Mia
"AY! KAMBING! KABAYO! KALABAW! NUNO SA PUNSO! ASWANG! PANIKI! ANDREI! BWISIT KA! IPAPAKULAM KITA SA TIKBALANG NA WALANG BUNTOT!" Napasapo ako sa dibdib ko at hiningal ng sobra dahil sa gulat nang bigla na lamang humampas pabukas ang pinto ng apartment ko at bumagsak sa harapan ko ang isang kaldero!
Kaldero ko na inihagis ko sa labas kaninang umaga!
Pumasok ang anak ng tyonggo na napakadilim pa rin ng anyo at matalim ang mga mata habang nakatitig sa akin.
Kasalukuyan akong naririto sa harapan ng lababo dahil inaayos ko ang pagkakasalansan ng mga pinamili kong grocery sa cabinet at naihagis ko ang ilang de lata sa sahig!
"Sira-ulo ka ba?! Bahay mo ba ito para dito ka pumasok?! At anong karapatan mong gulatin ako?! Paano kung inatake ako sa puso? Hinding-hindi ko talaga patatahimikin 'yang kaluluwa mo kapag namatay ako! Pipisain ko 'yang mga itlog mo at ipiprito ko! Akala mo, nakakatuwa ka pa!" paninigaw ko sa kanya ngunit ang anak ng tipaklong, mukhang hindi epektibo sa kanya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad palapit sa akin na walang kakurap-kurap ang mga mata.
"Hoy! Binabalaan kita! Huwag kang lalapit! Papatayin talaga kita!" Mabilis akong dumampot ng sandok at itinutok ko sa kanya dahil nakaramdam na ako ng kaba at dahan-dahan na ring umaatras ang mga paa ko palayo sa kanya.
Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa paglapit sa akin at hindi man lang nagsasalita!
"Andrei, teka lang! Hindi pa ako handa! Huwag muna ngayon! P'wede bukas na o sa makalawa?! Maliligo pa ako eh, kaso may lagnat pa ako." Hinanap ng paningin ko ang whitening cream na binili ko kanina. Hindi ko pa nga nagagamit 'yon! Hindi ko alam kung epektibo ba 'yon. Baka mag-zonrox na lang talaga ako kapag hindi 'yon gumana sa akin!
Ngunit hindi pa rin siya tumigil sa paglapit sa akin. Gumagalaw ang panga niya at ugat niya sa sentido at hindi mapuknat-puknat ang pagkakatitig niya sa akin! Pansin kong parang namumungay ang mga mata niya.
Nagpatuloy pa rin naman ako sa pag-atras hanggang sa lumapat na ang likod ko sa malamig na pader. Kaya naman mas lalo akong kinabahan at nataranta.
"Hoy, Andrei! Naririnig mo ba ako?! J-Joke lang naman 'yong kanina. Hindi ko naman talaga honey 'yon si Zayn. Gumaganti lang ako sa iyo, letse ka! Babasagin ko pa 'yang mukha mo dahil hindi mo ako pinansin kanina at may pahawak-hawak ka pa at papisil-pisil sa baywang ng haliparot na babae na 'yon! Pasalamat siya at nasa trabaho ako kanina kundi ingungudngod ko kayong dalawa sa kalsada! Mas sexy naman ako at mas maganda do'n! Ang liit-liit nga no'n, mas matangkad pa ako! Isang pitik ko lang do'n, talsik 'yon sa Mars!"
Napansin ko naman ang bigla niyang pagngisi. Hayop!
"So, you're jealous?"
Bigla akong napahinto sa tanong niyang 'yon. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at hinawi ang kamay kong may hawak sa sandok. Walang pag-aalinlangan niyang hinawakan ang magkabila kong baywang at marahang pinisil.
Para naman akong nakukuryente sa init na hatid ng mga kamay niya sa baywang ko lalo pa't isang manipis na pantulog lang naman ang suot ko ngayon.
Lumapit din ang mukha niya sa akin kaya naman ngayon ay nalalanghap ko na ang pinaghalong bango ng cologne at alak sa kanya. Nag-inom pala siya? Kaya pala parang namumungay ang mga mata niya.
"Tell me. Why does he have to touch you? And you're flirting with him too. Ang bait mo talaga, honey. Sige, ihatid mo na lang ako blah, blah, blah."
Muntik na akong mapahagalpak nang tawa nang bigla niyang ginaya kung paano ako nagsalita kanina kay Zayn. Ngunit mahigpit kong pinigilan ang sarili ko. Nagmukha kasi siyang malanding banding.
"Oh, eh ano naman ngayon?! Mabuti pa nga siya, hinatid ako at siniguro niyang safe ang pag-uwi ko! Hindi ako aabutin ng ilang oras sa paghihintay sa hangin sa mall na 'yon! Walang mga lalaking mambabastos sa akin sa daan at hindi ako aabutan ng ulan! 'Di gaya ng isa d'yan! Ipasundo ba naman ako sa ibang mga lalaki. Malay ko ba kung masasamang tao naman ang mga 'yon! Kung saang kalye lang pinulot at mga adik naman pala at may balak na reypin ako sa daan. Nagkukunwari lang mga anghel, 'yon pala mga demonyo gaya ng amo nilang pangit!"
Napapikit siya nang mariin sa harapan ko. Pansin kong tumalsik pa ang ilang butil ng laway ko sa mukha niya pero wala akong pakialam! Mabuti na lang bagong toothbrush ako dahil katatapos ko lang kumain.
"Are you done?" tanong niya habang taimtim na muling nakatitig sa aking mga mata.
"Tapos na kaya umalis ka na d'yan kung ayaw mong ihampas ko sa iyo itong sandok!"
Muli kong itinaas ang kamay kong may hawak sa sandok ngunit mabilis niyang nakuha ito at inihagis sa sahig.
"Andrei, sandali! Ibaba mo 'ko!" Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong binuhat at muli na naman niya akong isinampay sa balikat niya.
Nahilo ako at umikot bigla ang mundo ko!
"Did you know you just f*****g wasted my gas and my time waiting for you there?" dinig kong tanong niya na ikinahinto ko.
"Hoy! Hindi ko sinabing sunduin mo ako at maghintay ka doon! At ako pa ngayon ang may kasalanan?! Ikaw nga itong babaero! Malandi! Playboy! Hindi naman gwapo! Ang baho pa, amoy panis na lugaw! Teka, sandaliii!!!" Napahawak akong bigla nang mahigpit sa gilid ng pinto nang tangka niya akong ipasok sa kwarto ko.
Ngunit dahil sa lakas niya ay dumulas lamang ang kamay ko at napabitaw din doon.
"Andrei, sandali! Rereypin mo na ba ako?! Huwag ngayon! Sa sunod na linggo na! Hindi pa ako ready!" Nagpapasag ako at pinagsusuntok ko ang maumbok niyang puwet! Dinaig pa ang p'wet ko!
"You have to pay for what I wasted earlier."
"Babayaran kita, pero huwag ngayon! Ah! Hayop ka talaga!" muli akong napahiyaw nang bigla niya akong ibinagsak sa kama ko! Mabuti na lang at makapal ang foam ko kaya hindi masyadong masakit sa likod!
Mabilis niyang hinubad ang suot niyang t-shirt sa harapan ko kaya naman halos matulala ako nang bumalandra na sa paningin ko ang mapipintog niyang mga masel sa braso at dibdib, gayon din ang bako-bako niyang tiyan!
Hindi kaagad ako nakapagsalita at tila nanuyong bigla ang lalamunan ko sa napakagandang tanawing iyon.
Hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa ibabaw ko na siya at mabilis na niyang naililis paitaas ang suot kong dress.
"A-Andrei!" Napahawak ako sa mga braso niya ngunit tila nawalan ako ng lakas na pigilan siya nang sinimulan niyang hagkan ang sikmura ko paibaba sa tiyan ko.
Nanigas ako at hindi kaagad nakakilos habang nararamdaman ko ang mainit niyang labi na lumalapat sa balat ko. Kakaibang kiliti at sensasyon ang unti-unting gumagapang sa katawan ko, na ngayon ko lamang naramdaman sa tanan ng buhay ko at tila nahihirapan akong pigilan ito.
Para akong napapaso.
"A-Andrei..." Naging mahina at tila halinghing ang namutawi sa aking bibig.
Naramdaman ko ang paggapang ng mga labi niya patungo sa puson ko hanggang sa umabot na ito sa garter ng panty ko, na tanging suot ko ngayon.
Ang mga kamay niya ay kasalukuyang humahaplos din sa mga hita ko paitaas hanggang sa namalayan ko itong nasa garter na ng panty ko.
Bigla akong natigilan nang may maalala ako.
"S-Sandali!" Kaagad kong hinawakan ang baba niya at inilayo mula doon! Mahigpit na nakatupi ang mga hita ko sa harapan niya.
Tumingala naman siya sa akin at tumingin nang may pagtatanong. Nandoon pa rin ang pamumungay ng mga mata niya.
"Ahm, p-patayin mo na lang 'yong i-ilaw. S-Sige na, please."
Ilang segundo siyang napatitig sa akin bago sumilay ang pilyo niyang ngiti sa mga labi niya. Kaya naman mas lalo akong tinamaan ng hiya.
"But I prefer to see all the corners of your body as I kiss them."
"H-Ha?" Namilog namang bigla ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. "H-Hindi! Huwag na lang kung ayaw mo!"
Tangka ko siyang itutulak nang mahagip niya ang mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit sa magkabila kong tabi.
"Andrei, patayin mo na lang 'yong ilaw! Sisipain talaga kita! Hindi ka sasantuhin ng mga paa ko!"
"Ano bang itinatago mo?"
"Wala! Basta patayin mo 'yong ilaw."
Tinitigan niya ako ng makahulugan.
"Don't move," pautos niyang sabi.
"H-Hindi."
Binitawan na rin niya ang mga kamay ko at saka siya bumangon ngunit ang mga mata niya ay hindi niya iniaalis sa akin at tila may pagbabanta ito.
Bumaba siya ng kama at lumapit sa switch ng ilaw na nasa tabi ng pinto. Kaagad niya itong ini-off kaya naman biglang dumilim ang paligid.
May sinag pa rin naman ng ilaw na nagmumula sa labas dahil nakabukas lang ang pinto ng sala. Pero sapat na ang dilim dito sa loob para hindi niya makita ang balat ko.
Huminga ako ng malalim nang muli siyang bumalik sa akin at muling nagtungo sa ibabaw ko. Ramdam ko ang bigat niya at muli kong nasamyo ang pinaghalong bango niya at alak sa katawan niya.
Ngayon ako tinamaan ng kakaibang kaba. Ramdam ko ang pagdagundong ng dibdib ko.
Totoo na ba talaga ito? Hindi ba ako nananaginip? May mangyayari na ba sa amin ngayon? Kukunin na niya ang pinakamamahal kong birhen! God!