Mia
Malakas ko siyang sinampal.
"What the f**k was that for?!" tila 'di makapaniwala niyang tanong habang sapo niya ang namumula niyang pisngi.
Hindi ako sumagot at pinagtutulak ko na lamang siya sa dibdib. Tinanggal ko ang nakabalot na kumot sa akin at pinagsisipa ko siya upang malayo siya sa akin at wala na akong pakialam kung saang parte ng katawan niya pa dumapo ang mga paa ko!
"What the hell? Hey! Hey! Hey! Stop it!" Iniharang naman niya ang mga braso niya mula sa pag-atake ko.
B'wisit kang t'yonggo ka! Lumayo ka sa 'kin! Papatayin kita!
Tanging sa utak ko lang siya nagawang sigawan dahil naka-ikom ng mahigpit ang bibig ko.
"Mia! What the f**k?!"
Ngunit saglit akong natigilan nang mapansin ko ang braso niyang nababalutan ng makapal na gasa at may nakikita ako ditong pulang mantsa. Tinamaan ito ng paa ko kaya't mas lalong kumapal ang tila dugong mantsa.
Dugo?!
Sinalo niya ang dalawa kong paa at hinawakan ng mahigpit.
Hinayaan ko na ang napansin ko, wala akong pakialam! Muntik na rin akong mamatay kagabi! Sinubukan ko siyang suntuking muli ngunit sinalo rin ng isa pa niyang kamay ang dalawa kong palapulsuhan.
"Andrei!" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at walang alinlangan niya akong binuhat.
Nanlaki ang mga mata ko nang isampay niya ako sa batok niya habang hawak niya pa rin ang mga kamay ko at paa! Naipit ang tiyan ko at nakaramdam ako ng pagkahilo.
"Andrei, ibaba mo 'kong hayop ka! Papatayin talaga kita! Bitawan mo 'ko! B'wisit kang manyakis ka! Magnanakaw ng halik!" Nagpapasag ako mula sa batok niya kahit wala naman akong magawa sa lakas niya. Ngunit hindi niya rin ako binitawan.
Naglakad siya at lumabas ng silid.
Nakalanghap naman ako ng mabangong pagkain sa labas kaya naman mas lalong nanakit ang tiyan ko at nakaramdam akong bigla ng gutom.
"Andrei, ano ba?! Ang lakas din naman ng loob mong magpakita sa 'kin ngayon, matapos mo 'kong ind'yanin kagabi! Pinabayaan mo 'kong lumusob sa malakas na ulan! Muntik na akong ma-rape ng singkwentang manyakis sa daan! Halos malunod ako sa ulan! Halos madurog ang eardrum ko sa lakas ng kulog! Pinicturan ako ng kidlat kaya halos mangisay ako sa dili--AY! HAYOP KA TALAGA!" Ibinagsak niya ako sa sofa at kaagad kinubabawan.
Ramdam ko ang bigat niya sa katawan ko. Mabilis niyang pinaglubid ang mga binti at paa namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung paano niya ginawa ngunit hindi ko na ito maikilos pa!
Kasabay niyon ay ang pag-pin niya sa mga kamay ko sa ulunan. Mabilis ko namang naitikom ang bibig ko nang tinangka niya akong halikan kasabay nang pagsara ng mga mata ko at walang nagawa kundi ang umungol.
Ngunit lumipas na ang ilang minutong nasa ganoon lang kaming posisyon ngunit wala akong naramdamang mga labi na lumapat sa mga labi ko.
Fuck! Na-disappoint ba ako? Hell, no!
Iminulat ko ang isa kong mata at sinilip siya. At natigilan ako nang makita ko siyang titig na titig sa akin ngunit wala akong mabasang anumang emosyon mula sa kanya.
May naramdaman akong munting kirot sa dibdib ko kasabay nang panghihina ko. Kaagad kong ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko? Naninikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.
"I'm sorry, may pinuntahan lang," mahina niyang sambit.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko hanggang sa tuluyan na niya itong binitawan at umalis mula sa ibabaw ko.
Muli akong napatingin sa braso niyang nababalutan ng benda na ngayon ay puno na ng dugo.
"Saan ka nagpunta? Nakipag-away ka ba?! Saan mo nakuha 'yan?! Basagulero ka talaga, kahit kelan! 'Yan ang nangyayari sa mga siga-sigaan. Akala mo kung sino! Akala mo, kayang lahat. Wala namang binatbat!"
Hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy na siyang tumayo at umalis. Aba't?
"Andrei, kinakausap pa kita! Sagutin mo 'ko!" Mabilis akong bumangon at tumayo ngunit muli akong nakaramdam ng pagkahilo. Napasapo ako sa ulo ko at muli na lamang umupo.
Ang akala ko ay lalabas na siya ng unit ko pero nagtungo lang siya sa mesa at binuksan ang mga platong may takip doon. Inilagay niya ang mga ito sa isang tray at muling lumapit sa akin.
Napatitig ako sa benda niya sa brasong maraming dugo.
"D-Doon 'yong panggamot sa drawer. Kunin mo." Itinuro ko ang cabinet sa itaas ng lababo. Kahit inis ako sa kanya ay nag-alala pa rin ako sa sugat niya. Saan ba niya nakuha 'yan?
"Don't worry about it. Eat up." Kinuha niya ang isang mangkok at inilapit sa akin. Nakita kong arozz caldo ang laman niyon at ang bango-bango.
"Anong don't worry, don't worry?! Huwag mo 'kong ini-english-english d'yan, Andrei! Kunin mo 'yong gamot do'n!" muli kong sigaw sa kanya.
Napanganga naman siya sa akin. Kaagad niyang ibinalik sa mesa ang mangkok at mabilis nagtungo sa itinuro kong drawer. Kakamot-kamot pa siya sa ulo niya.
"At saka hindi ako nag-aalala sa 'yo, no! Baka nakakalimutan mong hindi ka rin nag-alala sa akin kagabi! Pinabayaan mo 'ko kagabi at muntik na akong mamatay! Singkwenta ka-tao ang muntik ng mang-rape sa 'kin kagabi!"
Hindi siya sumagot hanggang sa makabalik siyang muli sa akin.
"At hindi mo ba ako tatanungin kung anong oras ako naka-uwi kagabi?! S'yempre hindi! Bakit mo naman ako tatanungin eh hindi mo naman ako kaano-ano? Lalong hindi mo naman ako girlfri--hmmmp!" Natigilan ako nang lamukusin na nga niyang bigla ng halik ang mga labi ko.
"Andre--hmp!" Binitawan niya ako ngunit muli lang din siyang bumalik sa akin. And this time ay hawak na niya ang batok ko at nagpupumilit nang makapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Wala akong nagawa sa lakas niya nang ihiga niya ako at muli siyang kumubabaw sa akin. Oh, baka talaga lang nakakapanghina ang ginagawa niyang ito sa akin.
Hindi ako nakapalag. Hindi ko nagawang lumaban. Hinayaan ko siyang damhin at angkinin ang mga labi ko.
Huli na bago ko namalayang madilim na ang paligid dahil sa mariing pagkakapikit ng mga mata ko at sumusunod na sa bawat galaw niya ang mga labi ko.
Tila sumama sa hangin ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya at tinangay itong papalayo.
"Masarap ba? What if you brush your teeth first? Nangangamoy ka eh."
Ngunit tila ipo-ipo din itong nagbalik bigla sa dibdib ko sa narinig kong bulong niya sa mukha ko. Naimulat kong bigla ang mga mata ko at ubod-lakas siyang itinulak.
"Aw!" daing niya nang malaglag naman siya sa sahig.
"B'wisit ka! Ang kapal ng mukha mo!" Ramdam ko ang paggapang ng init sa mukha ko at pakiramdam ko ay nangangapal na ito ngayon. Siguro ay mukha na itong bulkan na malapit ng sumabog.
Kaagad akong tumayo at tangka na sanang tatakbo patungo sa banyo ngunit muli akong nakaramdam ng pagkahilo at nawalan ng balanse.
"Mia!"
Bumagsak ako ngunit naramdaman ko naman ang mabilis na pagsambot sa akin ni Andrei.
"Bitiwan mo 'ko!" Itinulak ko siya ngunit ramdam ko ang panghihina ng mga braso ko.
Lumuwag naman bigla ang pagkakayakap niya sa akin. Aba't, bibitawan niya talaga ako?!
"Sira-ulo ka talaga!" Muli ko siyang hinampas sa dibdib kahit alam kong wala naman akong magagawa dahil hinang-hina ako.
Ngunit ang hinayupak, ngumiti pa ng nakakaloko!
"You said it at masunurin lang ako."
"Masunurin?! Nalobat na ang phone ko sa katatawag sa iyo kagabi pero hindi mo ako sinagot!"
"The fifty people you said almost raped you last night ay hindi masasamang tao. I ordered them to take you home safely but you refused them all."
Napahinto naman ako sa sinabi niya.
Huh? Inutusan niya?
"And to get this thing right, they're not fifty. Sampo lang sila, huwag kang OA."
Eh? Sampo lang?
So, inutusan niya talaga ang mga taong 'yon? Maniwala. Bakit niya naman gagawin 'yon? Tsk. Kalokohan niya! Hinding-hindi niya ako maloloko!