Chapter 15

1072 Words
Ginabi na kami sa ka meeting ko sa Hotaro restaurant. Medyo nakainom pa ako dahil nagyaya ito uminom ng Sake. Hinatid muna namin si Haruka sa condo niya. Bago kami umuwi na. "Bye, tomorrow uli." Sabi nito saka humalik sa pisngi ko. Bago bumaba. Huminga na lang ako ng malalim. Naalala ko na naman si Althea. "Yung babae na yun. Ginugulo ng husto ang systema ko. Bakit ba ang hirap niya intindihin?" Sabi ko saka hinubad ang coat ko saka niluwagan ang neck tai ko. Saka pumikit ako. Tinitingnan ako ni Kayashi. "Si miss Althea ba ang gumugulo sayo Boss?" Tanong nito ng hindi makatiis. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mapaamo siya." Sabi ko.Saka huminga. " Mahirap talaga intindihin ang mga babae. Pero lahat sila gusto ang nilalambing sila. Bakit hindi mo ligawan si miss Althea Boss." Sabi nito sa akin. Napatingin ako sa kanya. " Ligawan? What is that? " Tanong ko sa kanya. Napangiti siya sa akin. "Ligawan is pilipino word that means courting. Bibigyan mo ng flowers and chocolate ang babae. Para maramdaman niya na mahalaga siya sayo." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. Saka napaisip. Saka pumikit uli.Nakakaidlip na ako ng. Gisingin ako ni Kayashi. " What? " Tanong ko dito. " Kanina ko pa napapansin ang itim na sasakyan na yan. Kanina pa yan nakasunod sa atin." Sabi ni Kayashi.Napakunot ang noo ko saka tumingin sa side mirror. Nakita ko ang itim na kotse na nasa likod namin. " Hayaan mo lang sila. " Sabi ko sa kanya. " Boss nawala sila" Sabi ni Kayashi sa akin. " Nasan na tayo? " Tanong ko. "Nasa C5 road po tayo Boss." Sagot nito sa akin. Nakita ko na paakyat kami sa sky highway. "Maghanda ka." Sabi ko kay Kayashi.Nang makita na pababa na kami sa sky highway Napatingin siya sa akin. "Magmenor ka ng pagmamaneho." Sabi ko sa kanya. Saka kinapa ang baril ko sa gilid ng upuan. Nagmenor si Kayashi. Pagbaba namin bigla kaming pinaulanan ng bala. Hininto ni Kayashi ang sasakyan. Kinuha niya ang armas niya sa tabi niya. Nakiramdam kami. "Boss nagigitnaan nila tayo. Meron din sa likod natin." Sabi ni Kayashi. "Akong bahala sa harap ikaw ang bahala sa likuran natin." Sabi ko sa kanya.Tumango siya. Pagtigil ng putok. Sabay kami lumabas ni Kayashi sabay paputok. Sabay din kami nagtago sa pintuan ng kotse ng mawalan kami ng bala saka nagkabit ng bala. Ilan ang nakita namin na tumumba. Pinaulanan nila kami ng putok. Pinuntirya ko ang ulo ng isa. Tumumba ito. Nagkatinginan kami ni Kayashi. Sabay kaming lumabas. Nakipag sabayan kami sa mga ito. Bumunot kami ng granada hinagis namin sa mga kotse nila. Kahit na sumabog na ang mga sasakyan nila hindi parin kami tumigil sa pagpapaputok. Nang tumigil kami nilapitan namin ang mga nakabulagta. Tiningnan namin kung may buhay pa. Bumalik lang kami sa sasakyan namin ng marinig namin na may dumarating na alagad ng batas. "Boss may tama ka." Sabi ni Kayashi. "Wala ito. Ikaw ayos lang ba ang tama mo?" Tanong ko sa kanya. "Daplis lang ito Boss." Sagot niya. Tumango ako. Pinunit ko ang manggas ng long sleeve ko saka tinapal sa sugat ko. Bago ko tinalian ng sinturon ko. "Sa palagay niyo Boss. Tungkol ba sa negosyo ang dahilan ng pagtatambang nila sayo. O tungkol sa files?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. "Hindi pa natin masabi. Ang alam ko lang masusundan pa ito. Kaya kailangan natin magingat." Sabi ko sa kanya. "Kung ganun. Kailangan na natin dalahin ang mga tao natin Boss." Sabi niya sa akin. Napaisip ako. Eto ang gusto ko ang sugurin nila ako. Pag dinala ko ang mga tao ko magaalangan sila na pagtangkaan ako. Gusto ko na harapin nila ako. Nang makilala ko ang kalaban namin. "Mas kailangan sila sa bahay. Saka gusto ko na harapin nila ako. Ng malaman natin kung sino sino ang kalaban natin." Sabi ko sa kanya. " Wala akong nakita na palatandaan sa mga tao na yun. Malinis ang mga katawan nila." Sabi ni Kayashi. Napaisip ako. Kung sa mga Yakuza sila may makikita ako ng palatandaan sila na makikita ako. Pero kung sa madia at Sa negosyo wala akong makikita na tatak sa kanila. Kaya nahihirapan ako na makilala sila. Kung anong grupo sila. Pagdating namin sa bahay nagaalala na sinalubong ako ni mama. " Si Althea ma dumating na ba? " Tanong ko kay mama. Napakunot ang noo nito. " Puro sugat kana nga yung babae parin na yun ang tinatanong mo. " Sabi nito. " Mama gusto kong malaman kung ligtas siya na nakauwi. " Sabi ko dito. Huminga ito ng malalim. " Oo, kanina pa siya dumating." Sabi nito. Tumango ako. "Pakiakyatan ako ng mainit na tubig. Pati yung frst aid kit." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Pagdating ko sa silid ko. Nagsalin ako ng alak sa baso.Ininom ko ito. Bago ko tinanggal ang pagkakabalot ng sugat ko. Kinuha ko ang nife ko saka binuhusan ng alak ang sugat ko. Saka ko dinukot ang bala gamit ang nife ko. Saktong pumapasok si mama dala ang mga pinakuha ko. Nilagay ko sa malinis na tubig ang bala. Bago p ko ng alak ang sugat ko. Nang makuha ko ito. Saka ko binuhusan ng alak uli ang sugat ko. Bago ko tinahi ang sugat ko at binendahan ang sugat ko. Nagpaalam na si mama sa akin. Nang mailigpit niya ang mga ginamit ko. Kinabukasan kinausap ko si Kayashi binigay ko ang bala na nakuha ko sa sugat ko kagabi. Pinadala ko yun sa tao na makakatulong sa akin. Hindi na naman sumabay sa akin si Althea. "Hello? James, iorder mo ako ng flowers at Chocolate." Sabi ko kay James. Napatingin si Kayashi sa akin.Napangiti ito.Dinaanan muna namin si Haruka at Hinatid muna kami ni Kayashi sa opisina bago ito nagpaalam na dadalahin na ang pinadadala ko. Pagdating namin sa opisina dumeretso sa upuan niya si Haruko ganun din ako. Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko ng pumasok si Haruko. "Kojima nandiyan na ang pinaorder mong roses and Chocolate. Kanino mo ba yun ibibigay?" Tanong ni Haruka sa akin. Tumingin ako sa kanya. " Sabihin mo paki dala sa Head office ibigay niya kamo kay miss Althea." Sabi ko dito. Sumimangot ito. " Bakit sa babaeng yun? " Tanong nito. Huminga ako ng malalim. Saka tumingin sa kanya. Nagmamaktol na umalis ito. Umiling na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD