After 6 years " Mamayang alas singko ng hapon ang dating ng pinadala ng AM Fashion, sir Alexander, " sabi ni Vincent kay Xander. Napatingin si Xander sa orasan na nakasabit sa kanyang opisina. Lagpas alas tres y' media pa lang ng hapon kaya meron pa siyang mahigit isang oras bago dumating ang designer na ipinadala ng AM Fashion. Ang AM Fashion ay ang nangunguna sa Europa pagdating sa fashion industry sa loob ng tatlong taon. Ito ay isa lang sangay ng Alejandro Group of Companies na isa sa nangungunang kumpanya sa Europa. Ang lahat na inilalabas nilang mga disenyo ng damit ay naging patok sa panlasa ng iba't ibang lahi sa Europa tulad na lang ng mga Italians at French. " May nakuha na ba kayong impormasyon kung sino ang ipinadala ng AM? " tanong ni Xander kay Vincent. Halos isang