Dazzle's POV Sa wakas ay natapos na rin itong bagong mansion ko. Kung titignan mo ito ay tila ba isang bagong tayong malaking bahay. Hindi ko na nakikita ang pagkakahawig nito sa dating itsura nito. Kasama ko ngayon dito ang mga pinsan ko. Dito na muna kami ngayon maglalagi sa lugar na ito upang mabantayan ko si Candice. "Halikayo sa labas. Bumili tayo ng kwek-kwek." ani ko na ikinagulat nila. Nakatitig lamang sila sa akin at tinatantiya ang mga sinabi ko. "What? Ayaw n'yo bang kumain ng kwek-kwek? Masarap ang kwek-kwek lalo na kung maanghang ang sawsawan." wika ko. Napangiti sila at tinapik ako sa balikat. "Sigurado ka na ba na magpapakita ka sa kanila?" tanong sa akin ni Rouge. Tumawa lamang ako sa kanila at tumango ako. Wala naman akong dapat na ikatakot sa kanila dahil unang-una si