Dazzle's POV Magtatatlong linggo na kami dito ni nanay sa America at bukas ay flight ko naman pabalik ng Pilipinas. May nararamdaman akong pagkasabik sa aking pagbabalik dahil iba pa rin ang nasa Pilipinas ako dahil dito ako lumaki at nagkaisip. Napakalaki na ng pagbabago na nangyari sa aming buhay. Lahat ng bagay ay naaabot ko na kahit pa ang pinaka imposible ay nakakamtan ko na sa isang kumpas lamang ng daliri ng aking ama. Tinuruan din nila kami ni nanay ng tamang etiquette. Sabi nga ng lolo at lola ko kung tutuusin ay hindi na kailangan dahil napalaki ako ng maayos ng aking ina. Ngunit kinailangan ko ring matutunan kung paano makihalubilo sa mga mararangyang tao at pati ang aking tindig at pananamit ay nabago na rin. Nag-eempake ako ng aking mga gamit ng pumasok sa aking silid an