Mia Mabilis pa sa alas kwatro kong pinatay muli ang phone ko at kaagad kong itinago sa bag ko. Lumingon ako sa likuran at natanaw ko ang ilang kotse na sumusunod sa amin. Wala naman akong makita na kahit anong motosiklo doon. B'wisit! Imposible namang masundan pa niya ako sa layo ng Batangas na 'to! Doon siya sa ex niya! Tsk. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon para kay Charisma. Bestfriend ko siya at hindi ako dapat nagiging ganito sa kanya. ALAS dose na ng hatinggabi nang makarating kami sa isang beach resort sa Nasugbu Batangas. "Kukuha na lang ako ng sarili kong room. Ako na ang bahala sa bayad. Huwag kayong mag-alala," sabi ko kaagad kila Celine at sa boyfriend niyang si John nang makapasok na kami sa loob ng hotel. "No, don't worry. I've already