Chapter 16

1363 Words
****ALTHEA POV#*** "Miss Althea, pinabibigay po ni Mr. President." Sabi ni James. Napakunot ang noo ko. Ngumiti si James sa akin. Bago nagpaalam ito. " Nanliligaw sayo ang assistant ng president?" Tanong ng katabi ko. Napalingon ako sa kanila. Mga nakatingin sila sa akin. Nakaramdam na naman ako ng inis. " Talaga bang hindi man lang nila naisip na ang president ang nagbigay sa akin ng bulaklak at Chocolate. Hindi ba talaga sumagi sa isipan nila na baka ako ang asawa ng president. Malayo ba sa itsura ko ang magugustuhan ni Kojima? " Inis na bulong ko sa isip ko. " Gusto niyo inyo na lang." Sabi ko sa inis ko. Napatanga sila. " Ang choosy ha, Assistant na ng president ang nagkakagusto sa kanya ayaw pa niya. " Bulong ng isa. " Baka gusto niya yung president mismo? " Sabi naman ng isa. " Naku malabo na magkainterest sa kanya ang president. Anak kaya ng may ari ang asawa nun. " Sabi naman ng isa. Lalo lang akong nainis. " Sungangain ko kaya ang mga ito ng makita ng mga ito ang mga pinagsasabi nila." Inis na bulong ko sa isip ko. " Talaga lang ha, hindi magkakainterest sa ganda ko si Kojima. " Bulong ko sa isip ko. Saka naalala nung nag swimming ako sa pool. "Pinili ko pa mandin ang Paborito kong two piece. Naalala ko pa nung mag photoshoot ako na suot ko yun sa Canadian beach marami ang humanga sa mga kuha ko. Sabi pa nga nila wala raw lalake ang hindi luluwa ang mata kapag suot ko yun. Pero nung araw na yun walang epekto sa kanya yun. Dahil kasama niya parin ang babae na yun na maliligo sa pool. Ni hindi ko man lang nakuha ang attention niya." Bulong ko na nakasimangot. Na wala na naman tuloy ako sa mood. Niyaya ko si Roy at Devine na kumain sa labas. Kahit nag text siya sa akin na magsabay kami mag lunch hindi ko siya pinansin. Alam ko naman na kasama na naman niya ang babae na yun. Pagbalik ko sa upuan ko pagkatapos ng brek time. Nagtataka ako na nakatingin na naman sila sa akin. "Pumunta dito nung breaktime ang assistant ng President. Mukhang aayain ka niya na kumain sa labas kaso wala kana. Kaya malungkot na umalis ito." Sabi ng katabi ko. Hindi ako umimik. " Hindi mo siya talaga type no? " Sabi uli nito. Tiningnan ko lang siya. Saka himinga ako ng malalim para kumalma. Maaga pa nagligpit na ako ng mga gamit ko. Nagpasundo ako kay Roy. Pagdating ko ng bahay. Sinalubong ako ni yaya. " Bat ang aga mo?" Tanong ni yaya sa akin. " Maaga nagpalabas ang head namin. Tapos ko na naman ang mga aayusin ko kaya umuwi na ako. " Sabi ko. Maaga din akong nagpahinga para hindi ko siya makita. Kinabukasan namili ako ng damit sa closet ko. Nang may makita napangiti ako. " Tingnan ko lang kung iisipin parin ninyo na hindi magkakainterest sa akin ang president niyo. " Inis na sabi ko. Habang pinagmamasdan ko ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng blouse na kulay Creama. Sleeveless ito kita ang cleavage ko. Ang dulo nito Nakatali ng paribbon sa gilid ng bewang ko. Kaya kitang kita ang liit ng bewang ko. Pinarisan ko ito ng slacks na kulay itim at heels na itim. Nagaply ako ng manipis na make up bago nilugay ko lang ang tuwin na tuwid kong buhok. Kinuha ko ang bag ko na kulay cream din. Saka ako lumabas ng silid ko. Pagbaba ko nagulat ako ng makita ko si Kayashi. Tumayo ito ng makita niya ako. "Pinabalik po ako ni Boss para ipagmaneho kayo." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. "Hindi na kailangan gagamitin ko na ang sasakyan ko." Sabi ko sa kanya sabay talikod hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Excited ako ng makasakay ako sa kotse ko. Na miss ko ito. Ayaw ko sana itong gamitin dahil ayaw kong makatawag ng pansin. Pero kung ano ano ang iniisip nila tungkol sa akin. Naiinis ako kaya. Kailangan ko ng ipakita kung sino ako. Pagdating ko pinarada ko ang sasakyan ko sa tabi ng mga sasakyan ng mga empleyado. Sinuot ko ang Sun glasses na kulay brown ko. Bago ako lumabas ng kotse ko. Pagpasok ko sinalubong ako ng guard. Bumati ito sa akin. "Buti pa itong si mamang guard alam kung sino ang igagalang niya." Bulong ko ng bumati ito sa akin. Pasakay ako sa elevator ng bumukas ang katabing elevator. Lumabas si Kojima na may kausp. Pagtingin ko nakita ko na nakakapit sa kanya si Haruka. Napakunot ang noo ko. Hindi nila ako napansin dahil katabi ko ang mga empleyado. Nakatingin sila sa akin. Naglingunan sa akin ang mga kasama ko ng pumasok ako sa opisina namin. Napangiti ako ng lihim. "Siguro naman hindi niyo na ako pagiisipan na kabit no." Bulong ko sa isip ko. Napakunot ang noo ko ng makita ang flowers at chocolate sa lamesa ko. Nainis ako. Naalala ko kung pano makakapit sa kanya ang babae na yun. Sa inis ko pinamigay ko uli ang mga yun. Pagdating ng lunch hindi siya nagtext sa akin kaya lalo lang akong nainis. Tatawag na sana ako kay Devine para magyaya maglunch pero nagulat ako ng may dumating na delivery ng pagkain para sa akin. Kinaim ko na lang ito. Kasi sa totoo lang tinatamad naman talaga ako lumabas. Pagdating ng hapon may dumating na delivery uli sa akin Chocolate cake at Mango shake. Pagkatapos nakatangap ako ng text sa kanya. "Wag mong kalimutan na kumain masama ang nalilipasan ng gutom." Basa ko. Inis na binura ko ang message niya. "Hmm, anong akala mo naman magpapalipas ako ng gutom dahil sa inyo." Inis na sabi ko saka ininom ang Shake. Medyo kumalma ang pakiramdam ko ng matikman ang Shake. "Hmm, masarap talaga ang mango shake. Pano kaya niya na laman na gusto ko ang dalawang ito?" Bulong ko sa isip ko. Tambak ang gawain ko kaya nag over time ako. Na laman ko na hindi na sila bumalik sa opisina. Dahil naghatid ako ng mga files sa opisina niya. Gabi na ako nakauwi. Kagaya kahapon gamit ko nanaman ang kotse ko. Pababa na ako ng kotse ko ng makita ko na dumating ang kotse ni Kojima. Napakunot ang noo ko. "Tanghali na ah." Sabi ko. "Bat hindi ko siya nakita sa bahay kung hinintay niya ako." Sabi ko uli. Lalabas sana ako ng lumabas ito at umikot sa kabilang pintuan. Parang may kung anong kumirot sa akin. Nang makita si Haruka na bumaba sa kotse nito. Inis na inis ako dito. Mainit ang ulo ko ng pumasok ako sa opisina namin. Napakunot lalo ang noo ko ng makita na maraming bulaklak ang nasa lamesa ko. "Mukhang ang dami mong admirer ngayon Althea. Ang ganda mo kasi kahapon kanina pa kami tangap ng tangap ng mga bulaklak galing sa ibat ibang department. " Sabi ng katabi ko. Napatanga ako. Mauupo na sana ako ng dumating si James may dalang bulak lak saka maiit na kahon. Natigilan ito ng makita ang mga bulaklak. Sa lamesa ko. Kinuha ko ang dala niya at nilagay sa mga bulaklak na iba. Pagalis ni James Pinamigay ko ang mga bulaklak na dala niya sa mga kasamahan ko.Nag over time na naman ako. Pagdating ko sa bahay. Nakita ko siya na nasa sala. Tumingin siya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. "Yaya, ipakuha mo nga po sa mga katulong yung mga bulaklak sa kotse ko. Paki sabi po ilagay nila sa mga vase." Sabi ko kay yaya. Tumango ito sa akin. Hininta ko na makuha nila ang mga bulaklak. Nakita ko na napakunot ang noo niya. Alam ko kung bakit kasi wala ang bulaklak na binigay niya sa mga ito dahil pinamigay ko sa opisina namin. " Ang dami naman nito Althea." Sabi ni yaya sa akin.Ngumiti ako sa kanya. " Ano kaba yaya para naman hindi mo alam ang epekto ko sa tao. Dati pa naman. Hindi ko lang sila inientertain. Pero ngayon naisip ko wala naman sigurong masama kung magentertain ako ng ilan sa kanila." Sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD