Chapter 22

1613 Words
Nagising siya tumalikod ako sa kanya. Niyakap niya ako. Saka hinalikan sa leeg ko. "Bakit gising ka pa?" Tanong niya sa akin. Hindi ako umimik. "Iniisip mo parin ba ang nangyari kanina?" Tanong niya uli sa akin. "S.. Sino ka ba talaga, Kojima?" Tanong ko sa kanya saka humarap ako sa kanya. Napatitig siya sa akin. Tinitigan ko siya. Hinawakan niya ang mukha ko. "Yun ba ang gumigulo sa utak mo?" Tanong niya uli sa akin. "Gusto ko malaman ang lahat lahat sayo." Sabi ko sa kanya saka hinawakan ang mukha niya. Huminga siya ng malalim. Saka niyakap ako. "Isa akong Leader ng Yakuza. Isa ako sa kinatatakutan sa Japan." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. "Kalaban mo ba yung humarang sa atin?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya. Natahimik ako. "Natatakot ka ba sa akin?" Tanong niya sa akin. Saka inangat ang baba ko. Tumingin ako sa kanya saka umiling. Tinitigan niya ako. "Mahal kita Althea, hindi ako papayag na masaktan ka nila. Kahit anong mangyari proproteksiyonan kita. Kahit buhay ko pa ang kapalit. " Sabi niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Hinalikan niya ako sa noo ko saka niyakap niya ako. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. "Mahal din kita Kojima. " Bulong ko sa isip ko. Kinabukasan niyaya niya akong lumabas. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Mamasyal. Nisip ko kasi puro na lang tayo trabaho kaya naisip ko naman na mag relax." Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. Napatingin ako kasama namin sila yaya at ang tita niya. "Saan mo naman kami dadalahin?" Tanong ko sa kanya. "May nakita kasi ako na lugar sa internet. Parang maganda siya puntahan para maglibang." Sabi niya sa akin. Tumango ako. "Okay, sinabi mo e." Sabi ko sa kanya. Inalalayan niya ako sumakay. Dinala niya kami sa isang park. Nilatag nila yaya ang blangket na dala niya. Saka nilagay ang mga pagkain. " Hmm, mukhang hindi mo pinaghandaan ito ah. " Biro ko sa kanya. " Actually si yaya na ang nakaisip niyan. " Sabi ni ya na kumakamot pa sa batok niya. Napangiti na lang ako. Ng may makita ako. Hinila ko siya dun. " Gusto kong sumakay diyan. " Sabi ko sabay turo sa bike. Napatingin siya sa akin. " Alam mo ba gamitin yan?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. "Oo naman no." Sabi ko sa kanya. "Ikaw? Hindi ka marunong gumamit nito?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. Natawa ako sa kanya. Kumuha ako ng isa. Nagturuan kami sa pag gamit nun. Tawa ako ng tawa sa kanya. Kasi ilang beses siya tumutumba. Napapakamot na lang siya sa ulo niya. Ayaw niya kasing iangkas ko na lang siya. Pati si Kayashi na tatawa sa kanya. Pero kapag tinitingnan siya ni Kojima sumiseryoso. Matagal bago niya natutunan ibalanse ang sarili niya. Kumuha pa ako ng isa saka kami nagbike. Huminto ako sa nagtitinda ng fish ball bumili ako nito. Saka kikiam at squidball. Tagisa kami. Binigay ko sa kanya ang isang cups. Naupo muna kami sa bench na nasa gilid. "Kainin mo masarap yan." Sabi ko sa kanya. Saka kumain kumain siya. Natuwa siya ng matikman niya ito. "Sabi ko na magugustuhan mo yan alam ko meron din niyan sa inyo." Sabi ko sa kanya. Pagkatapos naming kumain. Nagikot pa kami. Nh mapagod bumalik kami kayla Yaya. Nagsikain kami. "Try this, don't worry. Masarap yan." Sabi niya na dinampot ng chups stick niya yung pagkain na niluto ng tita niya saka sinubuan ako. Napasimangot ako ng matikman ko ito. Ngumiti siya saka hinalikan ako. Namula ako. Natawa si yaya. Hinampas ko si kojima tumawa lang ito. "Bakit? Hindi ba masarap?" Tanong niya sa akin. "Masarap naman." Sabi ko saka nginuya ito. "Eto tikman mo." Sabi niya saka nilagyan ako ng ramen sa mangkok. Kinuha ko ito saka humigok ng sabaw. Napataas ang kilay ko. Masarap ang lasa naglalaban ang init at anghang ng sabaw. "Si tita morin ba ang nagluto nito?" Tanong ko sa kanya. "Hindi, ako ang nagluto niyan." Sabi niya. Napalingon ako sa kanya. "Talaga?" Tanong ko sa kanya.Tumango siya. Saka pinatikim pa sa akin ang iba niya pang niluto. Masarap lahat ito. Naparami tuloy ang kinain ko. Inabot kami ng gabi. Natuwa ako ng makita ko ang nagliliwanag na theme park. Nagyaya ako sa kanya dun. Kaya nagsipasok kami dun. Pagdating namin sa loob niyaya ko siya Na magrides. Tuwang tuwa ako pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata ko. "Alam mo ba na noon ko pa gustong sumakay sa ganito. Kaso ayaw ni papa at ni mama na pumunta kami sa mga matataong lugar. Kaya bahay at school lang ang napupuntahan ko noon Pagpumunta ako sa mall. Inaarkila pa ni papa ang mall para makalibot ako dito. Kaya ng lumaki na ako. Lagi ako umaalis ng pilipinas yung malayo sa paningin ni papa para magagawa ko ang gusto ko. Kasi pag nandito ako sa pilipinas laging natatakot si Papa na may mangyari sa akin. Masyado siyang protective sa akin. Lalo na ng mamatay si mama. Pati pagalis ko papuntang ibang bansa pinagbabawalan na niya ako. Minsan hindi ko na nga siya maintindihan." Sabi ko kay Kojima. Huminga ng malalim ito. "Natatakot lang siya na mawala ka sa kanya." Sabi niya sa akin. "Alam ko at naiintindihan ko siya." Sabi ko. Huminga si ng malalim. Niyaya niya ako sa mga games. Tuwang tuwa ako ng mapanalunan niya yung malaking teddy bear. Hating gabi na kami nakauwi nakatulog na ako sa biyahe hindi ko nga alam na nakauwi na kami. Kinabukasan pagdating ko sa office ko. Nagulat ako ng makakita ako ng bulaklak. Nagalala ako na makita ni Kojima ito. Nilapitan ko ito saka kinuha ang card. "Good luck to your work. I Love you. Love: K. " Basa ko napangiti ako saka hinalikan ang bulaklak. Nagumpisa na akong magtrabaho. Nasa kalagitnaan ako ng tumawag sa akin assistant ni Kojima. "Ma'am Althea pinapupunta daw po kayo ni sir sa office niya may hindi daw siya naiintindihan sa report ng tao niyo." Sabi nito. Napasimangot na lang ako. "Sabihin mo busy ako." Sabi ko dito. Nagulat ang nasa kabilang linya. Binaba ko na ang phone na nasa desk ko. Maya maya tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito saka sinagot. "Aakyat kaba dito o ako ang baba diyan para tulungan ka sa ginagawa mo." Sabi niya. Napatingin ako sa phone ko. "Ano ba kasi ang problema ng lalake na ito?" Inis na bulong ko sa isip ko. "Hihintayin kita dito. Kapag wala ka pa ng 5 minutes baba ako diyan. " Sabi nito kaya. Inis na tumayo ako. Saka umakyat sa taas. Nagulat si Haroka ng makita ako. Magtatanong pa sana ito sa akin pero dinaanan ko lang siya. Nakita ko na nakatalikod si Kojima may kausap sa phone niya. Napalingon ito sa akin. Nagpaalam ito sa kausap niya. " Iwan mo muna kami Haroka. Wala kang papasukin hangat wala akong sinasabi. " Sabi ni Kojima.Tumingin sa akin si Haroka. Huminga ito ng malalim saka lumabas. Tiningnan ko ito hangang makalabas. Humarap ako kay Kojima para sermunan ito. Pero nagulat ako ng hapitin nito ang bewang ko saka ako hinalikan. Hinampas ko ito. "Pinapunta mo ba ako dito para lang halikan ako?" Inis na sabi ko sa kanya. "Bakit masama ba kung namimis kita. Hindi ako makapagtrabaho e." Sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako. Parang lumukso naman ang puso ko. "O, ngayon kontento kana po ba?" Tanong ko sa kanya. Nagisip ito. "Hmm, dito ka na lang kaya sa office ko magtrabaho." Sabi niya. Napataas ang kilay ko. "At bakit namam po?" Tanong ko sa kanya. "Para ganahan ako araw araw magtrabaho." Sabi niya sa akin. Napangiti ako sa kanya. Saka kumapit sa batok niya hinapit naman niya ako sa bewang ko. "Alam Mr. Magkasama na po tayo buong araw kahapon na miss mo parin ako." Sabi ko sa kanya. "Anong magagawa ko kung namimiss kita." Sabi niya saka hinalikan ako. Napangiti na lang ako dito.Saka hinampas ito. "Magtrabaho kana nga. Marami kaya tayong trabaho. Umayos ka nga." Sabi ko sa kanya. Maya maya narinig na namin na kumakatok na si Haroka. Huminga ako ng malalim. "Aalis na ako. Kinakatok kana ng secretary mo." Sabi ko sa kanya. Saka ako humalik sa kanya at pinunasan ang labi niya bago ako tumalikod na. Pagbukas ko tiningnan ako ng masama ni Haroka. Inirapan ko lang siya. Saka ako dumeretso sa elevator. Pagpasok ko sa Elevator napangiti na lang ako. "Sira talaga ang lalaking yun." Bulong ko sa isip ko. Magana akong nagtrabaho. Gabi na kami umuwi. Nagulat kami pagdating namin sa bahay. Basag basag ang mga vase . Kinuha ni Kojima ang baril niya. Pinatay ni Kayashima ang makina ng sasakyan. Ang dilim ng paligid. Bumaba si kayashima. Maya maya bumalik ito. "Anong nagyari?" Tanong ni Kojima. "Boss, mukhang pinasok ang bahay pinatulog ang mga guard." Sabi nito. Napatiim bagang si Kojima. "Dito ka lang titingnan lang namin sa loob." Sabi ni Kojima. Tumango ako. "I lock mo kapag lumabas na kami. Wag magbubukas hangat hindi ako ang nasa labas. Okay?" Sabi niya sa akin. Tumango ako hinalikan niya ako sa noo. Ng aktong lalabas na siya hinawakan ko ang kamay niya. "Magiingat ka. Hihintayin kita bilisan mo ha." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka lumabas na sila madilim ang pligid dahil pinatay ang mga ilaw. Kaya kabadong kabado ako. Maya maya nakarinig ako ng ingay sa labas. Kinabahan ako lumapit sila sa sasakyan namin. " Nandito na sila mainit pa ang makina ng sasakyan. " Sabi ng isa. " Baka nandiyan yung babae. Siguradong hindi nila isasama yun. " Sabi naman ng isa. " Tingnan mo. " Sabi ng isang Lalake na mataba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD