CHAPTER 3: Morning Kiss

1167 Words
Mia "ANDREI, BUKSAN MO 'TO! B'WISIT KA TALAGANG LALAKI KA! ISA KANG DAKILANG PAASAAAA! AAAAHHH!! B'WISIT!" Gigil na gigil kong pinagsusuntok ang pinto ng mansion ni Ghian na nasa tabi lang naman ng pinto ng room ko kung saan dating nakatira din si Kisma. "HUWAG NA HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA SA AKING HAYOP KA! LUMAYAS KA NA DITO! KUNG HINDI GIGILITAN KITA NG LEEG! MAGPAKATANDANG BINATA KA NA LANG HANGGANG SA KUMUNAT KANG BWISIT KANG ANAK KA NG TINAPA! AKALA MO NAMAN ANG POGI MO! KAMUKHA MO 'YONG GORILYA SA ZOO! DOON KA NABABAGAY AT HINDI DITO!" Muli kong tinadyakan ng malakas ang pinto bago ko tinigilan ngunit ni kaluskos mula sa loob ay wala man lang akong narinig o naramdaman! Halos mapaos na ako mula sa kanina ko pang kasisigaw dito sa labas ng pinto! Pero ang walang-hiya! Isang napakalaking MANHID na nga, BINGI pa! Kanina pa rin ako tinatanaw dito sa third floor hallway ng ilang mga tao sa kalapit-bahayan at ingay ng mga aso sa labas. Nagbuhay din ng mga ilaw ang ilan at sumilip sa kani-kanilang mga bintana. Malamang, sino ba ang hindi magigising sa ganitong dis-oras ng gabi at sa napakalakas kong bunganga dahil hating-gabi na nga nang ako ay makauwi! Dahil sa kahihintay tumila ng lintik na ulan na ito na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tumitigil! At sa kaka-dial sa cellphone number ni Andrei na wala namang nangyari! Na-lowbat na lang at lahat ang phone ko ay wala man lang demonyong sumagot! Bakit may pa-cellphone-cellphone pa siyang nalalaman eh wala naman palang kwenta! Ano 'yon, display lang?! Eh, palagi pa nga siyang nakasuot ng b'wisit niyang headset sa tuwing umuuwi dito kaya imposibleng hindi niya 'yon naririnig! Pero wala akong pakialam! Kahit ipa-deport pa nila ako sa ibang planeta! Umuwi ako ng basang-basa! Hindi naman p'wedeng abutin na lang ako ng umaga sa mall, no! Haler! Tapos ni wala man lang naawang magpahiram ng payong sa akin doon! Meron naman, mga lalaki nga lang na mukhang mga unggoy, manyakis at rapist! Mamaya niyan kung saang liblib pa nila ako dalhin, no! Sayang naman ang iniingatan kong birhen kung sa mga mukhang k'wago lang mapupunta! "Hatsuw!!" bigla akong napabahing. Oh my God! Huwag naman sana itong tumuloy no! Wala si Charisma! Walang mag-aalaga sa akin! Haayst! Na-miss ko tuloy 'yong babaeng 'yon. Ngayon, mag-isa na lang talaga ako. Nag-asawa na siya. Iniwan na rin niya ako! Gano'n naman talaga, walang nag-i-stay! Iiwan at iiwan ka rin! "Hatsuw!! Argh!" Napapadyak ako sa sahig dahil sa inis at kalungkutan na nararamdaman ko ngayon! Napayakap ako sa sarili ko nang makaramdam ako ng panlalamig. Pinili ko na lang na pumasok sa loob ng apartment ko. Ngunit bago iyon ay muli akong sumulyap sa pinto ng mansion ni Ghian. Napahinga na lang ako ng malalim nang wala talagang nabago doon na kahit kaunti. Pumasok na lang ako sa loob at naligo sa banyo kahit kakaiba na ang nararamdaman ko sa katawan. Mainit na ang leeg ko at nagsisimula na akong lamigin! "Napakasarap naman ng tulog ng damuhong 'yon! Kulang na lang mawasak ko na ang pinto pero ni hindi man lang siya nagising! Wait. Hindi kaya patay na siya?! Oh my God! Baka nga!" Nagmadali na ako sa paliligo at saka mabilis na binalot ang katawan ko ng isang makapal na towel. "Pero bakit naman siya mamamatay eh, kalaki-laki niyang lalaki! Ang lakas-lakas pa! Mukha nga siyang kalabaw! Hmp! Bahala siya d'yan mamatay! Ako ba naisip niya na baka mamatay din kung sakaling nakisabay ako sa mga mukhang k'wago don sa mall kanina?! Hindi! Hmp! Hatsuww! Argh!" Muli akong napapadyak sa sahig dahil biglang tumulo ang sipon ko sa ilong! "Kasalanan mo talaga 'to, Andrei Dwight! Argggh!" Pumasok na lang ako sa silid ko at nagbihis. Ba't ko pa naman siya iisipin eh ako nga, mukhang may sakit na rin! Tatlong patong na damit ang isinuot ko sa katawan at tatlong pajama sa ibaba. Sinuotan ko pa ng tatlong medyas ang mga paa ko at isang gloves sa mga kamay ko dahil nagsisimula na akong mangaligkig sa sobrang lamig! Muli akong lumabas at nagpakulo ng tubig para maka-inom ng maligamgam at mainitan ang loob ng katawan ko sa pagbabaka-sakaling pagpawisan ako. Nangalkal na rin ako ng kahit anong gamot sa medicine kit namin ni Charisma na maaaring makababa ng trangkaso ko. Oo, siguradong trangkaso na ito. "Haayst! Hindi ako p'wedeng um-absent bukas sa trabaho! Sayang ang isang araw na sahod!" Matapos kong uminom ng gamot at maligamgam na tubig ay nahiga na rin ako at binalot ang sarili sa tatlong patong na makakapal na kumot. Mabuti na lang pala at nakakain ako sa mall kanina habang naghihintay sa pagtila ng ulan. Sa paghiga ko ay muli akong binalot ng matinding kalungkutan. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay sa buhay kong ito? Matagal na akong nag-iisa. Walang pamilyang karamay. Binigyan ako ng isang Charisma Rhavalez sa loob ng ilang taon pero ngayon, balik sa dati. Mag-isa na ulit. Nasaan ang mga magulang ko? Ayon, nasa mga kanya-kanya nilang mga pamilya. Anak lang ako sa pagkakamali. Kaya heto, ako ang siyang nagdurusa sa mga pagkakamali nilang nagawa noon. Tapos ay iiwan na lang nila ng basta dahil hindi ako matanggap ng mga kanya-kanya nilang asawa! Eh, di sana ay hindi na lang nila ako binuhay pa, 'di ba? Kung itatapon lang din naman nila ako na parang basura! NAGISING ang diwa ko sa medyo maligamgam at basang bagay na pumatong sa noo ko. At sa mainit na hanging dumadampi sa mga labi ko. Huh? Ano 'yon? Ngunit nanatiling nakasara ang namimigat ko pa ring mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Nararamdaman ko ang presensiyang nasa harapan ko ngayon. Oh, sabihin na nating nasa ibabaw ko dahil nakahiga ako! Pero wala naman akong nararamdamang mabigat na nakadagan sa katawan ko. Bakit wala?! Sana pumatong ka! Char. Hanggang sa...nanigas na lamang ang katawan ko nang isang malambot at mainit na bagay ang dumampi sa mga labi ko. T-Teka, m-may h-humahalik sa a-akin? Kilalang-kilala ko ang labing ito! Andrei!!! Naimulat kong bigla ang mga mata ko at gano'n na lamang ang pagtulala ko at naduling pa nang ang mukha nga ni Andrei ang nasa harapan ko ngayon habang feel na feel niya ang pagkakapikit ng mga mata niya! Magnanakaw ng halik! Anong gagawin ko?! Anong gagawin ko?! Kakagatin ko ba ang labi niya hanggang sa dumugo?! Hihingahan ko ba siya para makatulog siya dahil malamang bagong gising ako! Alam niyo na! Susuntukin ko siya at tatadyakan kasi dahil sa kanya kaya ako may sakit ngayon! At anong ginagawa niya dito, aber?! Magpapaliwanag?! Hihingi ng tawad?! No way! My way! Hinding-hindi ko siya mapapata-- "Good morning." Natigilan ako nang bitawan na niya ang mga labi ko at bahagya lamang siyang lumayo. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin ng taimtim. "Why do you take so long to react? Did you like my morning kiss?" Huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD