" Sandali lang, Xander! " sigaw kong pagtawag sa kanya. Mabilis akong lumapit sa kanyang kinaroroonan habang hawak ko ang isang baunan na naglalaman ng kanyang agahan at pananghalian. " Pinagluto kita ng agahan at pananghalian mo, " nakangiti kong sambit habang ibinibigay ang baunan sa kanya. Tinignan niya lang ako at pagkatapos ay ibinaling niya ang kanyang mga mata sa baunan na nasa kanyang harapan. Napabuntong hininga lang siya at pagkatapos ay kinuha niya ito. Nginitian ko siya at inilapit ang aking mukha para sana halikan ang kanyang pisngi pero mabilis siyang umalis. Napailing na lang ako. Nang tumalikod ako ay nakita ko si Manang Carina na nakatingin sa akin ng seryoso. Ngumiti ako sa kanya para iparating na wala kaming problemang dalawa ni Xander. Naglakad ako palapit kay