Candice's POV Kadarating ko lang sa school at napansin ko ang ilang nagkukumpulang mga estudyante na nag-uusap usap, lalagpasan ko na lamang sana sila ng maulinigan ko ang babaeng nagsalita na si Maxine kaya napalingon ako dito. "Ang kapal talaga ng pagmumukha ni hampaslupa! Nakuha pa talagang bumalik at dito pa talaga sa eskwelahan ng mayayaman magtatapos. Ibang klase din talaga ang kakapalan ng pagmumukha n'ya!" Ani nya ng may kalakasan habang inaalipusta ang taong pinag-uusapan nila at batid kong walang iba kung hindi si Dazzle. Kumabog ang dibdib ko sa isiping nagbalik na muli si Dazzle at walang anuman ang nangyari sa kanya kaya tuwang-tuwa ang aking kalooban na malaman na dito rin siya aakyat ng entablado sa araw ng aming pagtatapos. "Pero aminin ninyo mas lalo siyang gumuwapo,