CHAPTER 17: Block

2013 Words

Mia Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatulala sa kawalan habang nakaupo ako sa gitna ng kama ko. Natauhan lang ako nang makarinig ako nang sunod-sunod na mga katok sa pinto sa labas ng apartment ko. "Mia? Mia! Kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin!" dinig kong sigaw ni Kisma mula sa labas. Bumaba ako ng kama at lumabas ng silid ko. Nagpatuloy ako hanggang sa pinto at binuksan ito. "Kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. Nagluto si Andre--" "Tapos na ako. Nakahiga na nga ako eh, matutulog na," kaagad kong putol sa sinasabi niya. "Ha? Ang aga mo naman matulog. Alas siete pa lang." Tumingin siya sa pambisig niyang relo. "Inaantok na ako, eh. Babawi ako ng tulog kasi may pasok na ako bukas." "Oh, gano'n ba? Sigurado kang kumain ka na?" Ramdam ko ang mariin niyang pagtitig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD