Mia Kinagabihan, matapos kong kumain at magligpit ng mga kinainan ko ay sinimulan ko naman ang maglaba. Maya't maya akong napapatingin sa orasan at sa pinto ng apartment ko na hindi naman naka-lock. May waching machine naman ako kaya't pagbabanlaw na lang ang gawain ko. Mahigit dalawang oras nang ako ay matapos dahil kakaunti lang naman ang mga labahin ko. Mga pinaghubaran ko lang, uniforms, at pinagpalitan ng mga kumot at punda ng kama ko kaninang umaga. Inilabas ko ang mga ito at isa-isang isinampay sa terrace. Tanging dito lang sa tapat ng apartment ko ang nakabukas ang ilaw at sa kabilaang dulo ng mahabang hallway ay wala. Madilim ang mga hallway. Hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto ng mansion ni Ghian na saradong-sarado. Malamang ay wala d'yan ang tyonggo dahil kung nand'yan