"Lagyan mo ako ng sun black yaya." Sabi ko dito saka dumapa sa pull ding bed nanasa tabi ng pool. Nilagyan ako nito sa likod ko. Ng matapos ako na ang naglagay sa mga hita ko saka braso ko. Ng matapos tumalon na ako sa tubig. Lumangoy ako ng tatlong ulit bago ako umahon.
Nagpunas ako ng tuwalya bago ako umupo at ininom ang juice at kinain ang cake. Nasa kalagitnaan ako. Ng marinig ko ang boses ng dalawa na palapit. Napakunot ang noo ko. Nang bumungad sa akin ang dalawa. Mukhang maliligo din. Kaya inis na tatayo na sana ako ng tumunog ang phone ko.
"O, Roy! Napatawag ka?" Tanong ko dito. Eto ang beautician ko.
"Kailan? Ngayon na?" Tanong ko dito. Inaalok ako nito na magmodel para sa mga poor daw ito. May grupo kasi ito na tumutulong sa mahihirap.
"Okay! Basta ihahatid mo ako ah. Sige sunduin mo na lang ako. Ikaw pa e love kaya kita." Malambing na sabi ko dito. Saka nagmamadali na akong umalis sa pool hindi ko na sila pinasin.
"Sa wakas nakaalis din sa bahay na ito. " Inis na sabi ko saka nagbihis ako. Saktong nakakatapos ako magbihis ng tumunog ang CP ko.
"Wag ka ng bumaba antayin mo na lang ako sa gate baba na ako. " Sabi ko saka kinuha ang bag ko.
"Yaya aalis na muna ako may dadaluhan lang akong event. Kasama ko si Roy." Sabi ko saka nagmamadaling lumabas ng bahay. Paglapit ko sa kotse lumabas si Roy hinalikan ako sa pisngi. Yumakap ako dito. Na miss ko ito ilang buwan din kaming hindi nagkita.
" I miss you gaga! " Sabi ko sa kanya. Tumawa ito.
Gabi na natapos ang event may kunting party pa sila. Kaya medyo tipsy na ako ng ihatid niya ako.
" Next time ulit ah. " Sabi nito ng ihatid niya ako. Sabay halik sa akin.
" Oo ba. Sabihan mo lang ako. " Sabi ko sa kanya. Saka kumaway na dito. Binati ako ng guard namin. Ngumiti ako dito. Tulog na ang mga tao. Tahimik na ang bahay. Dumeretso ako sa silid ko.
" Hmm, nandito pa kaya ang babaeng yun? Sana wala na dahil nasisira ang araw ko dahil sa kanya." Bulong ko saka dumeretso sa silid ko. Bubuksan ko na lang ang pintuan ko ng may magsalita sa likod ko.
" Sino yung naghatid sayo? " Tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko.
" Ano naman ang paki mo? " Inis na sabi ko sa kanya. Hindi ko parin nakakalimutan ang inis ko sa kanya.
" Meron dahil asawa mo ako at may kasunduan tayo. " Galit na sabi niya. Napakunot ang noo ko.
" Galit ba siya? Bakit naman siya magagalit kay Roy? Teka dapat ako ang nagagalit ah bakit siya? " Inis na sabi ko.
" So, naaalala mo pala ang kasunduan natin? Teka asawa? Baka nakakalimutan mo.. Hin." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hapitin niya ako. Saka sinandal sa ding ding ng silid ko.
"Nakakalimutan na ano?" Sabi niya saka nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kinabahan ako. Ang lakas ng kalabog ng dib dib ko. Habang palapit ang labi niya sa labi ko nataranta ako. Naamoy ko ang amoy niya amoy alak siya. Kaya lalo lang akong nahilo. Kaya bago pa lumapat ang labi niya sa labi ko. Naitulak ko siya saka sapo ang bibig ko na nagmamadali akong tumakbo sa banyo ko saka doon ako sa sink sumuka. Nang mailabas ko ang laman ng tiyan ko. Saka lang ako nahimas masan.
"Teka hahalikan niya ba ako?" Bulong ko pagkatapos kong maghilamos. Ng maalala ang gagawin niya namula ako.
"Hahalikan niya nga ako. Nasisiraan na ba siya?" Bulong ko saka tumingin sa salamin. Nanlake ang mata ko ng makita na namumula ako. Naghilamos ako uli. Pero hindi natatangal ang pamumula ko.
Kaya inis na naligo ako. Pero lahit anong gawin ko hindi ko maalis sa isipan ko ang ginawa niya.
Hangang nakayulugan ko na. Tinanghali tuloy ako ng gising. Sinadya kong hindi sumabay sa kanya. Para hindi na ako napagkakamalan na nilalandi ang president. Hindi na ako nakapag almusal.
Nasa kalahati na ako ng ginagawa ko ng may dumating na delivery. Nagtataka ako. Wala naman akong inorder. Maya maya tumunog ang phone ko.
"Kainin mo yan, hindi ka daw kumain ng umalis ka sa bahay. Kita tayo sa lunch." Basa ko sa massage
Niya. Namula na naman ako. Tiningnan ko ang pinadeliver niya. Coffee saka chocolate cake. Napangiti na lang ako. Kinain ko ito. Ng magbreak kami.
" Pinadala ng boyfriend mo? " Tanong ng katabi ko. Tumango na lang ako. Ngumiti siya. Pagkatapos naming mag break. Napagutusan ako na ihatid sa vice ang isang files para papirmahan. Pasakay ako sa elevator ng makasabay ang assistant ni Kojima.
" O, bat nandito ka diba may meeting kayo ngayon? " Tanong ko sa kanya.
"Meeting? " Tanong niya sa akin.
"Nanggaling kasi ako sa office ng Vice wala daw ang vice may meeting daw sila. Kaya akala ko nasa conference room ka din. " Sabi ko sa kanya.
" Ah, hindi ako ang kasama ng president ang secretary na niya. " Sabi nito napakunot ang noo ko.
" Secretary?" Tanong ko sa kanya.
" Si miss Haruko. Hindi po ba nabigkas ng president sa inyo? " Tanong niya sa akin. Umiling ako.
" Baka nakalimutan niya lang po. " Sabi niya sa akin. Tumngo na lang ako. Nagpaalam na ako dito ng tumunog na ang elevator. Inis na inis ako ng lumabas ako ng elevator.
" Talagang ginawa niyang secretary pa yung babae na yun ha. Para hindi na sila magkahiwalay ganun." Inis na inis na bulong ko. Badtrip na badtrip ako. Pagdating ng lunch tinawagan ko si Devine pero busy daw ito may tinatapos daw ito. Kaya si Roy na lang ang tinawagan ko.
" Sige susunduin kita diyan. " Sabi nito na tuwang tuwa dahil nasa malapit lang daw siya. Na walan na ako ng ganang magtrabaho. Kaya nag half day lang ako. Nang tumunog ang phone ko.
"Kita tayo sa office." Basa ko sa massage ni Kojima. Nakaramdam ako ng inis.
"Hintayin mo mukha mo." Bulong ko. Inis na inis ako.
"Hindi ako makakarating may kasama akong maglulunch." Sabi ko. Saka pinatay na ang phone ko.
" Uy! May date siya. " Sabi ng katabi ko.
" Nandiyan na yata ang sundo mo. " Sabi ng katabi ko napalingon ako. Nakita ko si Roy na hinahanap ako. Kumaway ako. Saka kinuha ko na ang bag ko. Paglapit ko dito hinalikan ako nito sa pisngi. Kumapit ako sa braso nito. Lumabas na kami ng office.
***KOJIMA POV#***
Kanina pa ako naiinip sa meeting gusto ko ng hilahin ang oras para maglunch na. Ewan ko gusto kong makita siya. Kung hindi lang ako nagmamadali kaninang umaga hihintayin ko dapat siya. Kaso may meeting kasi kami ng 7:00 kaya nagmamadali na ako kanina. Nakita ko na malapit na silang mag breaktime kaya tinext ko na siya na magkita na lang kami sa office. Yayain ko siya sa labas kumain. Kaso nagulat ako sa sagot niya.
"Hindi ako makakarating may kasama akong maglulunch." Basa ko sa reply niya. Napakunot ang noo ko.
"Who?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi na niya sinagot. Paglabas ko ng conference room.
Tinawag ko si James. Pinapuntahan ko si Althea sa opisina nila. Ilang sandali lang bumalik ito.
"Sir. Wala na po daw si miss Althea nag half day lang po daw. Sinundo daw po ng boyfriend niya." Sabi ni James. Napakunot ang noo ko.
" Sinong boyfriend ? " Tanong ko kay James.
" Roy po daw, ang pangalan. " Sabi uli ni James.
Lalong kumunot ang noo ko.
Gabi na ako nakauwi dahil may kameeting pa ako sa labas.
" Si Althea yaya? " Tanong ko sa yaya niya ng dumating ako.
"Nasa silid na niya." Sabi ni yaya sa akin.
"Anong oras po siya umuwi?" Tanong ko uli.
"Gabi na siya hinatid ni Roy."
Sabi ni Yaya. Napakunot ang noo ko. Hindi na ako umimik. Ewan ko kung bakit nakakaramdam ako ng galit. Kahit may karapatan akong magalit hindi ko masabi sa kanya at yun ang isa sa kinagagalit ko. Pumunta ako ng Bar uminom ako dun. Hangang malasing ako.
*May problema ka ba Kojima? " Tanong ni Mama sa akin.
" Wala ito mama. " Sagot ko sa kanya.
" Kilala kita nainom ka lang pag may gumugulo sayo. " Sabi nito. Hindi ako umimik.
" Sa negosyo ba? " Tanong nito.
" Maliit na bagay lang ito mama. Gusto ko lang mainitan bago matulog. " Sabi ko sa kanya saka tinungga ko na ang laman ng baso ko saka ako nagpaalam na sa kanya.
Kinabukasan nainis na naman ako dahil hindi na naman siya sumabay sa akin. Ganun din sa pagkain ng lunch. Kaya inis na inis ako. Mainit ang ulo ko maghapon. Dala ko pati sa meeting namin.
*Bat ba ang init ng ulo mo yata ngayon? " Tanong ni Haruko sa akin.
" Mabuti pa imassage na lang kita. " Sabi niya. Hindi ako umimik. Kaya minasahe niya ako. Saktong may kumakatok.
" Come in. " Sabi ko. Nagulat ako ng pumasok siya . Nagulat din ito sa ayos namin. Kaya pinabalik ko na si Haruko sa upuan niya.
" Pinapipirmahan po daw ito sayo ng head namin sir." Sabi ko. Tiningnan ko siya. Hindi siya tumitingin sa akin. Huminga ako ng malalim.
Binaba ko ang ballpen ko. Sa wakas tumingin din siya sa akin.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. Huminga ako ng malalim. Saka ako tumayo.
"Hindi ko pipirmahan yan hangat hindi mo sinasabi kung ano ang problema." Sabi ko sa kanya.
"Babalikan ko na lang po sir. " Sabi niya saka aktong aalis na. Pero hinawakan ko ang kamay niya.
"Althea naman." Sabi ko sa kanya. Pero binawi niya lang ang kamay niya. Hindi ko sana bibitawan kaso pumasok si Haruko. Napatingin sa amin.
"What?" Tanong ko dito.
"Maguumpisa na ang meeting natin." Sabi niya.Nagpaalam na siya sa akin bago pa ako makapagsalita umalis na ito. Napatiim bagang na lang ako.
"Sige susunod na ako." Sabi ko kay Haruko. Saka pinirmahan ko ang dala niyang files saka tinawag si James.
"Dalahin mo ito sa head department. " Sabi ko saka binigay sa kanya ang mga files.
Hindi ko na siya na text siya kasi naging busy na ako sa mga sumunod na oras. Sa labas na kami naglunch.