kabadong kabado ako sa loob ng kotse. Nang aktong bubuksan nito ang pintuan nagpanic ako.
"Naka lock." Sabi ng isa. Sumilip naman ang isa nakita niya ako sa loob.
"Nasa loob Boss ang babae." Sabi ng isa.
"Tabi." Sabi nito. Nataranta ako.
Pinukpok ng baril ang bintana ng sasakyan napa tili ako sa loob sa takot. Buti hindi nabasag ang bintana. Napatili uli ako ng pokpokin uli ito. Takot na takot na ako. Ng uultin uli nito uli ang paghampas sa bintana.Nagulat ako ng may bumaril dito. Nabitawan nito ang baril na hawak. namilipit ito sa tama ng bala sa kamay njya. Aktong susugod ang tatlo na kasama nito. Isa isa itong bumagsak sa lupa. Napatili ako sa takot habang nakahawak ako sa tenga ko.
Lalo akong napatili ng may bumukas sa pintuan ng sasakyan at hinawakan ako.
.
"Sssh, It's me." Sabi niya saka niyakap ako. Napatingin ako sa kanya. Nang makita ko siya. Nanginginig na yumakap ako sa kanya saka umiyak ako sa dib dib niya.
"Sshh, Tahan na nandito na ako. Safe kana." Sabi niya sa akin. Binuhat niya ako papasok sa loob ng bahay. Dahil nanghihina ako sa takot. Dineretso niya ako sa silid namin. Hiniga niya ako sa kama.
"Wag ka munang aalis please dito ka lang sa tabi ko." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka hinubad ang coat niya at tinangal ang neck tai niya saka nahiga sa tabi ko. Yumakap ako sa kanya. Pakiramdam ko safe ako pag nasa tabi ko siya. Nakatulog ako. Hindi ko na nagawa pang magbihis.
Kinabukasan tanghali na ako nagising.
wala na siya sa tabi ko. Kinuha ko ang robe ko saka pumunta sa terrace ko nakita ko si Kojima na kausap si Kayashi.
Pumasok ako sa loob ng banyo naligo ako. Naalala ko ang nangyari kagabi. naalala ko na hindi nga pala ako nakapagbihis ng damit ko. Ibig sabihin siya na ang nagbihis sa akin kagabi. Napangiti na lang ako.
"Sino kaya yung mga lalake na yun? Mga akyat bahay gang?" Tanong ko sa sarili ko. Ng matapos akong maligo. Tinawagan ko si Devine. Natakot ito ng ikwento ko yung nangyari kagabi. Sinabi ko narin sa kanya yung inamin ni Kojima sa akin na isa siyang Leader ng Yakuza.
Alam narin nito ang tungkol sa amin ni Kojima.
"Grabee, Best. Buti na lang nandun si Papa kojima no. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo baka hinimatay na ako no hindi lang ako mamawalan ng lakas." Maarteng sabi niya sa akin.
"Pero kilig ako sayo ah, kinarga ka talaga ni Papa Kojima hangang kwarto niyo at hindi ka niya inwan. How sweet naman sana all." Sabi nito na kinikilig pa.
" Talaga lang ah, nagawa mo pang kiligin dun ha. Halos mamatay na nga ako sa takot. Kinikilig ka pa." Inis na sabi ko dito. Natawa ito.
" Eto naman sino ba naman kasing hindi kikiligin Kargahin ka ba naman ni Papa Kojima no. " Sabi nito.
" Ewan ko sayo." Sabi ko sa kanya saka nagapalaam na ako dito. Paglabas ko nakita ko si Kojima na nakaupo sa kama namin. Tumingin ito sa akin. Dumeretso ako sa closet. Nagpapatuyo ako ng buhok ko ng may yumapos sa akin sa likod ko.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin. Habang hinahalikan niya ako sa batok ko. Humarap ako sa kanya saka kumapit ako sa batok niya.
"Ayos na. Salamat ha." Sabi ko sa kanya.
"Anong salamat? Ang lagay ganun na lang yun nahirapan kaya ako magpigil habang binibihisan ka kagabi. Kaya may utang ka sa akin at ngayon kita sisingilin." Sabi nito sabay buhat sa akin. Napatili ako.Nilapag ako nito sa kama at hindi ko na siya napigilan ng tanggalin niya ang suot na robe ko.
Tanghali na tuloy ako nakapagalmusal pano hindi ako tinigilan ni Kojima. Kundi ko pa sinabi na nagugutom na ako hindi pa ako titigilan ng loko.
"Kumusta kana yaya?" Tanong ko kay yaya.
" Akala ko talaga Althea hindi na tayo magkikita." Sabi niya saka umiyak ito sa harap ko. Niyakap ko ito.
" Sobra ang takot namin. Ng magsipasok sila rito at itali nila kami." Sabi uli ni yaya.
"Ano pong ginawa nila dito yaya? Magnanakaw ba sila?" Tanong ko kay yaya.
" Parang may hinahanap sila Althea hinalungkat nila yung mga gamit sa library pati ang closet niyo. Saka yung kwarto ng Papa mo. Nagalit sila ng hindi nila ito makita. Marami sila. Umalis na yung iba nung dumating kayo. Yung apat na yun ang naiwan para hintayin kayo." Sabi ni Yaya. Napaisip ako.
" May hinahanap sila? Ano naman ang hahanapin nila dito? " Tanong ko kay yaya.
" Ewan ko Althea." Sagot ni yaya sa akin.
Pinagpahinga ko muna silang lahat. Pati yung hardinero. Nagpadeliver na lang muna ako ng pagkain namin. Iniisip ko kung ano ang hinahanap nila sa bahay.
" Hey, kanina kapa walang imik diyan." Sabi ni Kojima ng lapitan niya ako. Nasa tabi ako ng pool nagaalmusal.
" Nakausap ko kasi si yaya. Sabi niya. yung mga lalake kagabi na nanloob dito. May hinahanap daw dito sa bahay. " Sabi ko kay Kojima.
" Ano naman ang hahanapin nila dito? " Tanong nito sa akin.
" Yun nga ang iniisip ko e." Sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako sa likod.
" Wag mo ng isipin yun hindi na mauulit yun. Mga magnanakaw lang ang mga yun." Sabi niya sa akin.
" Mabuti pa magbihis ka aalis tayo." Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko.
" Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Mamasyal, manonood ng movie? Ikaw ano ba ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.
"Sige manood na lang tayo ng movie gusto ko maranasan makasama ka manood ng movie." Sabi ko sa kanya. Nagbihis na ako.
Nagpunta kami sa mall. Nagikot ikot muna kami bago kami nanood ng movie.
nasa bewang ko ang braso niya habang nakasandal ako sa dib dib niya. love story ang pinapanood namin. Palabas na kami ng magkagulo sa sinehan. May nakitang patay sa loob ng CR. kinahaban ako. Hinawakan ako ni Kojima. Sinalubong kami ni Kayashi. Nagusap sila ni Kojima. Lumabas na kami ng sinehan. derederetso na kami sa bahay.
"Ano bang nangayayari sa paligid ko. Kahapon pinasok ang bahay ko ngayon naman may pinatay sa sinehan na pinapanooran ko. Sinusundan ba ako ng gulo?" Bulong ko sa isip ko. Saka huminga ako ng malalim.