Mia
"Kahit na! Aba, malay ko bang mga utusan mo ang mga 'yon eh mga mukha namang tyonggo kagaya mo! Hindi mapagkakatiwalaan! Paasa! Umalis ka nga d'yan!" Malakas ko siyang itinulak nang maka-recover na ako at kaagad siyang tinalikuran.
"Kailan naman kita pinaasa at anong pagpapaasa ang ginawa ko sa iyo?"
Napahinto naman ako mula sa paglalakad sa sinabi niyang 'yon. Ano nga ba? Kaagad ko siyang hinarap at doon ko naman napansin ang pilyo niyang ngiti sa mga labi niya.
Kaagad ko siyang pinukulan ng matalim na tingin.
"Anong tawag mo sa mga paghalik-halik mo sa akin?! Anong akala mo sa akin, kaladkaring babae para gawin 'yon?! Ginagawa lang 'yan ng dalawang taong may feelings sa isa't isa! At kung wala ka naman no'n at trip-trip mo lang, tigil-tigilan mo ako! Wala kang karapatang halikan ako ng paulit-ulit!"
"Umasa ka na pala kaagad do'n? Feeling ko naman ay gusto mo rin."
Natigilan akong bigla at sa sinabi niyang 'yon ay para niya akong sinampal ng kaliwa't kanan.
Gusto ko rin? 'Yon ang akala niya kaya sinasamantala niya naman ang pagkakataong 'yon? Ang kapal din naman ng kalyo ng mukha ng lintek na lalaking 'to.
"Halika." Kaagad akong lumapit sa kanya at hinila siya sa braso.
"What?" Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Mas lalo siyang ngumisi na para bang may ka-demonyohan na namang tumatakbo sa isipan niya.
Patuloy ko siyang hinila palapit sa pinto hanggang sa itulak ko siya sa labas.
"Ayoko nang makikita pa ang pagmumukha mo dito kahit na kailan! Wala kang kwenta! Demonyo! Hinding-hindi ako magkakagusto sa halik mo! Magaspang na nga 'yang labi mo, ang baho pa ng hininga mo! Amoy bulok! Amoy imbornal! At kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan! Itaga mo 'yan sa bato! Kapal din naman ng mukha mo!" Pabagsak kong isinara ang pinto at mabilis itong ini-lock, ngunit bago iyon ay nakita ko ang pagnganga niya habang binubungangaan ko siya kanina.
"Hey, Mia! Ang dami mo namang sinabi. I'm just asking, okay? And my lips aren't rough! You're the one who doesn't brush your teeth. You still have morning glory in your eyes!"
Nagpanting naman ang tainga ko sa mga pinagsasabi niya sa labas. Mabilis akong lumapit sa lababo at kumuha ng isang stainless na kaldero at pinaghahampas sa pinto.
"Lumayas ka! Hindi kita kailangan! Ang pangit mo! Manyakis!" Lumikha ng nakabibinging ingay ang kaldero sa pinto.
Sa inis ko ay mabilis ko rin itong binuksan at itinapon sa labas ang kaldero ngunit hindi naman siya tinamaan nito dahil nakita kong nasa pinto na siya ng mansion ni Ghian!
"What the f**k?" sabi niya nang mapalingon siya sa akin ngunit kaagad ko na ring ibinalibag pa-sara ang pinto at mabilis itong ini-lock.
Nanggigigil ako sa inis! Gusto ko siyang kalbuhin! Gusto ko siyang itakin hanggang sa mawalan siya ng hininga!
"Kahit kailan, hindi na ako magpapauto sa kanya! Sana hindi na gumaling 'yang sugat mo sa braso! Magnaknak sana 'yan at uhurin ng maraming-marami!" sigaw ko pa rin bago ako nagmartsa patungo sa banyo.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa hindi ko maintindihang inis na nararamdaman ko para sa kanya.
Naghilamos ako ng paulit-ulit at nag-toothbrush ng maraming beses kahit pakiramdam ko ay mapupudpod na ang mga ngipin ko sa kakakuskos. Parang magigiba ang dibdib ko sa lakas ng kabog at nanginginig sa galit ang katawan ko.
Ang tanging alam ko ngayon ay kailangan ko siyang iwasan. Hindi na maganda itong nararamdaman ko. Hinding-hindi na ako tatawag sa kanya para humingi ng tulong. Kahit mamamatay na ako ay hinding-hindi na ako lalapit pa sa kanya.
"Isinusumpa ko 'yan!"
Paglabas ko ng banyo ay napatingin ako sa mangkok na nasa mini table sa sala. Kaagad akong naglakad palapit doon at mabilis na dinampot ang mangkok.
Napakasarap pa naman sana ng arroz caldo na ito lalo't paborito ko ito pero 'di bale na lang. Hinding-hindi ako kakain ng pagkain na galing sa kanya!
Mabilis akong naglakad palapit sa pinto at binuksan ito. Hindi ko na siya nakita pa sa labas. Malamang ay nasa loob na siya ng mansion ni Ghian.
Ibinaba ko ang mangkok sa ibaba ng pinto bago ko pinagkakatok ng malakas ang pinto.
"Sa iyo na 'tong lugaw mong walang lasa! Isaksak mo sa baga mo!" Binigyan ko muna ng isang malakas na sipa ang pinto bago ako tumalikod at bumalik sa loob ng apartment ko.
Sirang-sira na ang umaga ko nang dahil sa kanya. Kailan ba siya lalayas d'yan? Wala namang bubuhat sa mansion ng kuya niya kung walang tao d'yan!
Wala naman siguro silang alagang sawa d'yan sa loob! At kung mayroon man, lamunin na sana siya nang mawala na siya sa landas ko! Letse!
Nagsaing ako at nagprito na lamang ng itlog. Mabuti na lamang at may dalawang piraso pa akong natitira sa ref. Ang isa ay babaunin ko na lang sa trabaho ko para makatipid ako sa ulam.
Matapos kong kumain ay naligo ako na may halong maligamgam na tubig. Muli akong uminom ng paracetamol para magtuloy-tuloy nang mawala ang sama ng pakiramdam ko.
Mamaya ko na lang lalabhan ang hinubad kong uniform kagabi. May natitira pa naman akong dalawang piraso. Dress na color dark blue ang uniform namin na pinaresan ng black sandals. Panty at pantyhose lang ang suot ko sa loob dahil bawal naman ang mag-short or cycling.
Nagsuot ako ng sweater dahil parang nilalamig na naman ako. P'wede naman sana mag-absent pero huwag na lang dahil ayokong magmokmok dito sa bahay nang mag-isa. Malulungkot lang ako.
Kaagad ko nang sinakbat ang bag ko at lumabas ng apartment. Tsinelas lang ang tangi kong sapin sa paa dahil ang sandals ko naman ay naiiwan na sa locker ko sa trabaho.
Lumingon ako sa pinto ng mansion ni Ghian pero saradong-sarado iyon. Wala na sa ibaba ang mangkok ng lugaw niya.
"Mapanis ka sana d'yan sa loob, kasama ng lugaw mo! Hmp!"
Kaagad na akong tumalikod at mabilis na naglakad sa hallway. Apat na hagdan ang dinaanan ko bago ako nakarating sa ibaba. Half-half kasi ang hagdan bawat isang floor kaya naging apat. Basta 'yon na 'yon.
Nakita ko ang motorsiklo ni Andrei sa ibaba. Butasin ko kaya ang gulong nito para makaganti naman ako. Hmm.
Kaagad akong nangalkal sa bag ko ng kahit anong matalim na bagay hanggang sa makapa ko ang nail cutter ko na palagi kong baon sa trabaho. Kaagad ko itong inilabas at pinihit ang parang maliit na kutsilyo sa gitna nito.
Sinipat ko ang gulong ng motorsiklo niya sa hulihang bahagi.
Kakayanin naman siguro nito ang gulong na 'yan kahit gaano pa 'yan kakapal. Umupo na ako at handa na sana itong saksakin nang may maramdaman akong mga yabag sa likuran ko.
"Hey. What are you doing?"
Bigla akong napahinto nang marinig ko ang tinig ng tyonggong manyakis na Andrei. Na-stock tuloy sa ere ang kamay kong may hawak sa nail cutter.
Nagtungo siya sa tabi ng motorsiklo niya. Napaangat naman ang mukha ko sa kanya at nakita kong nakataas ang pareho niyang kilay habang nakatitig sa akin. May nakasaksak na namang earphone sa tainga niya.
"Ginagawa mo d'yan? Ano 'yang hawak mo? Nail cutter ba 'yan?" tanong pa rin niya.
"Ano namang pakialam mo?! Naglilinis ako ng kuko ko! Abala ka!" Isinundot ko na lamang ang dulo ng maliit na kutsilyo sa mga dulo ng kuko ko bago ako tumayo at tinalikuran siya.
"Ah, akala ko bubutasin mo 'yong gulong ko, eh."
Kaagad ko siyang nilingon sa sinabi niyang 'yon.
"P'wede rin naman! Gusto mo?! Matalas pa naman 'to!"
Ngumisi siya habang nakatitig sa akin at naglitawan ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Napansin ko rin ang paglabas ng dila niya at pagbasa niya sa ibabang labi niya habang sumasakay na siya sa motorsiklo niya.
Kadiri.
"Paano kita maihahatid kung bubutasin mo ang gulong ko?"
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"As if naman na sasakay ako sa iyo, no!"
"Sa motor ko, hindi sa akin," nakangisi niya na namang sagot.
"Sa motor mo nga, hindi sa iyo! Ang dumi ng utak mo! Walis-walisin mo 'yan!" Kaagad ko na siyang tinalikuran at nagmadali ako sa paglalakad palabas ng gate.
Hinding-hindi ako sasakay sa motor niya! Sumumpa na ako na hinding-hindi na ako lalapit sa kanya! Di baleng maglakad ako ng malayo! Letse siya!
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa gilid ng kalsada. Narinig ko naman ang hugong ng motorsiklo niya sa likuran ko ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Hanggang sa matapat na siya sa akin.
"Mapapagod ka lang sa ginagawa mo. Malayo pa ang labasan."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nagkunyari akong walang naririnig.
"Bahala ka. Ikaw na nga ang ihahatid, libre pa pamasahe."
Hindi ko pa rin siya pinansin. Neknek niya! Kausapin niya lelang niyang panot!
"Una na ako. Bye."
Napahinto ako sa paglalakad nang bigla na niyang paharurutin ang motorsiklo niya at kahit nakasuot siya ng helmet ay nakita ko pa rin ang nakakaloko niyang ngiti sa akin habang nilalampasan ako. Nausukan pa ako ng b'wisit niyang tambutso!
"Mabunggo ka sana!" inis kong sigaw sa kanya at hindi ko mapigilang magpapadyak sa lupa.
Imbes na mabawasan ang inis na nararamdaman ko para sa kanya ay mas lalo lamang itong nadagdagan. Parang gusto ko na lang umuwi at hindi na pumasok sa trabaho!
Naiinis na ako sa buhay kong ito! Kailan ba ako sasaya? Wala na yatang pag-asa!
Kahit wala na akong kagana-gana ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Bahala na siguro kung saan ako mapunta ngayon.
Nakarating ako sa labasan kung saan marami ng mga sasakyang dumaraan at marami na ring mga tao ang nakikipagsiksikan sa mga pampasaherong Jeep. Nakikipag-unahan sila at wala akong chance na makipagsabayan sa kanila.
Nang may matanaw akong maluwag na Jeep ay kaagad ko itong pinara.
Huminto din naman ito malapit sa harapan ko ngunit nang tangka na akong maglalakad patungo sa pinto niyon ay may bigla na lamang humarang na motorsiklo sa harapan ko at bumungad sa akin ang mukha ng manyakis na iniiwas-iwasan ko. Naunahan tuloy ako ng ibang pasahero sa pagsakay sa Jeep!
"Ano ba, Andrei?! Umalis ka d'yan! Hahara-hara ka sa daanan ko! Naunahan na nila ako!" Nagpapadyak ako sa sobrang inis sa kanya, lalo na nang umandar na paalis ang jeep na pinara ko!
"Sasakay ka ba sa likod o kakaladkarin kita?" sagot niya na ikinanganga ko.
"Bingi ka ba o nagtatanga-tangahan?! Hindi nga ako sasakay sa iyo at lubayan mo na ako! Baka hindi kita matantsa!"
Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga taong naririto. Pakialam ba nila sa buhay ko, hindi ko naman sila mga kilala at mas lalong hindi kaano-ano!
Mabilis namang bumaba ng motorsiklo si Andrei at malakas akong binuhat.
"Andrei! Hindi nga ako sasama! Ibaba mo ako! Tatadyakan na talaga kita! Hindi na ako nakikipagbiruan sa iyo! Isa!" Nagpapasag ako at nagpumilit na makawala sa kanya ngunit napakatitigas ng mga masel niya at para siyang kalabaw sa lakas!
"Pag hindi ka tumigil, rereypin kita dito."
Napahinto naman ako sa sinabi niya.
"A-Ano?" Kanina halik lang, ngayon rape na!
Nagkaroon siya ng pagkakataong mai-upo ako sa hulihang bahagi ng motorsiklo niya at mabilis na isinaklob sa ulo ko ang helmet niya.
"Demonyo ka talaga! Akala mo, maiisahan mo ako?! Hinding-hindi mo na ako mahahalikan kahit kailan! Hinding-hindi mo makukuha ang puri ko dahil hindi naman kita gusto!"
"Let's see." Binigyan niya ako nang nakakalokong ngiti matapos niyang i-lock ang belt ng helmet sa ilalim ng baba ko bago siya sumakay sa unahan ko at kaagad itong pinatakbo.
Muntik pa akong magtihaya! Mabuti na lang at mabilis akong nakayakap sa kanya.
"B'wisit ka! Humanda ka sa akin mamaya!" Gustong-gusto ko siyang sabunutan ngunit mahigpit kong pinigilan ang sarili ko. Ayokong maaksidente at mamatay ng birhen!
"If I were you, think carefully before you utter words."
"Kung ako sa iyo, lubayan mo na ako! Malas ka sa buhay ko!"
Alam kong masisira lang ang buhay ko sa iyo. Kaya habang maaga pa, iiwasan na kita. Alam ko namang ginagamit mo lang ako para makalimot ka at hinding-hindi ko hahayaan na magtagumpay ka.