Chapter 2

2042 Words
Kinabukasan maaga akong nagising. Kinuha ko ang cellphone ko para i-cancel ang alarm, dahil nauna akong magising kaysa sa tunog nito. Nagbasa na rin muna ako ng isang katerbang mensahe mula kay Dred bago tuluyang bumangon. Dred: Sige kung diyan ka masaya, sige mag-break na tayo! 7:45pm Dred: Gel, isosoli ko lahat ng ibinigay mo sa akin bukas. Bahala ka na kung anong gagawin mo roon! 8:01pm Dred: Kukunin ko nga pala si Boogy. Ako naman ang bumili sa kaniya eh. 8:35pm Dred: Huy, wala ka bang sa2bihin? Talaga bang maki2paghiwalay ka na? 8:45pm Dred: Gel, ano ba? Ti2isin mo talaga ako? 9:03pm Dred: Gel, Sorry na. 9:15pm Dred: Kung ayaw mo ‘wag mo! Ang tigas mo! 9:33pm Dred: Gel!!! Kausapin mo ako!!! 10:01pm Dred: Nasa labas ako ng bahay niyo. Hindi ako aalis hangga’t hindi kita nakakausap. Please. 11:16pm Oh ‘di ba? Ganiyan palagi ang drama namin. Aawayin niya ako, mag-wo-walk out, tapos pupunuin ako nang ‘san damakmak na text messages at miscalls. Buti na lang marunong na akong gumamit ng ‘do not disturb’ button. Kaya kahit gaano kadami ng messages niya, hindi ko iyon maririnig. Tumayo na ako at naligo. Pagkapaligo ko, nagtimpla na ako ng kape at nag-umpisang kumain. Inihanda ko na rin ang baon ko. Pagkatapos kong kumain, nagbihis na ako at naghanda na sa pagpasok. “Ma, aalis na po ako,” paalam ko kay mama. Tulog pa ang mga kapatid ko kaya kay Mama lang ako nagpaalam. Mamaya pa kasi ang mga pasok nila. “Mag-iingat ka anak,” sagot naman ng aking ina. Humalik na ako sa kaniya bago naglakad palabas ng bahay. Paglabas ko ng bahay namin, ay kailangan ko pang maglakad nang kaunti bago makarating sa sakayan ng bus papuntang Ortigas. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Dred sa labasan, at nag-aabang sa akin. Hindi ko siya pinansin, at nilagpasan ko lang siya. “Gel, ganito na lang ba tayo? Hindi na ba talaga natin aayusin ito?” Narinig kong tanong niya sa akin, ngunit hindi ako huminto at dire-diretso lang ako sa paglalakad. “Huyyy, ano ba? Puwede bang harapin mo naman muna ako!” Hinawakan pa niya ang braso ko. Napahinto naman ako at napilitang harapin siya. “Anong usap ba ang gusto mo? Alin ba sa mga sinabi ko kagabi ang hindi mo maintindihan? Tapos na tayo Dred! Pwede bitawan mo na ako dahil mahuhuli na ako sa trabaho ko?!” Marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya, saka nagmamadaling naglakad palayo. Hanggang makarating ako sa sakayan ng bus. Dahil maaga pa naman, mabilis akong nakasakay. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na sumunod si Dred sa akin. Dahil kung hindi, malamang gumawa kami nang scene sa loob ng bus. Pagdating ko sa coffee shop, agad na rin akong nagbihis ng uniform. Nagbasa muna ako ng love letter sa log book, bago umpisahan ang trabaho. Tahimik pa ang umaga kaya naman natapos ko agad ang set up sa kusina. Bandang alas syete nang umaga, nang dumating si Ayen. Kami kasi ang buddy ngayon sa umaga. “Playmate!” bati namin sa isa’t-isa saka nagtawanan. “Ano kumusta ka naman?” tanong niya sa akin. “Eto single and free!” nakangising saad ko sa kaniya. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari kagabi, at kanina habang naghihiwa kami ng mga back up stocks namin. Siyempre nainis siya kay Dred. Nakakainis naman kasi talaga ang ugali ni Dred. Mahal ko lang din sadya, kaya palagi kong ipinagtatanggol sa kanila noon. “Naku Playmate ha, baka naman mamaya balikan mo na naman ‘yon, kapag nagmakaawa sa iyo!” sabi pa ni Ayen sa akin. “Nauntog na ako playmate. Kaya bahala siyang matuyo sa panunuyo, at mapagod kakasunod,” sagot ko naman kay Ayen. Pero iyong totoo? Marupok po ako! Kapag sinuyo niya ako mamaya patay na. Pero hindi, hindi na talaga! Kailangan kong panindigan iyong desisyon ko. Dahil kung hindi, uulit at uulit na naman kami sa away-bati moments namin. Ayaw ko na promise! Nakakapagod na rin talaga ang ganoon. “Naku sana totoo na iyan playmate! Kaysa naman palagi ka na lang ginaganiyan niyang si Dred!” panenermon pa nito sa akin. Napabuntong hininga na lang ako saka nagtuloy na kami sa pagta-trabaho. Mabilis lumipas ang mga oras at uwian na ulit namin. Siyempre naghintayan na naman kami ni Ayen. Habang naghihitay kay Ayen, binuksan ko ang cellphone ko at may mga mensahe na naman si Dred. Napabuntong hininga na lang ako, at agad kong binura ang mga mensahe niya. Not interested! Kasi puro pango-ngonsensya, at kung anu-anong panunumbat lang ang mga iyon. “Tara na playmate!” Maya-maya’y narinig kong yaya ni Ayen sa akin. Hindi ko namalayang tapos na pala siyang magbihis. Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko sa aking balikat, saka kami lumabas sa back door ng BSC. “Playmate, ex mo,” bulong sa akin ni Ayen sabay kalabit sa braso ko. Dahil nakatungo ako, hindi ko napansin na nandoon pala si Dred. Masamang tiningnan ni Dred si Ayen. Dati pa man ay pinagse-selosan na niya si Ayen, at sinasabing bad influence raw ito sa akin. Kung sa paanong paraan ay hindi ko alam. “Halika na Ayen,” sabi ko lang kay Ayen. Hinila ko si Ayen dahil wala akong balak kausapin si Dred. Pero humarang ito sa daraanan namin. “Gel, ano ba? Hindi na ba natin talaga aayusin ito?” galit na tanong niya sa akin. At siya pa ang galit ‘di ba? “Umalis ka na Dred! Wala na tayong dapat pag-usapan pa! Tinapos na natin kagabi ‘di ba? Inulit ko na rin iyan sa iyo kaninang umaga!” sagot ko naman sa kaniya at pilit kong tinitigasan ang bawat salitang sinambit ko sa kaniya. “Ang tapang mo ngayon sumagot ah! Bakit nasulsulan ka ba ng kaibigan mo?” nang-uuyam na tanong niya sabay tingin kay Ayen. Sadyang diniinan pa niya ang pagkakabigkas ng salitang ‘kaibigan mo’, na tila pinariringgan si Ayen. “Tumigil ka nga Dred! Walang nagsulsol sa akin, desisyon ko ito. Umalis ka na, at ‘wag mo na akong guguluhin pa kahit kailan! Lahat nang ibinigay mo sa akin, pati si Boogy, ‘wag kang mag-alala ibabalik ko iyon sa iyo ng buong-buo, at kompleto! Walang labis, at walang kulang!” Hinila ko na ulit si Ayen at dire-diretso kaming naglakad palayo sa kaniya. Nang may makita kaming taxi, agad naming pinara iyon at sumakay. Alam ko kasi na susundan pa rin kami ni Dred. Siyempre naka-motor siya, so maabutan niya kami kapag naglakad lang kami. “Playmate okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Ayen nang nasa loob na kami ng taxi. “Oo Playmate. Letse siya! Akala ba niya babalikan ko na naman siya? Hindi na! Pagod na pagod na ako sa ugali niyang ganoon. Pati ikaw pinagse-selosan noon, kaya ganoon siya ka-bitter sa iyo!” hindi ko na napigilang sabi kay Ayen. Medyo nangingilid na rin ang luha ko sa sobrang inis. Tila naman nagulat si Ayen sa sinabi ko. “Huh? Ang lakas naman pala ng tama noong ex mo playmate eh,” napapa-iling na lang na sabi ni Ayen. Namilog din ang mga mata nito dahil sa pagkagulat. Hindi kasi niya akalain na pinagse-selosan pala siya ni Dred. Never ko naman kasi sinabi sa kaniya iyon eh, dahil ayaw kong maging masama ang tingin niya kay Dred. Bakit? Eh, kasi nga mahal ko si Dred, at importante rin sa akin ang friendship namin ni Ayen. Kaya gusto ko sanang magkasundo sila. Eh kaso, praning si Dred. “Hayaan mo na playmate. Buti nga iyon, at nahiwalayan mo na rin siya sa wakas!” Hinimas pa nito ang balikat ko habang sinasabi iyon sa akin. Pinahid ko naman ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Hindi ko na kasi napigilan kaya tuluyan nang pumatak iyon. Pagkatapos kong pahirin ang mga luha ko, ngumiti na ako kay Ayen. “Oo ipagdasal na lang natin siya na sana malinawan na ang utak niya,” sabi ko pa kay Ayen. At dumaan nga kami ni Ayen sa simbahan. Dahil Lingo naman ngayon, magbabawas muna kami ng kasalanan, at ipagdarasal ko na rin si Dred. Pagkatapos ng misa, siyempre hiwalay na naman kami ng sasakyan. Medyo gumaan na rin naman ang pakiramdam ko pagkatapos naming magsimba. Nang makarating ako sa amin, naabutan ko na naman si Dred sa bahay, at halatang hinihintay ako. Hindi ko siya pinansin, at dire-diretso akong naglakad palapit kay Mama at nagmano. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa kuwarto ko upang ipunin sa isang lalagyan ang lahat nang ibinigay niya sa akin. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya sa akin. Tahimik lang siyang nakatayo sa nakapinid na pintuan, habang nakatingin lang siya sa akin na nagliligpit ng mga gamit na binigay niya sa akin noon. Hanggang sa lumapit na siya at magsalita. “Gel, ano ba? Pag-usapan naman muna natin ‘to oh.” Pinigilan niya ako sa ginagawa kong paglalagay ng mga gamit sa box. “Sorry na! Sorry kasi pinairal ko ang init ng ulo ko. Sorry kasi pinag-selosan ko na naman iyong kaibigan mo. Sorry kung nakapagbitiw ako nang mga masasakit na salita. Pero kasi nakakainis ka rin eh! Tinitiis mo ako, ni hindi ka man lang sumasagot sa mga messages ko sa iyo. Tapos nakikinig ka pa sa mga sinasabi ng kaibigan mo!” Ang galing niya ‘no? Magso-sorry pero may kasamang paninisi at panunumbat! Itinigil ko ang aking ginagawa at tuluyan na siyang hinarap. “Ayan tayo eh, magso-sorry ka nga pero may halong paninisi at panunumbat naman!” Tinitigan ko siya at kinapa sa sarili ko, kung ano bang nararamdaman ko ng mga oras na iyon? Nakapamaywang akong nakatingin sa kaniya habang kagat-kagat ko ang aking mga labi. Nag-iisip kasi ako kung papaano ko bang sasabihin ang gusto kong sabihin na hindi siya mag-aalburoto. “Okay. Pinapatawad na kita. Tinatanggap ko na ang sorry mo. Pero pasensya ka na Dred, ayaw ko nang ituloy itong relasyon natin. Mas mabuti pang maging magkaibigan na lang tayo, kaysa palagi na lang tayong magkakasakitan. Maisalba man lang natin iyong friendship natin,” mahabang paliwanag ko sa kaniya. Ngumiti siya nang mapait saka nagsalita, “Ganoon na lang ba iyon? Dahil lang sa mga nagawa ko kahapon, ito na iyon? Ayaw mo na agad sa akin? Tapos na agad tayo? Sige! Kung ito na talaga iyong desisyon mo, bahala ka! Sana lang maging masaya ka sa desisyon mo at ‘wag mong pagsisihan balang araw!” Kinuha na nito ang box sa kamay ko, at siya na mismo ang nagsilid doon ng mga natira pang mga gamit. Ang sama ng ugali ‘no? Ehehehe. Okay lang gamit naman niya iyon eh. Nalulungkot naman ako sa nangyari, dahil pati pagkakaibigan namin mukhang hindi na maibabalik sa dati. Well, iyon naman ang gusto niya eh. Wala naman na akong magagawa. Nang makalabas siya ng bahay namin ay hindi na nagtanong si mama at ang mga kapatid ko. Kaya naman tahimik lang din akong nagkulong sa kwarto ko at umiyak. Siyempre naman matagal din kaming magkasama ha. Hindi lang bilang mag-partner, kundi mag-best friend din. Madami rin kaming pinagsamahan kaya nakakalungkot talaga. Hindi lang naman dahil sa mga sinabi niya kahapon kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya. Sa totoo lang hindi na talaga ako masaya sa relasyon namin. Palagi na lang kaming nag-aaway na minsan napipisikal na rin niya ako. Tapos kapag umiyak na ako saka siya mahihimasmasan at magso-sorry. Magpapakatino ng ilang araw, maximum of one-week. Tapos balik na naman sa ganoon. Nakakapagod, parang panandaliaan lang iyong kaligayahang nararamdaman ko sa kaniya. Sa loob ng isang buwan, mas marami pa ‘yong araw na nag-aaway kami kaysa nagkakasundo. Nakakasakal siya magmahal. Palaging dapat siya iyong masusunod. Para akong tau-tauhan sa kaniya. So ngayon, feeling ko nakalaya na ako sa relasyon naming nakakasakal. Para akong preso na naparolan at nakalaya. Malungkot mang isipin na nag-hiwalay kami sa ganitong paraan, masaya pa rin ako sa kabilang banda. Someday, matatanggap din niya ang lahat, at alam kong magiging okay rin kami. Someday, maibabalik din namin ang magandang samahan namin— bilang magkaibigan… Someday.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD