Dazzle's POV "Fuuuuuck man! Ang sakit ng likod ko!" Bungad sa akin ni David pagkagising na pagkagising niya habang ako naman ay pinagtatawanan lamang siya sa kaniyang inaasta. "Sabi ko naman kasi sa iyo hindi mo kailangang matulog dito." Natatawa kong ani sa kanya habang minamasahe ko ang gawing batok niya. "Malay ko ba naman na ganito pala kasakit sa katawan ang matulog sa papag na walang kutson, paano n'yo natatagalan 'yan ni tita?" Reklamo n'ya pang muli sa akin habang ngiwing-ngiwi habang minamasahe ko ang kaniyang batok. "Sanayan lang 'yan pinsan, pag lagi kang matutulog d'yan masasanay din ang katawan mo." Turan ko naman sa kanya habang pailing-iling siya ng kaniyang ulo. Umupo ito sa matigas na sofa na yari sa kawayan kaya pinayuko ko ito ng bahagya at sinimulan kong masahihin