Mia "A-Andrei, h-huwag masyadong hard, ha. V-Virgin pa ako!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi ko mapigilang mautal sa kabang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at kahit may kadiliman ay naaninag ko pa rin ang paglitaw ng mapuputi niyang mga ngipin. Hindi siya sumagot bagkus ay hinawakan niya ang batok ko at sinimulan niyang lamukusin ng halik ang mga labi ko. Mas lalo kong napatunayang nakainom siya nang malasahan ko ang alak sa bibig niya. Wala akong mahanap na pagtutol sa sarili ko. Napakainit ng mga halik niya at mga haplos niya sa balat ko. Nakakapaso, nakakadarang. Kahit hindi ko alam kung paano ang humalik ay nagawa ko ring pagalawin ang mga labi ko at gayahin ang ginagawa niya. Ramdam ko naman ang mas lalong paghigpit nang pagkakahawa