Mia
"ALIVER, whitening cream. VC, whitening cream. Celeteque. The Ordinary. Ordinary? Nakakaputi ba ng singit ang ordinary? Di pa ginawang special. Baka mas lalo umitim ang singit ko dito." Inis kong ibinalik sa shelf ang cream na ang pangalan ay The Ordinary.
Naririto ako ngayon sa Supermarket, sa toiletries section upang maghanap ng mga pampaputi ng singit!
Nakakainis! Kasalanan kasi ito ng regla eh. Bakit ba kasi nireregla pa ang mga babae? Malaking sagabal lang sa trabaho ko! Tapos ang kati-kati pa ng mga napkin kaya nai-iritate ang maselan kong skin. Hmp!
"Alin ba dito ang kukunin ko na effective sa loob ng isang araw lang? Baka kasi mamaya, reypin na niya ako. Sana sinabi man lang muna niya kung anong araw. Bigyan niya ako ng palugit para makapagpaputi muna ako, no!"
Napahinto ako sa pagpili sa shelf nang makarinig ako ng mga mahihinang tawanan sa malapit sa akin. Napalingon ako sa kanan at may ilang mga kababaihan doon ang nagbubulungan at nagtatawanan habang tumitingin sa akin.
Tinaasan ko sila ng kilay bago ako lumapit sa kanila.
"Ano pong nakakatawa? Gusto niyo rin po ba ng pampaputi?" nakangiti kong tanong sa kanila kahit alam kong plastic 'yon.
"Never mind. Nakita mo naman na ang puputi na namin at makikinis," nakangiti ding sagot sa akin ng isa sa kanila pero mga mukha silang aso sa paningin ko.
"Gusto mo ba ng epektibong pampa-puti? Mag-zonrox ka, gurl," sagot din ng isa pa sa kanila kasunod ang malakas nilang halakhakan.
Napalinga ako sa paligid at nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga customer na naririto sa malapit sa amin.
Muli ko silang binalingan at nginitian ng pagkatamis-tamis.
"Hindi ko na kailangan pang mag-zonrox, gurl." Ginaya ko kung paano nagsalita ang babaeng nasa harapan ko. "Kahit hindi ako kaputian, alam kong malinis ako at mabango. May isang napakagwapong lalaking nababaliw sa akin. Mas okay siguro kung ikaw ang uminom ng zonrox o ng muriatic, para naman luminis 'yang mga bituka mong nangingitim na at nabubulok. Ang sangsang, gurl. Lumalabas d'yan sa hininga mo."
Nagpispis ako ng hangin sa mukha ko kasabay nang pagngiwi ko na animo'y nakalanghap ng nabubulok na amoy.
"Anong sinabi mo?!" Nanlalaki naman ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Inilagay niya ang kamay niya sa bibig niya at inamoy ang sarili niyang hininga.
"Ang baho nga, best," sabi ng katabi niyang babae kasabay nang pagpispis din niya ng hangin sa mukha niya.
Ako naman ngayon ang napahalakhak ng malakas.
"See?" sarkastiko kong sambit sa kanya bago ako dumampot ng kahit ano na lamang na whitening cream at inilagay ko sa push cart ko.
Inirapan ko sila bago ko sila tinalikuran ngunit bigla naman akong nabangga sa isang malapad na dibdib sa aking harapan.
"Hindi pa tayo tapos, babae!" nadinig kong sigaw ng babae sa likuran ko.
"Hey!" Ngunit mabilis akong niyakap ng lalaking nakilala kong si Zayn at inilayo mula sa kanila.
"Oh, my God. Ang gwapo!"
"Ang cute!"
"Gurl, 'yong panty ko! 'Yong panty ko, hawakan mo!"
Biglang nagtilian ang mga haliparot na babae.
Sinamantala ko naman ang pagkakataong 'yon at mas lalo ko pang niyakap si Zayn at tinaasan silang lahat ng magaganda kong mga kilay.
"What are you doing, girls? Can you all leave her and do your own business?" tanong ni Zayn sa kanila at bakas ang kaseryosohan sa tinig niya.
Hindi ko na naman tuloy mapigilang humanga sa kanya dahil sa accent niya sa pananalita ng english, bukod sa napakagwapo naman talaga niya. Hindi maipagkakailang anak siya ng ibang lahi.
"K-Kasi, g-gusto lang naman naming makipagkaibigan sa kanya."
"Oo, tama-tama!"
"Ang kyut-kyut niya kasi eh at ikaw din! Anong pangalan mo? Ako nga pala si Aida."
"Ako naman si Lorna!"
"At ako naman si Fe! Anong pangalan mo?!"
Hindi sila magkaintindihan sa pagpapakilala kay Zayn at para silang mga kiti-kiti na hindi rin magkaintidihan sa pagpapa-cute, na hindi naman mga cute! Pero teka, Aida, Lorna, Fe? Parang narinig ko na sila dati, ah. Saan nga ba?
"I'm sorry, I'm not interested. Just leave my girl alone," sagot naman sa kanila ni Zayn na ikinamilog ng mga mata ko.
A-Anong sabi niya? M-My girl? A-Ako, g-girl niya?
Oh, my Lord. Oh, my Lord! Oh, my Lord! Parang gusto ko na yatang mamatay! Lord! Pero isama niyo siya! Ayokong maiwan siya dito sa lupa at matikman ng iba! Huhuhu!
"C'mon." Kinabig na niya ako at hinila palayo sa mga babaeng napatulala na lamang at hindi na nakasagot sa kanya. Siya na ang nagtulak ng push cart ko na may lamang ilang mga noodles, de lata, itlog, mga sabon at kung ano-ano pa. Kasama na rin ang pampakinis at pamputi ko ng mga singit.
Pero siguro, hindi ko na kakailanganin ang mga 'yan ngayon. Mukhang dininig ng Diyos ang sinabi ko kanina na may lalaking nababaliw sa akin ng sobra! At kasama ko siya ngayon! Huhuhu! Parang gusto ko nang magpa-pyesta ngayon.
"P'wede ka na sigurong bumitaw. They're all gone."
"H-Ha?" Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya.
Natawa naman siya kasabay nang panggugulo niya sa napaka-ayos kong buhok.
"Napakamaldita mo kasi kaya ka nalalapitan ng gulo."
Luminga ako sa likuran namin at hinanap ang mga babaeng naka-ingkwentro ko kanina. Wala na nga sila.
"P-Pero baka nand'yan pa sila eh," sagot ko naman nang hindi pa rin kumakalas mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Wala na, okay. Baka masanay ka na niyan."
"Huh?" Napakamot ako sa ulo ko at bumitaw na rin sa kanya. "Oo na nga. Nilalamig lang kasi ako eh," pagdadahilan ko.
"You have a sweater. Wear it."
"Ha?"
Napansin kong nakatingin siya sa bag ko. Napababa din ang paningin ko at doon ko nakitang nakasampay ang sweater ko sa bag ko na isinuot ko kaninang umaga sa pagpasok sa trabaho.
"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Hehe."
Kaagad ko na lang itong kinuha at isinuot. Pumila na rin kami sa cashier counter.
"Bakit nga pala hindi ka pumasok kanina at anong ginagawa mo dito?"
"A-Aaah, m-may binili lang din." Napansin ko ang biglang pagliko sa ibang direksiyon ng mga mata niya.
"Nasaan ang binili mo?" Wala naman siyang dala na kahit ano. Nakasuot siya ng itim na jacket. Wala rin naman siyang dalang bag.
"It's in my jacket pocket."
"Ano 'yon? Patingin."
"Huwag na." Kaagad siyang lumayo nang tinangka kong hawakan ang suot niyang jacket.
Binigyan ko siya nang mapagdudang tingin.
"G-Gamot lang ni bunso. May sipon eh."
"Sigurado ka?"
"Yeah."
"Eh, bakit parang tinatago mo pa?"
"Hindi ko naman tinatago. You're next." Isinenyas niya sa akin ang counter kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok doon nang makita kong tapos na ang nasa unahan ko.
Tinulungan naman ako ni Zayn na ipatong sa counter ang mga grocery ko.
"Kumusta si Chelle? 'Di ba, dinala mo siya sa hospital kahapon? Ano, magaling na ba siya? Bakit daw siya nilagnat?"
"She's okay now. I took her to her apartment. She's just resting."
Kaagad akong napalingon sa kanya. Muli naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Apartment niya? Nakarating ka na agad doon?" Samantalang sa apartment ko, hindi pa siya nakakarating!
"Aaah, w-wala naman din kasing maghahatid na iba sa kanya. Nag-iisa lang daw siya dito sa Manila."
"Talaga lang ha?" Baka naman araw-araw na siyang magtungo doon, gayong alam na niyang nag-iisa lang doon ang babaeng 'yon. Oh, baka naman nananadya talaga ang babaeng 'yon para maakit niya ang Zayn ko!
PAGKATAPOS namin sa counter ay sabay na rin kaming lumabas ng Supermarket. Siya ang may bitbit ng mga pinamili ko at nakakapit naman ang kamay ko sa braso niya. Para lang kaming mag-jowa. Oha!
"Ihahatid na kita para hindi ka na mahirapan sa pag-commute," aniya matapos naming makalabas ng mall.
Ang sweet naman talaga!
"Naku, huwag na. Maaga pa naman," kunwa'y tanggi ko. S'yempre, pakipot naman muna ako ng kaunti, 'di ba?
"Alas otso na." Tumingin siya sa kanyang pambisig na orasan.
"Kaya ko pa nama--" Ngunit bigla akong napahinto nang mabungaran namin si Andrei sa gilid ng kalsada at may napakadilim na anyo habang nakatanaw sa amin. Sakay siya ng kanyang motorsiklo at mukhang may hinihintay.
Bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko. Napakatalim ng mga mata niya habang nakatitig sa akin at para siyang mangangain ng tao.
Pero teka, bigla kong naalala 'yong babaeng kasama niya kanina at ang hindi niya pamamansin sa akin! Hmp! Akala ba niya, siya lang? Pasalamat siya dahil naririto si Zayn, exempted ang oras na ito para mapasabog ko 'yang nakakainis niyang pagmumukha!
"Ang bait mo talaga, honey. Sige, ihatid mo na lang ako," napakalambing kong sabi kay Zayn na may kasamang napakatamis na ngiti sa kanya.
"W-What?" Kaagad naman siyang napabaling sa akin na may namimilog na mga mata.
"Sumakay ka na lang," mariin ko namang bulong sa kanya habang sa gilid ng mga mata ko ay tinitingnan ko ang magiging reaksyon ni Andrei.
Nakita kong bumaba siya ng motorsiklo niya.
"Oh, okay?" sagot din naman si Zayn. Kaagad din siyang ngumiti habang pansin kong tumitingin ang mga mata niya sa paligid ng pa-simple.
Nagdiwang ang kaloob-looban ko, lalo na nang umakbay siya sa akin. Hindi ko napigilang mapakagat-labi at inirapan si Andrei nang mapadaan na kami sa tapat niya.
Napansin ko ang mas lalong pagtalim ng mga mata niya at paggalaw ng panga niya habang nakatitig sa amin. Pero neknek niya! Hindi ako natatakot sa kanya!
Hmp! Akala mo, ikaw lang ang marunong? Mabulok ka sana d'yan!