Mia
"Bwisit! Paano ako makakauwi nito?! Nakakainis! Bakit naman kasi kung kailan dala ko palagi ang payong ko ay hindi naman umuulan?! Tapos ngayong hindi ko na dinala dahil wala namang k'wenta, nagpapabigat lang sa bag ko ay saka naman umulan! Ano? Nananadya ka ba, ha?! Ha?! Sumagot ka! Letse!" pagkausap ko sa nakakainit ng ulong ulan na ito habang pabalik-balik ako ng lakad dito sa gilid ng SM! Nakaka-imbyerna!
"Eh ba't kasi hindi mo dinala? Sana iniwan mo na lang sa locker mo," sagot naman ni Celine habang tinutulungan siyang suotan ng kapote ng boyfriend niyang abnoy.
Wala lang, trip ko lang tawagin siyang abnoy dahil matakaw silang dalawa sa abnoy. Bagay nga sila.
Si Celine naman ay friend ko at kasama ko sa Home Department sa loob ng Department Store.
Ang iba naman dito ay may mga kanya-kanyang dala ng payong. Ang iba naman ay may mga sundong kotse. Aba, san ka naman nakakita ng saleslady pero hatid-sundo ng kotse?! Eh di, SANA ALL! Pero kung hindi mukhang Amerikano ang driver ay mukha namang gurang. Oh, alam na this.
"Eh alam ko bang uulan ha, ha? Eh napakatraydor nga ng panahon na 'yan eh! Siguro may galit sa akin ito, eh. 'Di ba? 'Di ba? Sabihin mo!" sigaw ko sa madilim na kalangitan habang may pagturo pa ng aking daliri sa kanya pero kaagad din akong napatili sa gulat, "AY! ANAK NG KALABAW! KAMBING! KABAYONG MAY PAKPAK!"
Kumislap at kumidlat ng napakalakas at halos mabasag ang aking eardrum.
"'Yan kasi. Manahimik ka nga, Mia. Mas lalo mong ginagalit ang panahon eh," sermon sa akin ni Celine. Ako naman ay napahawak sa aking dibdib at habol ang hiningi dahil sa gulat at nerbyos!
Kaagad kong dinukot mula sa aking bag ang aking phone nang may bigla akong maalala. Pinuntahan ko kaagad ang recent calls ang numero ni Andrei na may pangalang Andrei Manyak.
Kaagad ko itong pinindot at mabilis din naman itong nag-ring.
Manyak dahil bigla-bigla na lang siyang nanghahalik! Isa siyang ubod ng MANYAK! Pero natigilan ako nang biglang magto-toot ang linya.
Huh? Ni-ignore niya ang tawag ko?! Bwisit kang lalaki ka!
Muli kong ni-dial ang kanyang numero. Siya lang ang naiisip kong p'wedeng mahingan ko ng tulong dahil sa ngayon ay sa mansion siya ni Ghian nakatira habang si Ghian at Kisma ay nasa honeymoon sa Maian Island dahil katatapos lang ng kanilang kasal noong nakaraang linggo. At kay Andrei muna inihabilin ni Ghian ang mansion dahil magkapatid naman sila.
At ako naman ay doon pa rin nakatira sa isang room na inakala namin ni Kisma dati na isang apartment ang aming tinitirhan! Iyon naman pala ay isang sikretong mansion!
Daming alam ng lintek na Ghian na 'yon!
Napanganga ako nang muling in-ended ni Andrei ang aking tawag sa kanya!
"Bwisit ka talaga! Wala kang k'wenta! Pakamatay ka na!" mariin kong sigaw sa aking phone at halos maglupasay na ako sa sahig dahil sa sobrang inis sa lalaking iyon!
"Bunganga mo, Mia. Hay naku, sino ba 'yan?" tanong ni Celine habang nagsusuot na siya ng helmet sa kanyang ulo.
Ang iba namang naririto ay napapatingin sa akin habang nagbubulungan at nagtatawanan. Sa dulo naman ng linya ay natanaw ko si Michelle habang sa kanyang tabi ay si Samantha.
Himala dahil naririto ngayon si Sam. Bihira ko naman na kasi siyang nakikita nitong mga huling linggo. Maging si Sir Dylan na palagi nilang kasama ay bibihira na ring pumasok. Sa tingin ko nga ay may sakit ang taong iyon dahil malaki ang ibinagsak ng kanyang katawan. At saka ayon na rin sa mga tsismisan sa canteen at locker room na aming naririnig.
Samantalang si Alliyah naman ay talagang hindi na bumalik. Bigla na lang itong nag-resign matapos naming malaman na namatay ang kanyang ina dahil sa heart attacked.
"Wala. 'Yong kapit-bahay kong walang k'wenta," inis kong sagot at siguro ay hindi na talaga maipinta pa sa ngayon ang aking mukha.
"Oh, paano ba 'yan? Kailangan na naming mauna pero p'wede ka rin namang sumabay kay Zayn," sabi ni Celine habang ang kanyang boyfriend ay tumungo na sa kanilang motorsiklo na nakaparada lang sa aming harapan at basang-basa na ng ulan.
"Mia!"
Sabay kaming napalingon ni Celine sa kanan at nakita namin si Zayn na nagmamadaling lumapit sa aming kinaroroonan. Kalalabas pa lang niya mula sa Employees Entrance.
"Speaking of your crush. Awiiitt," kinikilig na bulong ni Celine sa akin bago tuluyang lumayo at sumakay na rin sa likuran ng kanyang boyfriend.
"Baliw din eh. Ingat!" Pareho na lang kaming nagkawayan sa isa't isa bago tuluyang tumakbo paalis ang sinasakyan nilang motorsiklo.
"Sumabay ka na sa akin. Ikaw na lang ang sumuot nito."
"Ha?" Nagulat ako nang biglang isuot sa akin ni Zayn ang kanyang kapote.
Pasimple akong sumulyap sa kanyang likuran at tama ang hinala ko. Malungkot na nakatitig sa aming kinaroroonan si Michelle.
Alam ko naman kung gaano niya kagusto si Zayn. Sino ba naman ang hindi? Kahit nga ako ay malaki rin ang paghanga sa kanya at marami pang iba hindi lang ang mga kapwa namin saleslady kundi maging ang mga manager at mga customer. Ghad!
Si Zayn kasi ay half-filipino at half-Indiano. Kaya naman litaw na litaw sa kanya ang lahi ng kanyang ama. Matangkad, maganda ang pangangatawan, moreno, mapupungay at may malalantik na pilik-mata. May makakapal na kilay, matangos na ilong, hugis puso at mapupulang mga labi. Kulot ang buhok.
As in perfect ang panlabas niyang kaanyuan, walang maipintas sa kanya. Plus sobrang bait pa. Iyon nga lang, malihim, tahimik at saksakan ng torpe.
Torpe dahil wala man lang kaming nababalitaan pa na niligawan niya dito sa buong Department Store! O kung may nagugustuhan man lang ba? O baka nahihiya? O baka naman may girlfriend na, o asawa! Tama!
"What are you thinking? Let's go," kunot-noong tanong niya sa akin.
"Ha? Ah..eh, s-sigurado ka ba na sasabay ako? My God! Wala kang kapote! Mababasa ka! Tapos ako ang tatanga-tanga dahil iniwan ko 'yong payong ko sa bahay kaya dapat lang na ako ang mabasa at hindi ikaw!"
"Ang dami mo pang daldal. C'mon!" tawag niya sa akin habang siya ay nakasakay na sa kanyang motor.
Hahakbang na sana ako para lumapit nang biglang may humarang sa aking harapan.
"Mia, wait."
"Oh, bakit?"
Nagtaka ako nang biglang humarang sa aking harapan si Sam habang hawak niya sa braso si Michelle at tila kinaladkad pa niya ito.
"May sakit kasi si Chelle. Pwede bang siya muna ang ihatid ni Kulot? Este Zayn, eherm," nasamid pa siya sa huli niyang sinabi.
Napalingon naman ako kay Chelle at doon ko lang napagtanto ang namumula niyang balat. Nananatili lang siyang nakayuko at tila nanghihina. Wala sa sariling sinalat ko ang leeg nito at dagli ko ring nailayo nang mapagtanto kong napaka-init niya! Para akong napaso!
"Oo nga! Oh bilisan niyo, isuot mo na ito! Zayn, dalhin mo muna sa hospital si Chelle! Magko-comute na lang ako pauwi!" Kaagad kong hinubad ang suot kong kapote at inilipat naman ito kay Chelle.
Nang makaalis sila ay pinili ko na lang muli ang maghintay na tumila ang ulan hanggang sa abutin na ako ng dalawa hanggang tatlong oras. At malapit ng maghating-gabi.
Maraming beses kong tinawagan ang phone ni Andrei pero walang Andrei ang sumagot.
Nakaramdam ako ng tusok sa aking dibdib. Siguro ay hindi pa rin niya matanggap na ang bestfriend kong si Kisma ay wala na sa kanya at sa kuya niya napunta.
Siguro ang ginawa niyang paghalik sa akin ay isang trip lang para sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.
"Ate, whisper nga po 'yong may pakpak," sabi ko sa tindera na abala sa pagtutok sa kanyang cellphone.
Kaagad din naman siyang kumuha at iniabot sa akin. Matapos kong iabot sa kanya ang bayad ko ay mabilis na rin akong tumalikod.
"Ay, kabayong may pakpak! Putragis ka, Andrei!" sigaw ko sa gulat nang bumangga ako kay Andrei at muntik pa niya akong mahalikan!
Bigla siyang yumuko kaya napatingin din ako sa ibaba. Nakita kong dinampot niya ang napkin na binili ko na hindi ko namalayang nabitawan ko pala nang dahil sa kanya. Mabilis ko rin itong inagaw mula sa kanyang kamay.
"Bakit ka ba nanggugulat, ha?! Nandito ka na naman! Ano bang ginagawa mo dito? Nakakasawa na 'yang pagmumukha mo! Lumayo-layo ka nga, Andrei! Ang aga-aga nabubwisit ang araw ko!" inis kong sigaw sa kanya at kaagad ko rin siyang tinalikuran.
"Bakit kayo lumipat?" dinig kong tanong niya na kaagad ding sumabay sa aking paglalakad.
"Oh, eh ano namang pakialam mo kung lumipat kami?! Bawal ba? Sa 'yo ba kami humihingi ng pambayad?! Hindi naman ah! Hindi kami humihingi sa iyo! At saka, paano mo nalaman ito?! Ang galing din ng radar mo eh, no?! Sinusundan mo 'ko, no?! Naku, sinasabi ko na nga ba eh. Umamin ka nga, Andrei. Crush mo 'ko, no?! Kunyari ka pang si Kisma eh ako naman talaga!" pagtatalak ko sa kanya pero joke lang naman iyon. Hindi siya ang trip ko kundi si Zayn!
Napansin ko naman ang kakaiba niyang pagtitig sa labi ko.
"Ayan! Ayan! Tingnan mo! Nakatitig ka na naman sa labi ko! Oh, 'di ba? Balak mo 'kong halikan, no?! Naku, Andrei hindi ka magtatagumpay! Sinasabi ko sa 'yo, dadaan ka muna sa ibabaw ko bago mo 'ko mahalik-uhmmnn!!" Napamulagat ako nang bigla kong maramdaman ang mga labi niyang lumalamukos na ng halik sa mga labi ko.
Nanigas ako mula sa aking kinatatayuan at namilog ang aking mga mata habang nakatitig sa kanyang mukha.
May kakaibang init na dumaloy sa aking katawan. Ang init at lambot ng mga labi niya. Ang amoy menthol niyang hininga.
Hindi ako nakagalaw. Ito ang kauna-unahan kong halik pero bakit sa kanya ko naranasan? Girlfriend niya ang bestfriend ko at hindi maaari ito.
Nanubig ang aking mga mata. Para akong maiiyak. Nang bitawan niya ako ay para akong naputulan ng dila. Kaagad ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad pabalik sa bago naming apartment.
"Mia!" dinig kong tawag niya ngunit hindi ko na siya pinansin.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi maaari ito!
Isang beses lamang nangyari ang halik na iyon ngunit malaki ang naging epekto niyon sa akin. At ngayong wala na sila ni Charisma, ang bestfriend ko, gumulo na ng tuluyan ang mundo ko nang dahil sa kanya.