Chapter 21

1021 Words
Kinabukasan maaga pa nakaayos na ako para pumasok sa opisina. Magkasabay kaming papasok sa opisina. "Boss dadaanan po ba natin si miss Haroka?" Tanong ng driver niya. Napatingin ako sa kanya. Tiningnan niya ako. Umiwas ako ng tingin.. "Oo." Sagot niya. Hindi ako umimik. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ngayon lang, pinaayos ko na ang kotse niya." Sabi niya Hindi na lang ako umimik.Sa totoo lang hindi talaga ako komportable sa babae ng yun. Dumaan kami sa condo niya. Pagdating namin dun. Papasok sana ito sa pintuan na nasa tabi ko. Pero inawat ito ng driver ni Kojima sa harap ito pinaupo. Nakasimangot na umupo ito sa harap. Nagulat ito ng makita ako. Napatingin ito sa amin. Inirapan ako nito. Napataas ang kilay ko. "Kaya pala." Bulong nito. Saka humalukipkip. Hindi na lang ako umimik. Ng may maisip ako. Umusod ako ng upo palapit kay Kojima pagkatapos nilagay ko ang kamay ni kojima sa bewang ko saka ako sumandal sa dib dib nito. Hinapit naman ako ni Kojima. "O, Ano mamatay ka sa inggit." Sabi ko. Saka lihim akong napangiti. Pagdating namin sa building napilitan akong humiwalay sa kanya. Dahil may may mga kasamahan akong nakasabay namin papasok. "Althea!" Tawag nila sa akin. Kaya nabawi ko ng di oras ang kamay ko kay Kojima. Lumapit ako sa kanila.Sakto naman may mga kasabay pa kami. Nagulat ako ng abutan ako ng isa ng bulaklak. "Sa wakas nakasabay din kita miss Althea. Para sayo nga pala." Sabi nito sabay abot ng bulaklak. Nagpasalamat ako dito. Sumakay na kami sa elevator. Siksikan dito kasi sabay sabay kami. nagulat ako ng iharang ng isa ang braso niya para hindi ako masiksik. Nagpasalamat ako dito. Pagbukas ng Elevator nagulat ako ng magkasabay kami na lumabas ng elevator ni Kojima. Napatingin siya sa bulaklak na hawak ko. Nakakunot ang noo nito. Lalo na ng kausapin ako ni Rey. "Auos ka lang ba Althea hindi kaba nasaktan?" Tanong nito sa akin. Umiling ako. "Ayos lang ako." Sagot ko dito. Ng makita nito si Kojima bumati sila dito. Sumabay ito sa amin. Lalong hindi maipinta ang mukha nito ng makita ang lamesa ko na puno na naman ng bulaklak. Pumasok ito sa head office. Nakita ko na nagusap sila ng head namin. Nagumpisa na ako sa trabaho ko. Nakita ko na lumabas na ito. Maya maya tumunog ang Phone ko. "Ang gaganda ng bulaklak sa lamesa mo. Bakit hindi ka na lang magtayo ng flower shop." Basa ko sa massage niya. Nakagat ko ang daliri ko. Pinatawag ako ng Head namin.. Nagulat ako ng sabihin nito na nililipat ako ng department ni Kojima. Nilagay ako bilang head ng marketing department. Nagulat ako sa sinabi ng head namin. "Hindi mo sinabi na mataas pala ang tinapos mo." Sabi nito sa akin. Hindi na lang ako umimik.Bumalik ako sa lamesa ko kinuha ko ang mga gamit ko. Yung mga bulaklak pinamigay ko na lang sa kanila. Saka naglakad ako papuntang elevator. Nagulat ako ng bumukas ang isang elevator nakita ko si Kojima. Pinapasok niya ako sa elevator. Kinuha niya ang gamit ko. "Bakit mo ako nilipat?" Tanong ko sa kanya. "Pinaturuan lang kita dun. Mukhang nag eenjoy ka dun ah." Sabi niya sa akin. Na hindi parin nagbabago ang itsura niya. masyado itong seryoso. "Wag mong sabihin na nagseselos ka kaya inilipat mo ako?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. Napangiti ako saka lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang mukha niya at hinalikan ito.Nagulat ako ng hapitin ako nito. "Sa opisina ko na lang kaya ikaw magtrabaho?" Sabi niya sa akin. "Ano naman ang trabaho ko dun no?" Tanong ko sa kanya. " E di personal assistant ko. Para lagi kitang nakikita. " Sabi niya sa akin. "Wag na lang. wala akong tiwala sayo. Mukhang wala akong matutunan dun." Sabi ko sa kanya. Natawa siya. Hinatid niya ako sa marketing department. Pinaturuan niya ako sa mga gagawin ko. Pinakilala naman ako nito sa magiging mga tao ko. Naging busy ako maghapon. Mas maraming gawain dito. pagod na pagod ako habang pauwi kami. Nakasandal ako sa kanya. " Ayos ka lang? " Tanong niya sa akin. Tumango ako. Hindi na namin kasama si Haroka dahil ayos na ang kotse nito. Kaya nakasimangot ito na sumasakay kanina sa kotse niya. Nakakaidlip na ako ng bigla kaming huminto. " Anong nangyari? " Tanong ni Kojima. Pero hindi pa nakakasagot si Kayashi. pinauulanan na kami ng bala. Agad na kinuha ni Kojima ang baril niya sa likod ng upuan. Bullet proof ang sasakyan niya. pinaatras ni Kayashi ang sasakyan. Pero meron ding nasa likod namin. Kinabahan ako. Hinawakan niya ang kamay ko. " It's okay, Wag kang magalala hindi ako papayag na masaktan ka." Sabi niya. " Wag kang baba hangat hindi ko sinasabi. Okay?" Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Kinabahan ako. Dahil pinauulanan kami ng bala sa labas. "Wag na kaya kayong lumabas." Sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa pisngi ko. "Hindi pwede, Promise babalik kami. Pag lumabas kami wag kang lalabas. Kahit anong mangyari." Sabi niya sa akin. Hindi na lang ako umimik. Kabadong kabado ako. Hinalikan niya ako. Saka binuksan ang pintuan at parang wala lang na lumabas ang dalawa. Napatakip na lang ako ng tenga ko. Ng makarinig ako ng pagsabog. Paglingon ko nakita ko na nagliliyab na ang sasakyan na nasa harap namin ganun din ang nasa likod namin. Nakita ko na sunod sunod na nagpaputok sila Kojima. Ng tumigil sila. Wala ng nagpaputok sa mga kalaban nila. Parang wala lang na nilapitan nila ang mga sasakyan na pinasabog nila. Maya maya bumalik na sila. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin habang umaandar na kami. Tumango na lang ako. Saka yumakap sa kanya. Sa totoo lang hindi pa kumakalma ang systema ko. Hating gabi na hindi parin ako nakatulog . Iniisip ko parin kung sino ang mga tao. nagtambang sa amin. "Mga kalaban niya ba yun? Saka bakit may mga armas sila ni Kayashi?" Tanong ko saka tumingin ako sa kanya na nahihimbing na. "Sino ka ba talaga Kojima? Bakit wala kang takot kung makipag laban?" Bulong ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD