CHAPTER 6: Shower Gel

1563 Words
Mia Paghinto ng motorsiklo sa likod ng mall kung saan naroroon ang employee's entrance/exit namin ay kaagad akong bumaba kasabay nang paghuhubad ko sa suot kong helmet. Ngunit dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko kaagad napansin na gilid ng gutter ang naapakan ko at lumabsot ang paa ko doon pa-ibaba. "Ay!" napasigaw ako sa 'di inaasahan at muntik nang matumba ngunit mabilis na nahila ni Andrei ang braso ko kasunod ang pagyakap ng isa pa niyang braso sa katawan ko. Nagulat ako at hindi kaagad nakagalaw. Ilang minuto kaming nagkatitigan sa isa't isa ngunit sa bandang huli ay muling sumilay ang nakakaloko niyang ngiti sa mga labi niya. "A-Aanga-anga kasi," aniya na ikinapanting ng tainga ko. Malakas ko siyang itinulak. "Bitawan mo 'ko! Kapal din ng mukha mong hawakan ako. Ni hindi ka nga naligo, amoy panis na lugaw ka pa." Binigyan ko siya ng napaka-talim kong tingin. "What the hell? Panis na lugaw?!" Binitawan din naman niya ako at tila hindi makapaniwalang tumitig sa akin. "Huwag na huwag mo akong sisingilin! Tiniis ko 'yang baho mo! Hindi ka na nahiya sa akin. May pa-yakap-yakap ka pa. 'Yang leeg mo nga, puno pa ng libag. Ni hindi ka man lang nagsabon kahit bareta o kahit tide powder man lang para isang dulas lang d'yan ng sabon, puti agad! Baka sakaling magulat pa ako at makuha ka sa t.v commercial!" Inayos ko ang pagkakasakbat ng bag ko sa balikat ko. Siya naman ay mabilis na hinila ang kuwelyo ng shirt niya at sinipat sa salamin ng motorsiklo niya ang leeg niya bago siya luminga sa paligid dahil nagtatawanan na ang mga kasama ko sa trabaho, na nagsisidatingan na rin. Nagbubulungan sila habang nakatingin sa amin. Napansin ko ang pangungutitap ng mga mata nila habang nakatitig sa manyakis na tyonggong ito. Napataas naman ang kilay ko at hindi ko mapigilang samaan sila ng tingin ngunit hindi naman nila ako pansin dahil nakatunganga sila sa damuhong lalaking 'to. "Hi," nakangiti niyang bati kasabay nang pagkaway niya sa mga haliparot na babae. Aba't! "Hoy! Huwag ka ngang feeling pogi! Ang pangit mo! Mas gwapo pa sa iyo si Kokey! Lumayas ka na nga!" Pinagtutulak ko siya ngunit ayaw pa rin niyang paandarin ang motorsiklo niya. "What the f**k? Just wait!" sigaw niya rin naman sa akin at hindi ko mapigilang mas mainis sa kanya. "Kuya mo, Mia? Pakilala mo naman kami." "Oo nga. Ang gwapo kasi." "Anong pangalan niya?" Napabaling akong bigla sa mga lantod na babae. Ano daw? Gwapo? Kuya ko daw? "Hoy, mga bulag na ba kayo?! Pumasok na kayo sa loob! Huwag na huwag kayong magpapabola sa tyonggong 'yan! Manloloko 'yan! Paglalaruan lang niya ang mga bundok niyo kung meron man at pagkatapos ay iiwan na lamang niyang gulaylay! Maka-feeling din naman kayo d'yan!" "Papakilala lang eh." "Pasok na! Aangal pa!" Pinagtutulak ko sila at pina-una sa pagpila sa dalawang gwardyang nakabantay sa employee's entrance, na ngingisi-ngisi din habang nakamasid sa amin. "Umuwi ka na! Maligo ka! Ang dami mong libag!" muli kong pagtataboy kay Andrei kahit nakapila na ako sa likod ng mga ka-trabaho ko at sinusubukan pa rin nilang lingunin ang tyonggo. "Wala akong libag! Naligo ako kanina at nagkuskos!" sigaw niya rin sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin pa dahil bag ko na ang sumunod na in-inspection ng dalawang guard. Muli ko siyang nilingon matapos. Nakita kong bumaba siya ng motorsiklo niya at dinampot ang helmet niya sa lupa na hindi ko namalayang nabitawan ko pala kanina. Buti nga, bleh! Lumingon siya sa akin at naabutan niya ang belat ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko siya at mabilis na tumalikod papasok sa loob ng matapos ang mga gwardya sa pangangalkal ng bag kong paulit-ulit lang naman ang mga laman. Joke lang naman na mabaho siya at may libag siya, para makalimutan niya ang pamasahe ko at para rin layuan siya ng mga malalantod na mga babaeng ito. Inaalala ko lang naman sila kapag naloko sila ng isang manyakis na magnanakaw ng halik. Hmp! Pasalamat pa sila dapat sa akin. Ang totoo ay napakabango niya na animo'y naligo ng isang boteng pabango. Makinis naman at maputi ang leeg niya. Walang ka-agiw-agiw. Mas maitim pa nga yata ang singit ko sa kanya! Tsk. Kailangan ko na talagang bumili ng mga pampaputi ng singit. Baka ituloy niya ang pangre-rape sa akin! Nakakahiya! Laitero pa naman siya! Akala mo, napakagwapo! PAGDATING ko sa selling area ay hindi ko napansin si Zayn sa area nila, hanggang sa mag-isang oras na siyang late. Ano kaya ang nangyari kahapon? Ang alam ko ay siya ang nagdala kay Chelle sa hospital dahil mataas ang lagnat. Hmp! Umarte lang yata ang babaeng 'yon para siya ang ihatid ng Zayn ko! Nilagnat din naman ako kahapon pero kinaya ko! Hindi ko kailangang magpadala sa hospital. At kung hindi dahil sa kanya, hindi ako lalagnatin dahil ako dapat ang inihatid ni Zayn sa apartment ko. Kaya kasalanan niya kung bakit ako nagkasakit! Arte, arte! Akala mo naman, ikina-ganda niya 'yon. Papansin. Hanggang sa dumating na ang closing shift ay wala talagang Zayn ang dumating. "Bakit ang haba ng nguso mo d'yan? Kumusta? Anong oras ka nakauwi kagabi?" tanong ni Celine na siyang partner ko dito sa area ko. Siya naman ang closing shift at ako ang sa opening. Ang paninda namin ay mga kurtina sa bahay. "Maaga pa naman bago mag-alas dose ng hatinggabi," sarkastiko kong sagot sa kanya. "Ano?" Kunot-noo naman siyang napatingin sa akin. "Bingi lang?" Pinaikutan ko siya ng mga mata ko bago ko pa-dabog na itiniklop ang record book namin. "Kumain ka na nga. Gutom lang 'yan." "Babush." Inirapan ko na lamang siya bago ako tumalikod. Sanay naman na siya sa akin kaya okay lang sa kanya kahit mimamalditahan ko siya paminsan-minsan. Naiinis din ako dahil wala akong kasabay ngayon sa pagkain. Huwag na lang kaya akong kumain para mabawasan ang bilbil ko sa tiyan. Baka kasi pati iyon ay mapansin din ng manyakis na Andrei, na malapit na ring maging rapist! Sa fourth floor ang area namin ni Celine at nasa ground floor naman ang employee's department namin. Tanging hagdan lang sa gilid na tago sa mga customer ang pwede naming gamitin sa pag-akyat-baba sa bawat floor na naka-assign sa amin. Kaya naman napakarami naming pagod sa trabahong ito bukod pa sa maghapon naming pagtayo sa selling area. Pagdaan ko sa second floor kung saan ang men's section ay napakunot ang noo ko nang may matanaw akong pamilyar na lalaki sa toiletries department. "Andrei? Ano pang ginagawa ng lalaking ito dito? Hindi pa ba siya umalis? Four hours na ang nakalipas." Napatanga ako habang tinatanaw siya. At mas lalo akong napanganga nang makita kong hindi siya nag-iisa. May babaeng lumapit sa kanya at kinakausap siya habang may hawak siyang isang bote na hindi ko malaman kung ano. Parang pinag-uusapan nila ang tungkol sa bote. Namalayan ko na lamang na humahakbang na ang mga paa ko palapit sa kinaroroonan nila kahit bawal na bawal ito sa amin, ang magtungo sa ibang department kung hindi naman kinakailangan. "Ang bango nito! I like this one," kinikilig na sabi ng kasama niyang babae habang inaamoy ang bote na inagaw mula sa kamay niya. "Really? That's probably all I'll take," sagot din naman ng manyakis habang dumadampot pa ng iba pang shower gel sa shelf. Napa-cross arm ako at sumandal sa isang shelf pa-harap sa kanila. "So ngayon, bibili ka ng napakabangong shower gel para bumango ka at kuminis ang balat mo?" inis kong tanong sa kanya. Pinigilan ko ang paglakas ng tinig ko at pagsalitaan siya ng marami dahil naririto kami sa trabaho ko at maaaring mapansin ako ng manager sa paligid. Napalingon naman siya sa akin at kita ko ang pagkagulat niya. Muntik pa akong matawa dahil halos mapatalon siya sa gulat nang mabungaran niya ako sa harapan niya. "Mia! What the f**k?" aniya habang nakasapo sa dibdib niya. Bakla! "Ka-gulat-gulat ba ako?" "Mia? Hi! I'm Empress! Magkakilala ba kayo? Kapatid mo ba siya?" magiliw na singit naman sa amin ng kasama niyang babae na akala mo ang ganda! Teka, kapatid pa rin? Paano ba nila nasasabing magkapatid kami? Hindi ko naman kamukha ang pangit na 'to! Ang ganda-ganda ko! "Ikaw ba ang kinakausap ko? Hindi kami magkapatid at mas lalong hindi ako nai-empress sa iyo," inis ko namang sagot sa kanya. Wala na akong pakialam kung mag-complain siya sa customer service! "Oh. Basag ako do'n." Lumarawan naman ang disappointment sa mukha niya pero wala akong pakialam. Sino ba siya?! "C'mon. Get the ones you want to buy so we can leave now," ani Andrei sa kanya kasabay nang paghawak nito sa baywang ng babae at hindi ako pinansin. "Aba't--" Napatanga naman ako habang nakahabol ng tingin sa kanila. Kitang-kita ko kung paano niya pinisil ang baywang ng babaeng kasama niya, na tanging crop top ang suot at medyo litaw ang baywang nito sa suot nitong high waist pants. Pakiramdam ko ay may pumipiga sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Mabilis akong dumampot ng isang bote ng shower gel. Luminga muna ako sa piligid at sinigurong walang makakapansin sa akin bago ko siya binato. "What the?" Tinamaan ko siya sa ulo niya at habang lumilingon siya sa akin ay mabilis na akong tumalikod at nagmartsa paalis. Huwag na huwag ka lang magkakamaling magpakita sa akin mamaya. Pasasabugin ko 'yang pagmumukha mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD