Candice's POV "Pwede ba tigilan mo na ako!" Galit kong ani kay Frank. "At bakit ko naman gagawin 'yon ha, para mapunta ka sa hampaslupang Hendrickson na iyon ha?" Asik naman sa akin ni Frank habang hawak-hawak ako ng mahigpit sa aking braso. "Bakit kailangan mong magsinungaling sa kanya ha hayop ka? Walang kasalang magaganap dahil hindi naman 'yan totoo. Mas gugustuhin ko pa na maging matandang dalaga kaysa naman pakasalan ang isang katulad mo!" Bulyaw ko sa kanya at isang sampal ang dumapo sa aking mukha. Napahawak ako sa aking pisngi at binigyan siya ng masamang titig na kung nakamamatay lamang ang masamang pagtitig ay kanina pa sana siya bumulagta sa sahig. "Wala kang karapatang saktan ako hayop ka Frank! Sa simula pa lamang ay hindi na ako pumayag sa gusto mo na paibigin si Dazzle