahat ng ginagawa niya sa akin! Buong akala ko ay totoo lahat ng ipinakita niya pero nagkamali lang pala ako! Nahulog ako sa kanyang mga sinabi at sa kanyang mga ginawa. Hindi ko napansin ang larong ginawa niya kaya ngayon, ako ang kawawa! Mahal ko siya, hindi ko iyong itatanggi. Lumaban ako para sa aming dalawa, tinanong ko siya kung ano ang nangyari sa aming dalawa pero kung ito ang gusto niya, wala akong magagawa. Masakit, oo masakit pero kapag nanatili ako sa kanya, baka ikamatay ko na hindi lang dahil sa pisikal, kundi pati sa emosyonal. ........... Chapter 1 "Will you marry me, Alhea?" nakatingala niyang tanong sa akin. May hawak siyang isang pulang maliit na kahon na naglalaman ng isang singsing. Nakaluhod siya sa aking harapan na nakatingala. Napatakip ako ng aking bibig dahil sa gulat. Mabilis ang t***k ng aking puso at lumalabas ang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko akalain, hindi ko akalain na sa pag-aya niya sa aking mamasyal ay ito ang gagawin niya. Ang akala ko ay simpleng date lang bilang magkasintahan! "Ang bilis naman yata, Xander?" tanong ko imbes na sagutin ang sinabi niya. "Alam kong tatlong buwan pa lang tayong magkarelasyon, Alhea pero bakit papatagalin pa natin ang lahat kung alam naman nating dalawa na doon tayo pupunta?" sagot niya sa akin. Napatingin ako sa mga taong nasa paligid. Nandoon ang aking pamilya, sina Daddy at Mommy kasama nila ang ina ni Xander na nakaupo habang nakatingin at nakangiti sa amin at ang aming mga kaibigan na maiyak-iyak din habang nanonood sa aming dalawa. "Tinatanggap mo ba ang alok ko, Alhea?" Napatingin ako muli ako kay Xander. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Walang pagsidlan ang aking kasiyahan. Lumuluha ang aking mga mata hindi dahil sa lungkot sa lungkot kundi dahil sa nangyayaring tagpo ngayon. Ito ang isa sa pinapangarap ng mga babae, ang alukin ng isang lalaki ng kasal, isang lalaking mahal mo, isang lalaking alam mong makakasama mo sa hirap o ginhawa, at isang lalaking bubuo ng iyong kwento. "Oo, Xander. Tinatanggap ko ang alok mo!" nakangiti at naluluha kong sagot sa kanya. Kinuha niya ang singsing na nasa kahon at isinuot ito sa aking palasinsingan. Tumayo siya sa aking harapan, nakangiti habang nakatitig sa akin. "Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya, Alhea," sambit niya sa akin. Hinawakan niya ang aking dalawang pisngi. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Ipinikit ko ang aking mga mata at ilang saglit pa, dumampi ang kanyang labi sa aking labi. Narinig kong nagpalakpakan ang mga taong nasa aming paligid. Naghiwalay kami sa paghahalikan at doon, lumapit ang aking mga kaibigan at masaya nila akong binati. "Ikaw ang unang magpapakasal sa atin, Alhea kaya dapat ay bongga ang magiging kasal mo!" sabi sa akin ni Jade, ang maituturing kong pinakamalapit kong kaibigan. "Syempre naman, Jade, hindi ako papayag na hindi engrande ang magiging kasal namin ni, Alhea!" sagot ni Xander sa sinabi ni Jade. "Congrats, Alhea! Masaya kami para sa inyo ni Xander! Akalain mo, ang tinitignan mo lang noon sa malayo ay magiging sa iyo na? Meron talagang swerte sa pag-ibig at ako, ito, nganga pa rin!" napangiti ako sa sinabi ni Glennie, isa rin siya sa aking kaibigan. "Hindi nga ako makapaniwala, Glennie pero sadyang nakatadhana lang kaming dalawa ni Xander. Sabi nga nila, hindi mo mapipigilan ang tadhana. Kung ano na ang nakasulat sa libro ng ating buhay, iyon ang masusunod at wala na tayong magagawa pa," sabi ko kay Glennie. " Masaya kaming makita kang masaya, Alhea, " napatingin ako kay Daddy at Mommy na nasa likod nina Jade at Glennie. Tumabi silang dalawa para makaharap ko ang aking mga magulang. Agad ko silang niyakap dahil sa saya na aking nararamdaman. "Hindi kami mag-aalala sa iyo, Alhea, dahil kilalang-kilala ko si Xander.” sabi ni daddy sa akin.  Napatingin ako kay Alexander dahil sa sinabi ni Daddy. Alam ko naman iyon dahil nakita ko kung gaano siya kabait.  “Maliban sa anak siya ng yumao kong kaibigan at mahigit apat na taon pa lang siya sa ating kompanya, nakita ko ang kanyang pagsusumikap sa kanyang trabaho, ang kanyang kabaitan at alam kong seryoso at mahal na mahal ka niya," dagdag na sambit ni Dad.  "Ngayon, kami naman ng Daddy mo ang mag-e-enjoy,” sabi naman ni Mommy at tumingin kay Daddy. “Alam mo naman, anak na matanda na kami kaya habang may oras pa kaming magkasama ay susulutin na namin,” nakangiting sabi ni Mommy sa akin.  “Alam kong handa ka na magkaroon ng pamilya kaya ang sasabihin ko na lang sa iyo ay maging malakas ka, mahalin mo ng buo ang taong nagpapasaya sa iyo at parati mong iingatan ang iyong sarili," nakangiting pagtatapos ni Mommy.  Nginitian ko sina Daddy at Mommy dahil sa sinabi nila sa akin. Matanda na sina Mommy at Daddy, seventy-five na si Daddy at seventy-three na si Mommy. Pero kahit na ganoon na ang edad nila, malakas pa naman sila at kaya pang pamunuan ni Daddy ang aming kompanya. May mga kasama naman siyang nagpapatakbo nito kaya naging maayos naman ang pagpapatakbo niya. Ipinagbuntis ako ni Mommy sa edad na fifty kaya sinasabi nilang menopausal baby ako. Swerte nga raw nina Mommy at Daddy noon kasi ang alam nila noon ay walang kakayahan si Mommy na magbuntis pero nagulat na lang sila nang mabuo ako. "Tiwala naman ako na mahahawakan ng mabuti ni Xander ang kompanya at magpapatuloy itong mamamayagpag," sabi ni Daddy habang nakatingin kay Xander na nasa aking tabi. "Huwag po kayong mag-aalala, Daddy at gagawin ko ang aking makakaya para kay Alhea at para sa kompanya. Hinding hindi ko po kayo bibiguin dahil kayo po ang tumulong sa amin ni Mommy noong mawala si Daddy," sabi ni Xander kay Daddy. Napangiti si Daddy dahil sa sinabi ni Xander. "Alam ko, Xander. Malaki ang tiwala ko sa iyo gaya ng ama mo," sabi ni daddy sa kanya. Nagpatuloy ang gabi. Sa akala kong simpleng date namin, naging isang napakahalagang gabi ito para sa akin. Marami ang lumapit sa akin at kay Xander para batiin sa pag-propose niya sa akin. Marami silang mga sinabi tulad na lang ng hiling nilang maging matiwasay ang aming pagsasama. Matapos ang pag-propose ni Xander sa akin, agad niyang inasikaso ang magiging kasal namin. Tinanong ko pa siya kung bakit nagmamadali siyang magpakasal at ang sinabi niya lang, "Hindi na ako makapaghintay na makasama kita, Alhea dahil mahal na mahal kita." Bawat araw ay hindi siya nagkulang sa akin. Kahit na engaged na kami, patuloy pa rin niya akong nililigawan, patuloy pa rin niya akong pinapakilig. Apat na taon ang agwat namin ni Xander, twenty-three na ako at siya ay twenty-seven pero kahit na ganoon, walang epekto ito sa aming pagsasama. Sabi nga nila, 'age dosn't matter' dahil kung mahal mo ang isang tao, hindi mo tinitignan ang edad. Hindi lang iyan dahil kung mahal mo, hindi mo rin tinitignan ang estado ng kanyang buhay, ang mga nakita mong maling ugali niya at kung ano ang itsura niya.  Swerte ko na lang siguro dahil gwapo ang aking kasintahan. Marami ngang nagsasabi na kamukha niya si Piolo Pascual na hindi ko sinang-ayunan dahil para sa akin, siya ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa.   Habang abala si Xander sa pag-aaral kung paano patakbuhin ang aming kompanya sa tulong ni daddy, abala rin ako sa pag-eensayo para maging ulirang asawa sa tulong ni mommy. Ang sabi ng mga magulang ko sa akin, hindi porket may kaya kami sa buhay ay wala na akong alam sa mga gawain tulad ng pagluluto. Sa totoo lang ay wala talaga akong alam sa pagluluto kaya pinagtuonan ko ito ng pansin para kapag kasal na kami ni Xander, ako ang magluluto sa kanya. Inaayos na rin namin ang aming kasal, mula sa mga invitations, sa mga guests, sa location ng kasal at kung ano-ano pa. Wala naman kaming naging problema sa pag-prepare ng kasal dahil maraming tumutulong na kaibigan para mapaganda ang araw na aming hinihintay. "Masarap ba?" tanong ko kay Xander habang nakaupo siya sa harap ng mesa. "Masarap naman pero hindi ganito ang luto ng kusinera niyo, Alhea," komento ni Xander. "Sa totoo lang, Xander, ako ang nagluto niyan. Kung hindi mo gusto, pwede tayong magpaluto kay Manang," nakayuko kong sambit sa kanya. "Hindi, Alhea. Masarap ang luto mo. Ito na yata ang pinakamasarap na natikman ko sa buong buhay ko," nakangiting sabi ni Xander sa akin. Napatingin ako sa kanya na nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik at umupo sa kanyang tabi. Sabay kaming kumaing dalawa. Wala sina mommy at daddy ngayon dahil may pinuntahan silang kasiyahan. "Kamusta naman ang training ni Dad sa iyo, Xander?" tanong ko habang kumakain kaming dalawa. "Ok lang naman. Mahirap pero kailangan kong pagbutihin para sa ating dalawa," sagot niya sa akin. "Kung napapagod ka, pwede kang magpahinga, Xander. Huwag mo masyadong pagurin nag sarili mo," sabi ko sa kanya. "Hindi ako mapapagod, Alhea dahil ito ang pinasok ko. Pag-aaralan ko ang lahat para magtagumpay ako," sabi niya sa akin na nakangisi. Nang matapos kaming kumain, nagpaalam siya sa akin na uuwi na siya. Hindi kasi siya dito sa bahay tumutuloy dahil ang sabi niya, saka lang kami magsasama sa iisang bubong kapag kasal na kami. Hindi ko alam kung bakit pero pwede na naman siyang tumira dito sa bahay dahil hindi magtatagal, magiging parte na siya ng pamilya namin. Dumaan ang mga araw at buwan, naging abala ang lahat dahil sa nalalapit na kasal naming dalawa ni Xander. Naghalong kaba at excitement ang aking nararamdaman habang papalapit ang araw na nakatakda. Binusisi naming mabuti ang bawat detalye ng aming kasal. Nag-attend din kami ng mga seminars kung ano ang magiging buhay mag-asawa, kung ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin. Naging maayos naman ang lahat hanggang sa sumapit ang araw na aking pinakahihintay, ang aming kasal. "Handa ka na ba Alhea?" tanong sa akin ni Mommy na nasa aking likod. Humarap ako sa kanya at lumapit sa kanyang kinatatayuan. "Handa na ako, mom. Handang handa na!" 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.6K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Broken Angel

read
4.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
188.1K
bc

Fight for my son's right

read
149.4K
bc

The Ex-wife

read
215.9K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
179.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook