" Na-process mo na ba ang lahat? " tanong ko sa lalaking nasa aking tabi. " Oo, mamayang tanghali ay kukunin na ito ng tao ko, " sagot niya sa akin. Napabuntong hininga na ako dahil sa kanyang sinabi. Kumuha siya ng isang upuan para maupo sa aking tabi. " Bakit mo ito ginagawa? Niloko ka ba ng asawa mo? " tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya, " Hindi lang panloloko ang ginawa niya sa akin! Pinatay niya ang aking mga magulang at pinagtangkaan niya rin akong patayin! " may galit kong sagot sa kanya. " Kaya ngayon, gusto mong maghiganti sa kanya, ganoon ba? " tanong pa niya. " Kung ikaw ang gagawan ng ganoon, na muntik mo nang makaharap si Kamatayan, ano ang mararamdaman mo? " sagot kong tanong sa kanya. Tumitig lang siya sa akin. Alam ko na alam niya ang gusto kong iparating. " Ba